"TERESA! PAABOT NUNG TISSUE SIGE NA PLEASE." sigaw ko kay Teresa na kasalukuyang nanonood ng TV at ako nama'y humahagulgol.
"Hoy Sprite! Therese po ang pangalan ko. Reese for short! Ginagawa mo naman akong matanda eh. At saka mas malapit kaya sayo yung tissue. Iiyak ka pala dapat kanina mo pa hinanda." Pangaral sakin ni Reese pero inabot din naman sakin yung tissue. Ay joke hindi pala inabot, tinapon lang sakin.
"Eh kasi naman Therese bakit ganito? :( Ang sakit naman sa puso nito eh. DAPAT DI NA SIYA NAGBILANG PARA DI NA SIYA NASAKTAN. WAAAAAAAAAH!" Reklamo ko. Eh kasi naman eh, masakit sa heart huhuhu. Kakatapos ko lang nung libro na binabasa ko.
"Ang ingay mo. Babasa-basa ka niyan tapos iiyak ka rin pala? Hapon na. Magluto ka na! Gutom na ako." Diretsong sabi niya habang nanonood parin.
Wala kang awa Teresa! Umiiyak na nga ako eh.
Pinahid ko na ang mga luha ko at tumingin sa salamin. Daig ko pa ang mansanas sa sobrang pula ko. Pero ngumiti ako. Aba syempre kailangan maganda parin ako kahit mapula.
"Bukas na bukas magbibilang din ako ng 100 na lalaki at ang pang100th ay ang makakatuluyan ko." Masayang-masaya at siguradong-sigurado kong sabi.
"Akala ko ba dapat hindi na nagbilang?" Tanong naman sakin ni Teresa.
"Ehh nagbago na isip ko. At saka healthy naman ako at walang sakit. Madali lang yan." Masaya ko paring sabi.
"May pasok tayo bukas Sprite. Yun kaya muna atupagin mo no?"
"Bitter ka talaga kahit kelan. Palibhasa pursigido ka na sa pagiging matandang dalaga. Binabagay mo kasi sa pangalan mo eh, Teresa." sabay belat ko sakanya.
"Sabing Therese ang pangalan ko eh!" sabay takbo niya papunta sakin.
Ano ginawa ko?
Natural tumakbo din. Hehehe *peace sign*.
Makapagluto nga ng Ampalaya para bumagay sa kasama ko dito sa bahay.
------
"Rise and shine Bitter Teresa!" Gising ko sa kasama ko sa bahay.
Umaga na ngayon at buti nalang hindi namugto mata ko.
TIP PARA SA MGA AYAW MAMUGTO ANG MATA PAGKATAPOS UMIYAK:
Bago matulog, maghilamos tapos imassage-massage niyo mata niyo hanggang sa makatulog kayo.
Ewan ko lang kung gagana sa inyo pero saakin gumana eh.
"Kainis ka Sprite. Ang aga pa oh." antok na sabi ni Teresa.
"So? Dalian mo na diyan para maaga tayo. Excited na ako magbilang mamaya." excited ko nanamang sabi.
Hindi naman ako nagmamadali magkalovelife. Kaya ko lang gustong itry kasi malay mo dun ko pa mahanap si right guy.
Pero di ibig sabihin nun eh boyfriend ko na kaagad si 100th guy. Isa parin pong dalagang PIlipina si Sprite Miranda.
"Ipupush mo talaga yun?" tanong ulit ni Reese.
"Oo naman. Try lang naman eh at saka wala namang mawawala." sabi ko habang nag-aayos na ng kama.
"Gusto mo sumama ka pa eh. Pag naka100 na ako, ikaw naman pero sa 1 ulit." aya ko pa sakanya
"Mag-isa ka sa kalokohan mong yan Sprite." tumayo narin ito at nag-ayos na ng kama.
"Eh basta ako ipupush ko to!"
Bahala na. Sana lang katulad ni Maisen makuha ko.
Pero paano kung hindi?
BINABASA MO ANG
The 100th
Romance98,99,100! Hala ayan na. The 100th Guy Who Passed By Me :) ay shems teka, bakit dalawa sila?