Story two :MY FAITH (DRAMA)

1 0 0
                                    

Lahat ng tao ay may kapalaran..............May mga itinakdang mawala at may itinakdang darating..........May mga aalis at may mga babalik..............

"Minsan kasi mag-ingat ka!!" sigaw ng isang binata sa dalagang naka confine sa hospital dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito.

"Hindi naman ako namatay." walang ganang saad nito sa kaniya.

"Hindi natin alam Faye kung balang araw bigla ka na lng mamatay dahil sa katigasan ng ulo mo." tugon ng binata sa kaniya.

"Pagod ako , gusto kong magpahinga." saad ni Faye sa kaniya at tinalikuran na siya nito at pumikit.Walang nagawa ang binata at napabuntong hininga na lamang sa katigasan ng ulo ng dalaga.

Flashback..

"Tay, wag mo kaming iwan please!" pagmamakaawa ni Faye sa kaniyang ama na bitbit ang lahat ng damit nito.

"Lumayo ka diyan sa walang hiyang yan Faye Austin Hillary!!!" Sigaw sa kaniya ng kaniya ina at hinila palayo mula sa ama niya.

"Pero ma!!!" sigaw niya pabalik

"Anak hindi mo ba nakita??Wag kang pa bulag!! ikaw mismo dalawang mata mo nakitang nakikipagmilagruhan siya sa iba!" sigaw sa kaniya pabalik ng kaniyang ina.

Bawat pagpikit niya ay ang pangyayaring iyon ang paulit ulit na nakikita niya pero di niya alam kung bakit ayaw niyang umalis ang kaniyang ama sa kabila ng panloloko nito sa kanila.Wala siyang magawa kung hindi ang tumakbo papalayo dahil wala na siyang maisip na paraan, patong patong na ang problema niya sa buhay. Isang linggo ang nakararaan ng mamatay ang matalik niyang kaibigan dahil sa lung cancer, Dalawang araw ang nakararaan ng ma- issue siyang malandi sa school nila dahil sa kanilang English Teacher na malapit sa kaniya, at ang mga nangyari ngayong araw na ito kung saan nahuli nilang nakikipagtalik ang kaniyang ama sa secretary nito, pupunta dapat silang burol ng kaniyang kaibigan ng maudlot sila dahil sa sakit ng kaniyang ina na Tuberculosis pero sa di inaasahang pangyayari ay eto parang kahapon lng ay maayos pa ang pamilya niya pero eto ngayon magkakawatak watak na sila.Sa sobrang kalutangan niya pati ang paparating na tricycle ay hindi niya napansin....

End of Flashback...


"Eto na ang pagkain kumain ka na bago pa lumamig to." bungad sa kaniya ni Zheis na nakaupo sa gilid ng kaniyang hinihigaang kama, Walang imik siyang umupo na ginabayan naman siya nito sa likod. Agad niyang kinuha ang pagkain ay nilantakan niya ito.

"Bakit ka nakatitig?" tanong nito sa binata ng mahuli itong nakatitig sa kaniya habang kumakain.

"Wala lng" tugon nito sa kaniya kaya napairap na lng siya.

Si Zheis ay kaniyang dating kasintahan ex kung tawagin nila ,kakahiwalay lng nila isang buwan ang nakakalipas.

"Pano mo nga pala ako nakita?" tanong niya dito at tumutig sa mata nitong puno ng lungkot.

"The hospital called me, ako lng ang contact mo sa phone na tyempong nasagot ko. Then nung sinabi nila yung nangyari sayo pumunta agad ako." sagot nito

"Why?" tanong ni Faye dito pabalik.

"Anong Why??" tanong din ng binata

"Why did you come? Di ba wala na tayo?" tanong niya dito habang nakatitig sa mga mata nitong puno ng iba't ibang emosyon lungkot, panghihinayang at ........awa.

"Can we still be together? give the two of us another chance?please? I still love you" sagot nito sa kaniya na nakapagpagulat sa kaniya.

"Not now Zheis." sagot nito sa binata

"I'll wait until you say yes again." saad nito sa kaniya

After one month...

Nakatira na si Faye sa isang apartment na nirentahan niya dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin kayang magpakita sa kaniyang ina sa hinding malaman na dahilan ay natatakot siyang umuwi sa bahay nila kaya't kumuha talaga siya ng part time job para sa apartment na narentahan niya lng ng mura.

