CHAPTER 4

9.4K 235 0
                                    

Eden POV

Bryce Tyron De Fazzio, only son of Tyson De Fazzio and Josephine De Fazzio and the heir of De Fazzio Real Estate Company with more than 10 branches around the world. He owns many villages and univerties inside and outside of the country. He also owns private plane and yacht. Top investors and stock holder in Ralattores Company.

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong mabasa ang family background niya. He's that rich, huh. I did my own research about him and I found this. Oh,yeah. Napailing ako.

Now, I know kung bakit gusto ng mga magulang ko na magpakasal ako sa kaniya.

"Ate, pwedeng dito ako matulog?"

Napatingin ako sa kapatid ko na kapapasok lang dito sa kwarto ko.

"Sure, Ellyn."

Isinara ko ang laptop ko at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Tumabi naman sa akin ng higa ang kapatid ko.

"Ate, next week na ang kasal mo 'di ba?"

"Oo." Pagtango ko. "Bakit?"

"Sigurado ka na ba talaga?"

"I have to do this, El. Ayaw kong ipahiya sina mommy at daddy. You know ... mabait sila."

"Pero ang layo ng agwat ng edad niyo. Imagine, eight years." Nakangiwing sabi ni El. "Baka maaga kang mabiyuda, Ate." Natatawa nitong sabi.

Natawa rin ako. "Pumayag ako dahil sa trabaho ko." Sabi ko.

"Bakit, ate? Mission mo siya?"

I nodded. "Oo."

Ngumiti ang kapatid ko ng mapang-asar. "Ang tadhana nga naman."

"Anong tadhana ang pinagsasabi mo diyan?" Binato ko sa siya ng unan.

Natatawang inilagan niya ito.

"Eh, ano? Are you going to spy him?" Ellyn asked.

Umiling ako. "No. I'm his bodyguard."

"Eh?" Hindi makapaniwalang sabi ng kapatid ko.

"Oo and my boss said na ayaw niya daw na may nakabuntot sa kaniyang bodyguard kaya palihim ko siyang sinusundan araw-araw ..." Umirap ako sa hangin. "At ang nakakainis, may mga natatanggap na nga siyang mga death threats, may gana pa siyang mag-bar hopping. Hindi niya ba alam na delikado 'yon?"

"Hindi siguro, ate." Sagot ng kapatid ko.

"Aist!"

"Pero ang ganda ng simula ng lovelife mo, ate." Ngumisi ang kapatid ko. "Hindi nga kayo nagligawan at naging boyfriend at girlfriend-"

"Shut up, Ellyn." Sabi ko.

Nagkibit ito ng balikat. "Okay. Pero ate wala ka bang nararamdaman?"

"Lahat tayo may pakiramdam."

"What I mean is ... hindi ba mabilis ang tibok ng puso mo ate kapag nakikita mo siya?"

"Eh, ano naman ngayon kung mabilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya?"

My sister gasped. "Really, ate? You feel that."

Hindi ako sumagot ang isinubsob ang mukha ko sa unan.

"Oo nga pala, ate ... pinapasabi ni mommy na sa makalawa na daw ang alis natin papuntang Italy with Kuya Bryce and his parents."

Patagilid akong humiga paharap sa kapatid ko.

"Kuya, huh? Close kayo?"

Ellyn smirked. "Bakit, ate? Hindi ko ba siya pwedeng tawaging 'kuya' magiging asawa mo naman na siya, ah."

MY WIFE IS A SECRET AGENT (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon