Chapter 11

7.2K 360 24
                                    

Chapter 11

Natapos nang maaga ang klase namin dahil hindi Naman gaano karami ang pinapagawa sa'min. Dahil nga na hindi kami okay ni Mr. Ssg ay si Mr. Vice na 'yung nakakasama ko.

Weird kung minsan kasama si Mr. Vice at naaalala ko pa 'yung unang pagkikita namin na nakatitig siya sa'kin habang nagsusulat ako ng essay. Kahit ngayon ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa'kin at pag Nakita niyang nahuli ko siya ay iiwas siya ng tingin pero hindi rin makakalagpas sa'kin ang multo ng pagngiti sa kaniyang labi.

Nakita ko si Mr. Vice at mukhang may lakad ulit. Kumaway ako nang tumingin siya sa gawi ko at nginitian niya Naman ako. Buti pa si Mr. Vice ang bait sa'kin.

Patungo ako Kay Mr. Vice nang natanaw ko si Mr. Ssg na papasalubong sa gawi namin!

"Mr. Vice! Sama ako," sabi ko at nilakasan ang pagsabi ni Mr. Vice para marinig ni Mr. Ssg.

"Wow, napapadalas na ang pagsama mo sa'kin ah," sabi at ginulo naman ang buhok ko. Napatawa kaming dalawa. Sumulyap ako sa gilid ko at nakitang nakakunot si Mr. Ssg.

Hmp!

"Gusto ko na ata maging Ssg officer dahil sa'yo eh." Sabi ko at lalong tinamisan ang ngiti ko.

"Loko," sabi at kinurot ni Mr. Vice ang pisngi ko. Hindi na ako gaano nagliliptint para hindi na ako mahuli at hindi masayang 'yung lipbalm ni Mr. Ssg pero hindi na n'ya ako pinapansin dahil hindi daw kami bati!

Edi 'wag! Hindi kami bati!

"Mr. Ssg, basahin mo daw 'to bago ibigay sa teacher's faculty." Nag init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi ng haliparot na Ms. Secretary!

Ako lang tumatawag sa kan'ya ng Mr. Ssg eh!

Pasimpleng tumingin naman ako kay Mr. Ssg na nakatingin din pala! Nakangisi at tila nangangasar. Inirapan ko lang s'ya.

"Ipabasa mo na lang kay kyle," sabi ni Mr. Ssg at ibinigay naman ni Ms. Secretary kay Mr. Vice ang papel. Ngumiti pa ang maharot sa harap ko. Gusto ko sanang irapan pero kailangan ko maging good girl.

"Ikaw na rin magpasa n'yan sa teacher's faculty," sabi ni Mr. Ssg kay Mr. Vice at tumingin sa'kin saglit.

Napanguso naman ako dahil magkaharap sila ngayon ni Ms. Secretary

"Crush mo si Mr. Ssg 'no?" Nagulat ako sa bumulong sa'kin kaya't napalingon ako.

"Huy!" Nagulat ako dahil muntik na kami mag kiss ni Mr. Vice. Napaiwas naman si Mr. Vice sa nangyari.

Muntik na 'yun ah!

"Sorry. Hindi dapat ako lumapit ng gan'on sa'yo." Napakagat naman ako ng labi. Namumula ako panigurado!

"H-hindi, okay lang," sabi ko at napatingin ako kay Mr. Ssg na suminghal.

"I m-mean.. 'Wag mo na lang uulitin."

Napatingin ulit ako kay Mr. Ssg at napasimangot ako dahil nakangiti s'yang nakikipag usap kay Ms. Secretary.

Ewan ko ba at Hindi ko matigilan ang sumulyap Kay Mr. Ssg.

"Crush mo talaga." Bumaling naman ako kay Mr. Vice. Nakangisi siya at tila may pakakahulugan. Napaiwas tuloy ako.

"H-hindi ah."

"Okay. Sabi mo eh. Tara samahan mo'ko ipapasa na'tin 'to sa faculty." Tumango ako at tumayo. Aalis na sana kami nang tawagin ni Mr. Ssg si Mr. Vice.

