Chapter 21

5.7K 300 16
                                    

Chapter 21

Naghihintay ako ngayon sa food court. Katulad nga ng napagusapan. Hanggang ngayon ay nagf-flash parin sa'kin 'yung nangyari nang lumabas kami.

"T-tanggalin mo.."

"Huh? A-ang ano?"

"Kamay. Kamay mo bilis!"

Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa kung ano mang nahawakan ko.

Oh ghad..a-ano 'yun?

Pagkadilat ko ay namukhaan ko si Mr. Ssg napalapit na ngunit hindi siya nakatingin sa'kin na ibig sabihin ay Hindi niya pa ako nakikita. Nakatingin at nagtitipa siya sa kaniyang phone kaya naisip ko na baka magt-text siya sa'kin kaya inabangan ko.

Ilang minuto at wala parin akong natatanggap na message kahit ibinulsa na niya ang kaniyang phone pagkatapos magtipa.

Tumayo ako sa kinauupuan. Tatawagin ko sana siya nang makita kong huminto siya. Napatigil ako sa paglalakad.

Ms. Secretary?

Magkikita rin ba sila?

Hindi ko malaman kung bakit dahil bumigat ang pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti silang nag u-usap. May kalahating oras din silang usap at 'eto ako pinanuod sila ng kalahating oras. May ibinigay pa si Mr. Ssg na papel kay Ms. Secretary na papel bago ito kumaway sa kaniya at umalis.

Psh, ayaw daw sa late pero nagpalate kase nakipagkita pa sa iba?

Haaay! Ano ba? Ano bang pake ko?

Ano nga ba?

Napangiwi ako sa nagside comment sa isip ko. Baliw na talaga!

Agad akong bumalik sa pwesto ko at napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit? Kinakabahan ba ako? Natatakot ba ako? Ano itong nararamdaman ko?

"Huy." Dumilat ako at nag angat ng tingin.

"Para ka na namang tanga diyan," he said then sat beside me.

"Bakit ka nakahawak sa dibdib mo?" tanong niya. Napatulala ako at hindi ko alam ang isasagot ko.

"K-kase.."

"Kase?"

Bakit kayo nagkita ni Ms. Secretary?

'Yan ang gusto kong itanong sa kabila ng tanong niya.

"Ano?" Napabalik ako sa huwisyo st mag-iwas ng tingin.

Malakas parin ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil nung naalala ko 'yung nangyari noong lumabas kami.

"Wala! Ano bang pag-uusapan?" pag i-iba ko ng usapan. Nakita ko namang tumaas ang kaniyang kilay.

"Ah yun ba?" aniya ngunit mataman parin niya akong tinitignan.

"Kumain ka na ba?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Kumain ka na nga?"

"Bakit nga?"

"Pwede ba 'wag mong sagutin ng tanong 'yung tanong ko," masungit niyang sabi. Napanguso naman ako. Grabe siya pa may ganang magsungit samantalang late siya sa usapan kase nakipagkita pa Kay Ms. Secretary.

Psh!

"Kumain na," sabi ko kahit hindi pa naman. Wala akong gana kung aayain niya akong kumain.

"Oh okay. Wait me here," aniya at tumayo para umalis. O-order siguro ng pagkain. Sa pag isip ko na baka nga kakain muna siya ay parang nagsisi naman ako sa pagsisinungaling ko na kumain na ako.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon