A

14 3 2
                                    

Ang Larong Kaniyang Sinimulan

Hindi ko na halos mabilang,
Ilang luha pa ba ang aking ilalaan
Para sa pag-ibig na patuloy na pag-laban
Napagod ako, pero hindi ka sinukuan

Dati rati parating bukambibig mo,
Na ikaw at ako hanggang dulo
Ikaw at ako hanggang sa magunaw ang mundo
Pero bakit kailangan dumating sa ganitong punto?

Minahal kita, higit pa sa aking buhay
Lahat ng maaari kong ialay
Akin nang ibinigay
Nagbabakasakaling makakasama ka pa sa paglalakbay

Sa bawat bigkas ko ng mahal kita
Hindi mo pala nadarama,
Sa bawat pagmulat ko ng mga mata
Iba na pala ang iyong nais makita

Sinubukan kong lumaban
Kahit sa umpisa palang alam kong walang patutunguhan,
Sinubukan kitang ipaglaban
Kahit pag-ibig mo ay sa iba na nakalaan

Lumaban ako,
Kahit sa umpisa palang nito
Alam kong talo na ako
Sinugal ko lahat para sa'yo

Mahal kita,
Kahit ang sakit sakit na
Pinilit kong mabuo ka
Pero winasak mo ako nang mabuo ka na

Una pa lang alam kong hindi na ako,
Alam kong talo na ako,
Kaya sa larong sinimulan mo
'Wag kang mag-alala, tatapusin ko.

CHAINED HEARTACHES Where stories live. Discover now