Matched 05

47 32 7
                                    

Matched
05: Use Me

"So here's the plan, Tanya." Inakbayan ko si Tanya nang mapagusapan nami'ng magkita kita sa gymnasium, kasama ko siya at si Layne na laging andiyan tuwing may misyon ko'ng ipagkatuluyan.

"Hihihi, sige." Tuw'ng tuwa niya'ng sabi sa akin, para kami'ng nag-cacamping at nakapalibot sa isa'ng bonfire.

"I noticed that Taylor has a bunch of posts of teddy bears on his instagram account, and he has a collections of Charmander from pokemon..." sabi ko, nagtataka naman siya'ng tumingin sa akin at inaabangan ang susunod ko'ng sasabihin, "What you need to do is... bought him a Charmander stuff toy." Sunod ko'ng sabi.

"Ha? Eh, bakit ako? Bakit hindi ikaw?" Taka niya'ng tanong, abnormal ba 'to? I'm just here to help!

"Ah, okay, para sa akin magkagusto si Taylor, sige gagawin ko." Sarkastiko'ng tugon ko sa kaniya, nanlaki naman ang magkabila'ng mga mata niya sa sinabi ko'ng 'yon.

"H-ha? Joke lang! Gagawin ko na!" Nangangamba'ng sabi niya, nag-smirk ako sa kaniya at umiling iling.

"Alam mo, Tanya... binabayaran mo ako para tulungan ka at hindi para utusan." Sabi ko.

"Hays, oo na... pero teka lang... effective ba 'to?" Tanong niya sa akin, nako! Malapit ko na 'to'ng mabatukan! Isa'ng isa na lang!

"So wala ka'ng tiwala sa mga sinasabi ko? So ano lang 'yong mga natulungan ko? Biro? Baka gusto mo'ng hindi ko 'to ituloy." Pananakot ko sa kaniya, bigla niya nama'ng hinawakan 'yong braso ako at nag-pout! Abnormal ka Tanya, pramis!

"Joke lang CC, sige na gagawin ko na talaga bukas na bukas... ilan ba'ng stuff toys?" Tanong niya pa.

"Ano ba 'yan! Ang dami mo'ng tanong, ibigay mo na lang kaya lahat nang nasa shop para wala ka na'ng tanong tanong at para madali'ng mapa-sa'yo si Taylor!" Nakakairita naman 'tong babae'ng to, tumayo na ako.

"Aalis na kayo?" Tanong niya PA! Nako makakapag-mura ako neto nang hindi sa oras eh!

"Ay hindi! Papasok pa lang kami! Kararating lang namin eh!" Hinila ko si Layne palabas nang gymnasium hila hila ang bag nami'ng dalawa ni Layne! Arg! Iniimbiyerna ako neto'ng si Tanya! 'Yong beauty ko mababawasan ng 1% nako! Pag talaga ako pumanget neto! My shet talaga.

"Highblood ka 'Teh? Puwede nama'ng magalit nang chill 'di ba?" Sabi ni Layne sa akin, nahinto ako sa paglalakad at ganon din.

"Sige paano aber?!" Nakapamewang ko'ng tanong sa kaniya.

"Nagagalit ako, arg, gusto kita'ng sigawan, ah, naiinis na ako sa'yo, sobra." Umasta pa siya'ng wala'ng reaksyon habang sinasabi 'yon, ngina! Nahawaan ata 'to ni Tanya! Nilayasan ko siya at naglakad paalis.

"Oy! Wait lang!" Habol pa niya sa akin at inakbayan ako, pero mas binilisan ko pa nang lakad hanggang sa makalabas nang gate ng University.

"Hi, Layne, hi Coleen." Nahinto kami'ng dalawa ni Layne nang binati kami ni Collin! Kasak niya si Aik.

"A-ah, hi Collin, hi Aik." Nauutak pa'ng bati sa kanila ni Layne.

"Hi, Aik." Bati ko naman kay Aik, nginitian niya ako at kumaway.

"Hi, CC." Bati ni Aik sa akin.

"Ayan ka nanaman, Coleen, 'di mo ako binati." Pagmamaktol ni Collin sa akin.

"Ay, kailangan pa ba?" Pilosopo'ng sabi ko sa kaniya at ngumuso naman siya, haha! Ang cute niya! Parang aso'ng inagawan nang paborito niya'ng bacon haha.

Halos mapa-tili ako sa sakit nang may kumurot sa bewang ko! Nilingon ko si Layne! Nilakihan niya ako nang mata! No ba 'yan!

"Nagtatampo na 'ko sa'yo, Coleen ah... siguro may gusto ka kay Aiken 'no? Kaya pala 'di mo 'ko binabati at palagi'ng siya ang binabati mo." Suspetsya niya at agad ko'ng nilingon si Aik na natatawa habang akbay ni Collin.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon