1

421 8 0
                                    

Leslie Nicole Chavez  P.O.V

Narito ako ngayon sa mall. Nalalapit na kase ang reunion na magaganap sa batch namin nung highschool. Kailangan ko naring bumili ng damit na maisusuot.
Agad akong nagtungo sa isang boutique. Papasok na sana ako ng matanaw ko ang pamilyar na pigura ng isang lalake.

(Anong ginagawa nya dito? Akala ko ba nasa business trip sya. )
Nasa ganun lang akong posisyon. Nakatingin at inaabangan ang susunod na mangyayari. Hahakbang na sana ako para lumapit ng may babaeng humalik sa pisngi nito. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng sakit.

Nagyakapan sila saglit at magkahawak kamay na pumasok sa isang restaurant.
Napapapikit nalang ako ng maramdaman kong unti unti ng tumutulo ang mga luha ko.

Imbes na pumasok sa boutique naglakad nalang ako paalis at nagtungong sa dala kong kotse.

"hahahaha ang tanga ko naman. Bakit di ko sinugod yung malanding babae na yun?  May pahalik pang nalalaman. 'Di ba nya alam na yung lalakeng hinalikan nya may asawa na *snip* *snip* bakit ba ako umiiyak? *snip* hahaha tanga lang self noh malamang nakita mo lang naman yung asawa mo na nasa BUSINESS  TRIP inaasikaso yung kabet *snip* *snip*"

The Hopeless WifeWhere stories live. Discover now