"Kyle, kayong dalawa na lang ni Vaness ang pumunta. Iwan mo 'yan," sabi at inginuso ako. Hmp! Bigla Naman ako g ginapang ng kaba.

Argh! Bakit ba lagi na lang ganito?!

"Sige maiwan ka na dito." Aangal pa sana ako pero iniwan na ako ni Mr. Vice kasama ni Ms. Secretary!

Napapikit na lamang ako ng mariin. Lalabas na lang ako!

"Where are you going?" Napatigil ako sa pinto dahil nagsalita s'ya.

Lumingon ako at itinuro ang sarili ko.

"Sino pa ba? May iba ba tayong kasama dito?" tanong ni Mr. Ssg na hindi parin tumitingin sa'kin.

"Come here. Lock the door." Eh? Bakit I la-lock?!

Kaming dalawa lang ang na'ndito!

"Biro lang. Isirado mo lang 'yung pinto. Grabe ka maka-react," He then chuckled. Ako? Grabe makareact?! Hindi 'no! Bakit ano bang nirereact ko?!

"Umupo ka. Hindi ka naman tatangkad kung nakatayo ka lang d'yan." Napairap naman ako bago umupo.

"As you said a while, gusto mong maging officer? Why?" tanong n'ya at tumingin sa mga mata ko. Napaiwas naman ako.

Joke lang naman 'yon eh narinig niya pala!

"Ah eh p-pagiisipan ko pa 'yon," sabi ko at tumango naman s'ya.

"In case you want, fill this form at Ipasa mo sa'kin pagkatapos. We're looking for more officers, so thank you for thinking about it," sabi na nilapag ang form sa lamesa at tumayo na. Alam kong aalis na s'ya kaya pinigilan ko.

Nakakagulo na kasi para sa'kin yung kinikilos niya!

"Yun na 'yon?" sabi ko at napakunot ang ulo n'ya.

"Oo bakit may gusto kang idagdag?" sabi at lumapit naman sa'kin. Napa atras naman ako ng kaunti. Tignan mo! Ayan na Naman siya! Minsan mabait, pamysterious effect tapos madalas masungit!

"W-wala sige."

"Hindi, mukhang may gusto kang idagdag," sabi at lalong lumapit sa'kin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko! Ikinulong n'ya ako gamit ang dalawang braso na nakahawak sa lamesa sa magkabilang side ko!

Napaupo naman ako sa lamesa para makalayo ng kaunti kay Mr. Ssg!

"H-hoy na sa office tayo. Anong ginagawa mo?" sabi ko at naduduling na dahil ang lapit lapit n'ya na sa'kin!

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" sabi at tumingin s'ya sa labi ko. Ramdam ko na ang hininga n'ya na humahaplos sa mukha ko!

"Hoy! Harassment 'yan!" sabi ko at lumayo s'ya.

"Anong harassment d'on?" sabi niya na tatawa tawa pa.

"K-kase sobrang lapit mo! Tsaka nakatingin ka sa labi ko! P-parang i-ikikiss ko na naman ako!" sabi ko at humagalpak naman s'ya ng tawa. Lalo akong nainis at napasimangot.

"Masyado ka namang assuming. Tinitignan ko lang kung nakaliptint ka. Hindi ka papasa sa pagiging officer kung ikaw mismo ay sumusuway sa rules," sabi n'ya at akmang aalis pero hinawakan ko ang braso n'ya.

"H-hindi talaga tayo bati?"

"Oo. Hindi tayo bati."

"Bakit?"

"Tanong mo kay Mr. Vice mo," sabi at binawi ang kan'yang braso bago umalis at iniwan akong nakatanga.

ANONG KINALAMAN NI MR. VICE KUNG BAKIT HINDI KAMI BATIIII??!

Kainis ka Mr. Ssg!

_______

YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!

IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!

LALABS MY VIELATS!

-i c o l i t t l e m e ❤

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon