Chapter 12
Hindi parin kami bati ni Mr. Ssg at bahala s'ya kung hindi talaga kami bati.
"Tara lunch na tayo." Tumango naman ako at sumunod. Si Mr. Vice na kase ang lagi kong nakakasama at mabait naman s'ya. Medyo may kakulitan nga lang pero ayos lang.
"Anong gusto mo?" tanong n'ya. Sasagot na sana ako nang may nasagi ako. Hihingi sana ako ng paumanhin ngunit nalaman kong si Mr. Ssg pala! Bahala s'ya d'yan!
Nakatingin din sa'kin si Mr. Ssg kaya tinignan ko lang din s'ya. Gusto n'ya ata ng titigan.
"Huy! Anong gusto mo kako!" Rinig kong sabi ni Mr. Vice pero hindi ko parin maalis ang tingin kay Mr. Ssg.
"H-ha ikaw," sabi ko nang hindi parin lumilingon kay Mr. Vice at nakita ang pag igting ng panga ni Mr. Ssg at pagsalubong ng kilay n'ya.
"Ikaw ah." Napalingon ako kay Mr. Vice dahil sinundot n'ya ang tagiliran ko. Buti na lang hindi ako masyado makilitiin!
"H-ha? Bakit?"
"Ako pala gusto mo ah," sabi n'ya at susundutin sana ang tagiliran ko ngunit pinigilan ko 'to.
"Ha? Ahh. What I mean is ikaw bahala. Hehe," sabi ko at lalo s'yang ngumiti ng malawak.
"Okay, if you say so," sabi ni Mr. Vice at lumingon ulit kay Mr. Ssg ngunit wala na s'ya.
Pagkatapos namin kunin ang order namin ay nagtingin tingin kami ng bakanteng lamesa ngunit wala kaming makita.
"Naku, wala ng bakanteng table," sabi ko.
"Tara maki table na lang tayo," ani Mr. Vice at sumunod ako sa kan'ya.
"Pwede kami maki share ng table?" sabi ni Mr. Vice at tinignan ko naman kung sino ang tinatanong n'ya.
Mr. Ssg?!
"Sure." Gusto ko sana umangal kaso inaya na ako ni Mr. Vice na maupo. Si Mr. Ssg naman ay nakataas ang dalawang kilay at tila nang aasar kaya inirapan ko s'ya bago maupo sa tabi ni Mr. Vice.
"Oh nand'yan ka na pala." Napatingin kami sa dumating at si Ms. Secretary pala! Naupo naman s'ya sa tabi ni Mr. Ssg na medyo nagpainis sa'kin.
"Oh, Hi kyle." bati ni Ms. Secretary at nginitian lamang ako kaya ginantihan ko rin ng ngiti. Kahit peke!
Napatingin naman ako kay Mr. Vice na naglalagay ng kung ano sa plato ko.
"Hala, baka maubusan ka n'yan," sabi ko dahil dinagdagan n'ya ang pagkain ko.
"Ayos lang atleast mabubusog ka," sabi at napangiti naman ko. I heard Mr. Ssg cleared his throat.
"Mas mabuting kayo ang magtabing dalawang babae at kami ni kyle ang magtatabi," sabi ni Mr. Ssg na tumayo at lumakad papunta sa pwesto ko.
"Palit tayo," aniya at parang may pinipigil sa boses. Tumayo ako at kinuha ang pagkain para pumunta sa dating pwesto ni Mr. Ssg.
"Tsk." Rinig ko pang singhal n'ya bago ako makarating sa pwesto ko na tabi ni Ms. Secretary.
"Yan mas maganda tignan," sabi ni Mr. Ssg na napatingin ako sa kan'ya. Bakit kanina pangit ba tignan?
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa napairap ako sa eksena ni Mr. Ssg.
"Vaness, may dumi ka," sabi ni Mr. Ssg at pinunasan ang gilid na labi ni Ms. Secretary.
EDIIII WOWWWW!
Tinignan ko na lamang ang pagkain ko at naiinis akong tinuhog tuhog ang ulam ko at hiniwa hiwa 'to.
"May galit ka ata sa pagkain?" Napaangat ako ng tingin at nalaman kong nakatingin sila sa'kin.
Nakataas ang dalwang kilay ni Ms. Secretary habang nakangisi si Mr. Ssg.
"Naku, mawawalan ng sarap 'yan sige ka," sabi ni Mr. Vice at napapahiyang ngumiti ako sa kan'ya.