Si Zheis naman ay patuloy parin sa ginagawa nitong panliligaw. Habang nagaayos siya ng sarili para sa pagpasok sa paaralan ay narinig niya ang tatlong sunod sunod na katok mula sa kaniyang pintuan, pinagbuksan naman niya ito agad dahil paniguradong si Zheis na iyon at hindi siya nagkamali kaya agad niya itong sinalubong ng isang matamis na ngiti.

Kinuha na niya ang kaniyang mga gamit at lumabas na para sumabay sa binata.May parte sa kaniya na gusto na niyang sagutin ang binata dahil sa pinapakita nito pero dahil natatakot siyang iwan siya nito katulad ng mga nangyari sa kaniya ay hindi niya magawa.

"Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangan pang magtrabaho para sa apartment mo , kung ayaw mong makitira sa amin ako na lng magbabayad" sermon nito sa kaniya

"Zheis nakakahiya nga" saad nito at binilisan na ang lakad papuntang parking lot.....

"Teka? San tayo papunta?" takang tanong niya sa binata ng ibang ruta na ang tinatahak ng kotseng sinasakyan nila.

"Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng sating dalawa" sagot nito sa kaniya.

"pero may pasok tayo." reklamo nito

"Ako na bahala dun." chill na saad nito.Nanlalaki ang matang napabuntong hininga na lng si Faye sa pagkadismaya....

"So kailan mo ko sasagutin?" tanong nito sakaniya habang nakaupo sila sa bench sa tapat ng fishball- an ,oo, dito nag simula ang lahat sa kanila sa fishball-an at calamaresan.

"What if i'll say yes right here , right now?" sagot nito sa kaniya.

"uhh, ehhh di ko alam." saad nito at napakamot sa batok.

"Ayaw mo ata na sagutin kita ehh sige alis na ko " saad nito at akmang tatayo ng pinigilan siya nito.

"Tinanong kita sasagutin mo ko ng tanong??" nakasimangot na saad nito sa kaniya.

"Isn't obvious i'm already confessing you my answer" tugon nito sa binata , hindi agad si Zheis nakahuma sa sagot nito na kailangan pang ma process sa utak niya ang bawat salitang binitawan nito.

"Sinasagot mo na ako?" tanong nito na sinagot na lamang niya ng isang matamis na ngiti.

......One Month After..

Graduation na nila this time.

The same day na sinagot niya si Zheis ay umuwi na siya sa kanila na sinalubong naman siya ng kaniyang umiiyak na ina.Ngayon magtatapos na sila ng kanilang College life.Dalawang araw na niyang hindi nakikita ang lalaki kaya labis na ang pag aalala niya dahil hindi rin niya ito ma contact dahil laging busy ang phone nito.

"Faye!!" rinig niyang tawag sa kaniya ng isang familiar na boses, si Samantha isa sa mga kaklase ni Zheis.

"Bakit?" tanong niya dito

"Pinapatawag ka ni Zheis sa roof top ng Engineering Building." Saad nito sa kaniya, kaya agad naman niya itong pinuntahan.

Ang labis na tuwang nararamdaman niya ay nawala ng makitang may kahalikan ang lalaki na ibang babae agad naman siya nitong nakita kaya naitulak niya ang babae at akmang lalapitan siya ng tumakbo na siya papalayo. Alam niyang hinahabol pa siya nito pero wala siyang pakialam nanlalabo na ang mata niya dahil sa mga matang namumuo sa mata niya.Narinig niya ang isang malakas na busina kasabay ng paghila ng isang kamay sa kaniya pabalik, at napatakip na lamang siya ng kaniyang bibig g makitang mabangga si Zheis ng isang truck, siya dapat yun pero iniligtas siya nito, di niya alam kung magagalit ba siya dito, papatawarin o ano.....Nakatitig lang siya sa puting kisame ng ospital ng tumunog ang cellphone niya, isang message mula sa kaibigan ng binata at sa isang hindi kilalang tao inuna niya muna ang sa kaibigan ng binata, at gayon na lamang ang hikbi niya ng malamang naghahanda ito ng isang surpresa at balak ng pakasalan. Sinunod niya ang isang video na galing sa isang hindi kilalang tao video ito dun sa roof top kung saan nakita niyang may kahalikang ibang babae ang kaniyang kasintahan, lumabas sa video na yun na hinalikan siya ng babae, pumapalag siya , hindi man lng niya nalaman ang saloobin ng binata.

"Ang makasarili ko" saad niya sa sarili at humikbi na lamang sa kaniyang tuhod.

.....THE END~Ju Daeyang at your service

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now