Story Three: FLOWERS (ROMANCE)

1 1 0
                                    


"Be alam mo ba kung sinong naglagay nito dito?" Tanong ni Isle sa kaniyang kaibigan na si Guineth at pinakita ang isang puting rosas na nasa loob ng kaniyang locker.


"Sa tingin mo alam ko? kasama mo ko all this time oh " sarcastic na sagot sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
Nagaalangan na lng niyang ibinalik sa loob ng locker ang bulaklak at sinarado na ito matapos kuhain ang kaniyang damit para sa volleyball.
•°•°•

"Good job Isle! you did great! " puri sa kaniya ng kaniyang coach na si Dyson isa sa mga pinakabatang coach sa school nila halos kaibigan na nga lng ang turingan nila dahil sa edad nitong 23 samantalang siya naman ay 21 graduating student sa kursong Food- Science.


"Okay!15 minutes break! " announced ng kanilang coach.

"Isle!! sama ka mamayang dinner samin sa bahay? Birthday ni mom, kilala ka naman niya." saad sa kaniya ni Dyson.


Well actually they are best of friends since Isle was a grade 4 student.
.
.

"Hi Tita. " bati ni Isle sa mama ni Dyson sabay abot ng regalo


"Happy Birthday Po " bati niya pa dito.

"Aww thank you" tugon nito sa kaniya at yinakap siya.


.
.
KINABUKASAN...

Naglalakad papuntang locker si Isle ng makabangga niya ang isang lalakeng naka-gray na hoodie at naka itim na somblero.


"S-sorry" utal na saad nito sa kaniya habang nakayuko at umalis ng nagmamadali.
Nagkibit balikat na lng si Isle sa inasal ng binata at tumuloy na papuntang Locker room at gayon na lamang ang kaniyang pagkagulat ng makitang muli ang laman ng kaniyang locker, isang puting rosas na naman ang nandoon.
.
.
ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS

Sa loob ng isang buwan walang paltos ang pagkakaroon ng puting rosas sa loob ng locker niya, mas naging malapit naman silang dalawa ni Dyson sa isa't isa kaya nga't napagkakamalan na sila ng ibang guro na lumalabag sa rules.


"Mr.Dyson balita ko ay malapit daw kayong dalawa ni Ms.Rodriguez? "
tanong ng dean kay Dyson

"We are friends sir since elementary." tugon nito


"Oh? is that so, well alam mo naman ang limitasyon mo isa kang guro." pagpapa alala nito sa kaniya.

"Yes sir I will ." tugon ni Dyson.


"Okay then you may go out now, just remember I got my eyes on you. " saad nito bago pa siya makalabas napabuntong hininga na lng siya sa pagkadismaya.

"Dyson!!" rinig niyang tawag sa kaniya ni Isle pero hindi niya ito pinansin at naglakad na palayo.


"Dyson uy! " hila sa kaniya ni Isle sa braso

"Oh? " saad niya dito


"Samahan mo naman ako sa sine mamaya." saad nito sa kaniya habang hawak hawak pa din ang braso niya.

"Hindi pwede Isle." sagot ni Dyson sa kaniya.


"Pero, sige na! wala kasi akong kasama 6 in the afternoon pa yung slot ko eh dali na please! I have two tickets here! " pagpilit nito sa kaniya.

"No, marami akong gagawin." pagmamatigas niya, nakitaan naman niya ng lungkot at pagkadismaya ang mga mata ni Isle


"Fine! si Kyle na lng ang isasama ko, bahala ka dyan! " saad nito sa kaniya , Si Kyle ay manliligaw niya pero walang tiwala si Dyson dito dahil pusta lamang ang dahilan kaya niya niligawan si Isle.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now