26

34 1 0
                                    


Suduki POV

  
" Oras na para mag kaharap kami ng kakambal ko!"

" Kakambal! Sinong Kakambal!" gulat na wika namin ni Aldren. Hindi kami makapaniwala na magkambal pala sina Senady at Cobraneca at totoong pamangkin niya si Athena.

Tumango tango lamang ako.

Hindi ito ang oras para mag debate pa kami ang mahalaga ngayon mailigtas namin si Athena at hindi  makalabas  ang halimaw mula sa loob nito.

" Huli na kami Ms Senady nakuha na niya ang lemang  medalyon?" Sabi ni  Aldrin.

" Wala na talagang oras! Bakit ganun na lamang kabilis makuha ni Cobraneca ang mga medalyon dali kumilos na tayo!"

" Ikaw aldren. Sabihan mo ang lahat ng mga Profesor  na mag handa at sasabak tayo sa isang digmaan! Protektahan natin ang paaralan at si Athena. Mapanganib ang ating gagawin!"

" Masusunod Ms senady!" wika ni Aldren habang lumalakad papalayo.

" Ikaw Suduki Sundan mo na roon  sinabi Red at Alex dahil Hindi na nila kakayanin ang paglaban sa mga taong ahas ni Cobraneca!"

Mabilis na lumabas ako sa Opisena ni Ms Senady. Tumingin muna ako sa paligid namin. Napatingala ako sa kalangitan iba ang kulay nito na animoy mga dugo.

" Suduki!"

Napalingon ako sa boses na narinig ko.

" Aira  ikaw pala!"

" Sasama ako sayo!"

" Hindi pwede mapapahamak ka!"

" Kaibigan ko rin si Athena kaya sasama ako sa ayaw at kagustuhan mo!"

" Kong ganun dali Tara na! Kumapit ka sa akin at tatakbo tayo!"

Dahil ngA sa taglay kong  kapangyarihan ay mabilis kaming nakapunta  sa kweba Kong saan namin iniwan sinaRed, pero asan  sila.

" Asan na sila Suduki?"

" Hindi ko alam  Aira, iniwan lang namin sila tapos Hindi na namin alam  ang Daan papunta roon!"

" Papano na yan ngayon?"

Hahanap kami ng paraan....... Hindi pwedeng mahuli kami.

Red POV

" Alex sa likod mo!"

Buti naman at napatay niya agad ang mga taong ahas.

" Paano natin sila matatalo Kong tayo lamang dalawa. Mukhang hindi  sila nauubos."

" Magtiwala lamang tayo sa ating mga kakayahan at Alam ko nadarating  nadin ang tulong para sa atin."

Ano na ang gagawin namin ngayon?

" Umisod ka alex!?"

" Anong gagawin mo! Wag mong sabihin na gagamitin mo naman ang labis ang kapangyarihan mo?"

" Wala ng oras makikita mo na ang mga taong ahas na iyan na mukhang Hindi nauubos!"

Walang nagawa si Alex kundi Umisod.

Lumikha ako ng maliit na apoy  sa aking dalawang kamay.

" Mag ingat ka Red!"

Tumango na lamang ako kay  Alex..Matapos akong makalikha ng Dalawang maliit na bolang apoy sa aking mga kamay ay dahan dahan ko itong ipinagsama na parang iisa.

Mukhang mahihirapan akong gawin ito. Pero wala ng oras.

At pagkatapos ay inihagis ko ito sa mga taong ahas. At nagkaroon ng matinding pagsabog...

Athena, the snake Princess # ( Watty 2019)Where stories live. Discover now