"Here. Try this. Masarap din 'to." Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Vice at itinapat ang kutsara sa bunganga ko.
"A-ano 'yan?" sabi ko at naiilang na tumingin sa katabi dahil hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Mr. Vice 'to!
"Pagkain."
"Anong gagawin ko d'yan?" sabi ko at napatingin kay Mr. Ssg na iiling iling habang si Ms. Secretary ay nakatingin sa'min ni Mr. Vice na para bang may ibig sabihin at kinikilig.
"Nangangalay na kamay ko." Napalingon naman ako kay Mr. Vice na nakangiti parin at nakalahad ang kutsara sa taat ng bunganga ko. Nag aalinlangan pa akong isinubo ito at ngumiti ng malawak si Mr. Vice.
"H-hmm. Sharap nga," sabi ko habang ngumunguya at tinignan ulit si Mr. Ssg.
Nakakunot ang noo n'ya habang hinihiwa ang ulam at gigil na gigil na isinubo ito at medyo padabog na ibinaba ang kutsara. Matapos ay inirapan n'ya ako bago tumayo.
"I'm done. Continue your food," sabi at umalis na.
Nagtinginan pa kaming tatlo at maya maya ay nagpunas ng labi si Ms. Secretary bago tumayo.
"Tapos na din ako. Sige, mauna na ako," sabi at umalis na.
Nagkatinginan pa kami ni Mr. Vice at nagkibit balikat s'ya kaya napatawa ako.
Ilang oras din ang nakalipas at natatawa parin ako sa nangyari. Ewan ko kung bakit masaya pa ako na nagwalk out si Mr. Ssg na may halong inis kase sinundan ni Ms. Secretary. Hindi na rin ako nakapag focus sa diskusyon sa klase dahil 'yon na lang ang tumakbo sa isipan ko buong klase.
Kailan ba ako ng focus? Hahahaha.
Kakatapos lang ng klase namin at hanggang ngayon ay iniisip ko ang nangyari kanina sa canteen.
"Lakas ng topak." Iiling-iling na sabi ko at dumaretso palabas ng gate.
"Ay kalbo!" Nagulat ako sa humila sa braso ko at dinala ako sa kung saan.
"Anong ginagawa natin dito?" Wala paring imik si Mr. Ssg. Dinala dala n'ya pa'ko sa garden.
"Bahala ka nga," sabi ko at akmang aalis ngunit pinigilan n'ya ako.
"Ano?" tanong ko at tumingin sa kan'yamg mga mata. Kitang kita ang inis sa mata n'ya at pagpigil ng kung ano dahil sa umiigting na panga.
"May.. May liptint ka.." sabi at tumingin naman s'ya sa labi ko.
"Wala akong liptint. Lipbalm lang," sabi ko at binitawan n'ya naman ang braso ko saka umiwas ng tingin.
"Wala ka naman atang sasabihin aalis na lang—"
"Bati na tayo." Naputol ang sinasabi ko sa sinabi n'ya.
"Ano?" sabi ko at lumapit sa kan'ya.
"Tsk. Bingi."
"Bahala ka nga—"
"Bati na tayo sabi ko." Akmang aalis ako ngunit napatigil ako sa sinabi n'ya.
Hindi ka pala makatiis eh!
Tumalikod ako sa kan'ya at ngumiti ng parang ewan dahil lumundag sa saya ang puso ko!
"Sabi ko bati na tayo." Rinig kong sabi n'ya at napakagat ako ng labi saka pinipigilan ang ngiting humarap sa kan'ya.
"Talaga? Eh pa'no kung ayaw ko?" sabi ko sa kanya at inirapan naman n'ya ako. Napatahimik s'ya saglit ngunit suminghal din kalaunan.
"Sinabi ko bang kasama 'yung opinyon mo? Basta bati na tayo." sabi at nakasimangot na lumapit sa'kin saka ginulo ang buhok ko bago umalis.
TIGNAN MO? INIWAN NA NAMAN AKO NG NAKATANGA! 'YON NA 'YON?
EDI BATI NA KAMI!_______
YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!
DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!
IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!
LALABS MY VIELATS!
-i c o l i t t l e m e ❤
BINABASA MO ANG
MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*
Teen FictionAria Dhay Moleinarez, ang babaeng mahilig magliptint. Mabait, matalino ngunit tamad at maganda ngunit makolorete sa mukha. She's beautiful naturally but she's so insecure of herself. Ang lalaking si Sean Seiken Guerrejo, president of Ssg officers o...