Part 1 - FLASHBACK - PASUKAN

35 0 0
                                    

 Part 1 - FLASHBACK - PASUKAN

- - - - First Year College na ako YEHEY!!. . siyempre nakakaexcite pero may halong kaba. Kinakabahan dahil hindi ko alam ang manyayari, Syempre una sa lahat, panibagong lugar, panibagong pakikisama at higit sa lahat mga bagong MUKHA. May nakilala ako sa Interview si Michelle at Chenee kaso ayun iba ang section na napuntahan nya kaya ayun wa epek ang kakilala.

Tambay muna sa pathway habang inaantay ko ang First Subject ko.

"Antoy ngaran mo?" Sabi sakin nung lalaking katabi ko ngayon.

"Huh?? Ano po?" O_O <----- Pagtataka kong sagot. Isa pa ito sa mga problema ko. Iba ang lengwahe nila.

"Antoy ngaran mo kangko." Paguulit nya.

"Ano ba pinagsasasabi nito. Alien kaya ito?? EMEYHED!! may alien na dito sa world."  sabi ko sa sarili ko habang natatawa.

"Bakit ka tumatawa?" Sabi niya na habang may pagtataka.

"Ah wala. Di kasi kita maintindihan haha." Sabi ko habang natatawa.

"Sabi ko Anong Pangalan mo." Pagtatranslate niya sa sinabi niya.

"Ay yun ba yun? kala ko may kausap na akong alien eh haha. Janna nga pala =) Sige po alis na ako kuya may klase pa ako eh." Sagot ko sabay wave ng kamay ko para sabihin na aalis na ako.

Tinignan ko yung Schedule ko para malaman ko kung saan ang room ko.

 = 9am - Math101 (College Algebra) - MR4 - Mrs. Delos Santos =

"Ano ba yan!! ang aga aga MATH agad?? haixt" sabi ko habang naglalakad.

"Miss may problema ba?" Sabi nung babaeng parang kabute na bigla na lng susulpot sa likod ko.

"Ay palaka!!" pasigaw kong sabi sa sobrang gulat.

"AY!!ay!! asan asan ang palaka!!!" nagtatatalon niyang sabi habang sumisigaw.

"Ayan oh! ayan!!" Pang aasar na sabi ko habang tinuturo ko yung bandang paanan niya.

"Wala naman eh!" sabi niya sabay tigil sa pagtalon.

"Ikaw yung palaka. Mukha kang palaka." sarkastikang sagot ko.

"Ay!! Ang sungit." Sagot niya habang nakasimangot.

"Hindi naman. Mejo lang. Sino ka ba at bat mo ako sinusundan?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Oh!! By the way I'm Mary Jane, Jane for short. Nakita kasi kita nagsasalita mag-isa." sabi niya

"Ah ganun ba? May pagka chismosa ka pala haha." Pang aasar na sabi ko. Feeling close kasi tong Mari Juana na ito haha kakairita. Sarap ipakain sa dinosaur eh haha. Oo Mari Juanan na itatawag ko sa kanya haha. Wag kayo maingay ah hehe.

"Hindi naman Usosera lang haha. Ano pala course at section mo?" Aba sumasagot haha.

"Ah kaya pala. HM (Hospitality Management) section B." sagot ko sa kanya.

"So Classmate pala kita haha. .Sabay na tayo pumasok sa room." Sabi nya sabay hila sakin.

EMENGERD NAMAN OH!! Ayoko sa lahat yung feeling close wahahha. Natanong na ba niya pangalan ko? haha Di pa ata haha pero kung makaasta kala mo friend ko na sya simula ng binuo itong Earth.

Si Kapre at si BiikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon