chapter 2

8 0 0
                                    

---

Recess na, at ngayon pa lang ako gumising. Maganda kasi yung tulog ko! Iniwan na nga ako nila Maxine kasi nagugutom na sila.

Nag stretch muna ako sa mesa ko at inayos yung uniform ko tas lumabas na mula sa classroom namin.

Yung canteen sa paaralan namin isa lang. Kaya pag bumibili kami ng pagkain, makikita ko si crush YIEHIHIHI.

Hinanap ko muna sila Allaine at sumasama sa kanila bumili ng foods.

At habang bumibili sila ng pagkain, 

Dumaan si Crush.

YIHIHI ENEBE KINIKILIG NAMAN AKO. HUHU CRUSH STAP!!

Kalmado lang ako sa labas pero deep inside, WAAAHHH kinikilig talaga ako ng sobra.

Dumaan si Zacharie, kasama yung mga tropa niya, na may dala-dalang binignit.

Bahagyang napangiti naman ako kasi favorite ko rin yun na pagkain.

"Llaine, bilhan mo nga ako ng binignit."

"Binignit? Akala ko ba ayaw mo ng binignit?" Napanganga naman ako sa sinabi niya, Di naman ako maarte ah?!

"Sige naaa, gusto ko kasi."

"Gusto mo? Oh gusto mo lang kasi yun yung kinain ni Zach?" Namula ako sa sinabi ni Dayana. Piste!

"H-hindi! Gusto ko lang naman ng binignit bawal ba?!"

Di ko sila pinansin kasi nanunukso na yung mga mokong. Naiinip na ako kasi maraming tao tas sinasabi nila yung pangalan ni Zach!

Lumayo ako sa kanila at tinakpan yung mukha ko sa kahiyaan. Nakatingin ako sa ibaba at hinampas ng mahina yung pisngi ko.

Tsk tsk Ayana! Namumula ka naman!!

Nakatingin ako sa ibaba kaya hindi ko namalayan na may dumadaan sa tapat ko.

Kaya nag kabangaan kami.

"Arouch!" Mahinang sabi ko. Tiningnan ko yung nakabangga sakin.

Yung lalaki kanina.

"Tingin kasi sa dinadaan. Tsk, tsk." Mahinang tugon niya at lumakad na palayo.

A-abat!

Nahiya na naman ako. Mabilis akong pumasok sa classroom namin at umupo sa aking mesa.

"WAAHHHH, NAKAKAHIYAA!!" Sabi ko. Tiningnan naman ako ng mga ka-klase ko. Wala na akong pake!! Basta napahiya akoo!! Huhuhu

>_<

Huhuhu buwisettt naman!! Hinahampas ko naman yung ulo ko sa mesa.

Halos 5 minutos ko hinampas.yung ulo ko sa mesa at nag aalala na sila Dayana. Baka raw kasi malimutan ko sila.

Pagdating ng prof, hindi na ako halos nakinig. Since yung topic namin ay pagkain, nagutom ako.

Huhuhu, nagugutom ako.

Nung malapit nang matapos yung klase namin, agad akong umalis sa classroom at bumili ng pancake sa canteen.

Masarap kasi yung mga pagkain sa  canteen dito, at nakakabusog yung mga pagkain. Kung wala akong pera, pinipilit ko nalang hindi kumain

Nang matapos akong bumili, may nakita akong pamilyar na figure sa malayo.

Kuya ko yata yan ah? Teka, sino yung kasama niya?

Oo, may kuya ako. Si Kenneth Mendoza. 4th year siya, at tapad sila ng section ni Zacharie.

"AYANA!!!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni kuya. Hindi naman ako bingi ah!?

Sinamaan ko siya ng tingin kasi nahulog yung isang pancake ko sa sigaw niya. Huhuhu, yung 5 pesos ko.

Oo nga pala, bat ang pamilyar ng kasama niya?

Teka. Yung lalaki kanina? Holi.. SHEYT!!

"Oh, Ayana. Si Zachier  Quelaz nga pala. Kapatid niya si Zach."

Crushing The UncrushableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon