Chapter 3 - First Day #2

112 16 27
                                    

I dedicate this to ate Sha for supporting me always! thank you very much ate Sha! I hope you like this! And Happy Birthday nga pala !!! (Nov. 13, 2014) .. 12 ka na ! Hahahaha xD

~~~

To all readers,

Thanks for supporting this and sana magustuhan niyo itong chapter na 'to. Pls do vote and comment for suggestions! <3 Keep on reading!

 

Love yah! mwuah!

-teL

~~~


Magnolia's POV

Dahil sa kakahanap ko ng swimming pool, nakabunggo ako.

"Naku, sorry po!" sabi ko dun sa babaeng nabunggo ko at inayos yung salamin kong nagulo dahil sa pagkakabunggo naming dalawa.

"Sorry din" sabi niya at tinulungan ko naman siya magkuha ng gamit niyang nalaglag.

"Bago ka dito?" tanong niya sakin,

teka! paano niya naman nalaman yun?

"Opo, paano mo po nalaman?" tanong ko naman.

"Ah, ngayon lang kasi kita nakita dito" sagot naman niya sa tanong ko.

"Ako po pala si Magnolia, but pwede niyo po akong tawaging Maggy" pakilala ko at nagbow.

"I'm Nica, you can call me ate Nic-Nic. Ahm .. scholar ka dito?" tanong niya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

bat kaya??? sabi nung kanina walang scholar dito. Ang gulo lang nila ha.

"Ahmm? Opo .. bakit? Secret lang yun ha" sabi ko na lang.

"Ahh.. kasi - Lumapit siya sa may tenga ko - ako din secret scholar dito" bulong pa niya sakin ..

AHH!!! KAYA PALA!!!


"Secret lang natin yun ah" dagdag pa niya.

"Ok po .. secret lang natin" sabi ko naman.

"Oh san ka nga pala pupunta? parang naliligaw ka kasi eh" tanong naman niya sakin.

"Sa may swimming pool po" sagot ko sa kanya.

"Ha? Bakit dun? Wala ka bang klase? Sino namang pupuntahan mo dun?" tanong naman niya sakin na parang nagtataka.

"Meron po pero mamaya pa, Gusto ko po kasi ng swimming eh kaya sasali ako sa club nila" sagot ko nalang sa kanya, di pa ko pwedeng mabuko nuh!

"Ah.. tara hatid na kita, pero aalis din ako agad kasi may kaaway ako dun eh" sabi pa niya sakin at nagsimula nang maglakad.

In a relationship with FOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon