Hi! Ako nga pala si Ayana Mendoza. Isang 3rd year na estudyante sa Arellan High School. At sa pagiging estudyante dito, wala akong masyadong kilala sa paaralang ito.
Di ako nerd, di rin ako bitch. Sakto lang. tamad akong mag-aral, pero nakakakuha naman ako ng mga average na mga scores.
May mga friends rin naman ako, sila Allaine Dison, Maxine Pelin at Dayana Sanchez. Kung may problema ako, mapa crush man o wala, asahan mong alam na nila yan. Sila pa!!
Kung crush pa naman ang pag-uusapan, Si Zacharie Quelaz lang at wala nang iba.
Isa siyang athlete, Swimming. 4th year. Matalino siya, mukhang chickboy lang. 2 years ko na siyang crush.
Ang gwapo talaga ni crush.
Halos araw-araw pag nakikita ko siya, corny pero kinikilig ako. Kahit hindi niya ako pinapansin, okay lang. Mabait naman siya.
Alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya, tanggap ko naman.
Okay lang naman akong pagmasdan siya sa malayo.
Pero paano kung may mahanap akong ibang crush? Diba parang bini-betray ko si crush?
Kaya nga nag promise akong siya lang ganggang maka graduate siya.
Sana nga lang, siya lang.
