Chapter 4

2 0 0
                                    

Bakit ngayon lang sila tumawag?Nanginginig kong pinindot yung call.
"H-hello?"nanginginig ang boses na bati ko.

"Hello?Clementine?kamusta ka na 'nak?pasensiya na ah ngayon na lang kami nakatawag sa'yo alam mo na busy kasi kami,alam naman naming alam mo na ang sitwasyon diba?"sabi ni mommy.Nasa ibang bansa sila nakatira kasama si papa pati yung bunso kong kapatid,si tiffany.

"I know mom,Don't worry I'm okay how about you guys?"tanong ko naman sa kanya.

"We're doing fine,kelan mo ba kasi balak sumunod dito?Mas maganda ang pagtuturo nila dito nagaalala ako kase mag-isa ka lang diyan."Ayoko sumama sa kanila,ayoko mag-aral sa ibang bansa gusto ko dito lang sa pilipinas.At tsaka may nangyari kasi noon na hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap at kasama doon ang bunso kong kapatid.Plus gusto ko din kasi makita yung first love ko si adi.

"You know my reasons mom."matabang na sagot ko sa kanya.

"Clementine,It's been five years kalimutan mo na ang lahat."naiiyak na sabi ni mommy.No,I can't kahit sabihin pa nilang ako ang mas nakakatanda at mas nakakaintindi hindi ko pa din matanggap.

"I'm sorry mom,matatagalan pa siguro para kalimutan ang nangyari noon.Sige mom I have to go ingat kayo palagi diyan nila dad may aasikasuhin pa kasi ako bye mom,I love you take care always."then I hang up.

Tatlo kaming magkakapatid,lahat kami babae ako ang panganay.Si Lesley ang sumunod at si tiffany ang bunso.Mahal ko naman si tiffany pero hindi ko padin talaga matanggap eh.Nawala si Kate dahil kay tiffany hindi naman sa siya lang yung may kasalanan may kasalanan di si mommy,I know walang ka alam alam si tiffany pero kahit kasi atensyon nila mommy at daddy kay tiffany lahat napunta.At dahil don kaya mas naging mas close kami ni kate para maiparamdam na mahal ko siya.

Flashback
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagbabasa ng mga book.Gagawa din kasi ako mamaya ng assignment para sa english subject namin mamaya eh.Hindi tuloy ako makasali sa laro ng mga kapatid ko.I have one real sister she is 8 years old pero matured na mag-isip,while my half sister ay three years old pa lamang nagawa kasing mag loko ni mom dati at ayun nabuntis siya buti nalang at tinanggap siya ni dad at minahal din si tiffany pero siyempre medyo galit pa ako sa kanya.Habang nagbabasa ako hindi ko talaga matiis na bumaba at makisali sa mga kapatid ko. Pagbaba ko nakita ko si mommy sa kusina.

"Mom,nasan po sila?"tanong ko habang nililibot ang sala dahil hinahanap sila.

"Nasa garden,gusto daw kasi nila sa labas maglaro eh kaya doon ko sila pinaglaro."pagsabi naman ni mommy habang kumukuha ng merienda.

"Eh,mom sino nagbabantay sa kanila doon sa labas?"kinakabahang tanong ko,malikot kasi yun si tiffany kaya baka kung ano mangyari.

"Andon naman si kate eh sumunod ka na nga doon at silipin mo muna"paikusap ni mommy sa akin.

"Sure mom"tugon ko

Habang papalabas na ako nakita kong nakabukas yung gate namin.Nagtaka ako pero biglang nag sink-in sa akin kung ano nangyayari.Bigla akong napatakbo palabas at hinanap sila sa garden pero wala na sila,lumabas ako sa gate at may naririnig akong umiiyak sa hindi kalayuan.

"Ate!ate!"si tiffany yun ah?bakit umiiyak siya?agad kong sinundan ang iyak niya at ng matagpuan ko sila bigla akong napatakbo at napaluhod sa kanila.

