B

9 2 1
                                    

Bakit Hindi Na Lang Ako?

Ako na nandito,
Sa panahong walang dumadamay sa'yo
Binigyang liwanag ang madalim mong mundo
Ako na nanatili lang sa tabi mo

Nag-bulag-bulagan,
Nag tanga-tangahan
Nag bingi-bingihan
Para sa pagmamaahal mong nais makamtan

Nanatili ako,
Hanggang sa huli, ako yung nandito
Kahit ano pang sabihin ng ibang tao
Hindi ako umalis sa tabi mo

Bakit?
Bakit kamo?

Kasi mahal kita,
Simula palang naman ikaw na
Madami riyang iba
Pero pinikit ko ang aking mata

At nagbabakasali,
Na sa pagmulat kong muli
Ikaw na ang masisilayan sa tabi
Ikaw na ang makakasama hanggang sa huli

Tayo nalang dalawa, pwede ba?
Tayo nalang, sige na
Tayo naman dapat talaga
Kaso dumating siya

Nilimot mo ako,
Binalewala mo ako
Ako na nandito
Nung durog na durog ka, ika'y binuo

Pero mas pinili mo siya
Kahit nasasaktan ka na,
Hindi mo ininda
Kasi mahal mo siya

Sa bawat gabing nagdadaan
Ilang beses pa ba na ako'y muling masasaktan
Litrato mo'y pilit na hahagkan
Mamahalin ka pa rin kahit hindi mo alam

Tinitingala ang langit,
Nagtatanong ng paulit ulit
Bakit hindi ka makamit?
Bakit hindi puwedeng ako nalang ulit?

Saksi ang lahat ng tala
Sa pagluha ng aking mga mata
Saksi lahat sila
Sa pagkamugto nitong mga mata

Sana ako nalang 'yung pinili mo
Masaya naman tayo
Pero ganoon pala talaga ano?
Hindi porket nauna ka, ikaw pa rin hanggang dulo

Sa pagwawakas ng piyesang ito
Kalakip nito ang pag-ibig ko sa'yo
Ako, na sinubukang gawin lahat para sa'yo
Pero sa huli, tinanong ang sarili ko

Bakit hindi na lang ako?

CHAINED HEARTACHES Where stories live. Discover now