"Kate!Kate!Kate!!!!!!"hagulgol ko sa dibdib niya.Nandito sila sa kalsada,si kate nakahiga walang malay.Patuloy padin ako sa pag-iyak at tinignan ang paligid walang mga sasakyan pero may nakita akong isang kuting.Sinundan ito ni tiffany sigurado ako.Mahilig siya sa pusa kaya sinundan niya ito.Dumating si mommy na humagagolgol nadin.maya maya ay dumating na ang ambulansiya pero pagkadating namin hospital It's too late.She's gone my sister is gone.iyak lang ako ng iyak ng nailibing na namin siya hindi ako lumalabas ng kwarto at hindi ko sila pinapansin.Narinig ko sa kanila na hinabol nga ni tiffany ang kuting at hindi napansin ang sasakyang mabilis.

Tinulak siya ni kate,kaya si kate ang nabangga.Hindi ko matanggap sana kung mas maaga ako bumaba ba hindi ito nangyari sana ako ang wala.

=Present=
Parehas kami ni kate ng pangarap ni kate kaya gagawin ko ang lahat para matupad iyon.

"I miss you,kate"bulong ko sa hangin.

"Sino si kate?ayun ba yung kausap mo kanina?"ay oo nga pala andito pa pala si ela.

"Hindi,wala yun hehehe"pilit ngiti kong sabi sa kanya.

"Ohhh,okay ano nga pala kinuha mo?"pagiiba niya ng usapan.

"Ah,magduduktor ako."oo kahit mahina ako sa math at science woohh gusto kasi nila mommy at daddy na maging doctor ako.So I follow them,pwede ko naman pagsabayin ang pagiging manunulat at doktor diba?

"Tapos gusto mo din maging manunulat?grabe ka girl ah!"paghampas niya pa sa akin.

Nakalabas na kami ng gate,sumama talaga pakiramdam ko kanina.

"Marleigh,pwede sa monday nalang tayo ulit mag-usap?masama kasi pakiramdam ko eh ito number ko oh text mo nalang ako"sabay bigay sa kanya ng number ko.

"Okay,tetext nalang kita take care bye!"sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis.

- -
Nandito ako sa condo ngayon,regalo sa akin nila mommy at daddy nung 18th birthday ko.Grabe 1st day ko today bilang college student pero ang dami nang nangyari.Sabado nga pala bukas gusto ko ng makakatawanan.Feeling ko sa lunes pa talaga ako itetext ni ela kaya si kuya ken nalang itetext ko.

To kuya ken:
Kuya ken!nababagot ako dito pwede ako pumunta jan bukas?
Pinindot ko na yung sent

Ting!
Wow may reply agad.
From:Kuya ken
Sure ito address namin

Kinuha ko na address niya at naligo at nagpalit ng pantulog.Maya maya lang ay nararamdaman ko na yung antok kaya nakatulog na ako.

-kinabukasan-

Nagising ako sa sinag ng araw,kinuha ko phone ko at chineck ang time 9:00am palang pala pero ayos na din yun magaayos pa ako papunta kila kuya ken eh.

Bumangon na ako at nagsimula ng mag-ayos,inabot din ako ng isang oras bago natapos.Mag tataxi nalang ako papunta kila kuya ken,palabas na ako ng may naalala ako.Yung libro ko!hinanap ko yung libro at umalis na.

Isa't kalahating oras bago ako nakadating sa bahay nila kuya ken grabe ang traffic!pagkabayad ko sa driver bumaba na ako at napanganga kasi ang ganda ng bahay nila.

"Wow"manghang manghang sabi ko.
Lumakad ako papunta sa gate at nag doorbell.Antagal naman nila buksan ang init init dito.Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto.

"Clementine!ang aga mo ah!"bati ni kuya ken sakin.

"Ganon talaga kasi namiss kita pati si tita!"masayang sabi ko naman sa kanya.

"Halika pasok ka muna mainit dito baka mahimatay ka pa hahaha"epal talaga tong unggoy na to!

Habang papasok namamangha padin ako ganda eh!Pinaupo muna ako ni kuya ken sa sofa dahil tatawagin niya daw muna si tita.Pero hindi ako napakali pumunta ako sa labas at may nakita akong swing doon.May bata siguro dito?Umupo ako doon at tumingin sa langit,nakakarelax inilabas ko ang libro na dala ko para magbasa habang nagbabasa ako may humugot sa libro ko.Nagulat ako,hindi dahil sa paghablot ng libro kundi sa kung sino ang humablot dito.

"Ikaw?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please move to the next pageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon