C

3 0 0
                                    

Check The Label First

Hindi mo siguro alam kung gaano kasaya
Ang aking nadarama
Sa bawat bigkas mo ng 'mahal kita'
Sa bawat paalala mo na 'mag-ingat ka'

Lingid siguro sa kaalaman mo
Na para na akong tanga't siraulo
Na bigla bigla nalang ngingiti dito
Sa bawat mga matatamis na salitang binibigkas mo

Tuwing may lakad kayong magbabarkada
Hindi alintana kung nasaan ka pa
Basta sa oras na kailanganin kita
Isang tawag ko lang sa'yo, agad ay nariyan ka

Kahit kailan, hindi mo ako sinantabi
Simula pa lamang ikaw na yung nanatili
Binigyan mo ng ngiti itong mga labi
Lungkot sa mga mata'y iyong pinapawi

Madami na halos ang nagtataka
Kung ano ba'ng meron sa atin talaga
Sapat na nga ba ang mahal lang natin ang isa't isa?
Sapat na ba 'yun para angkinin natin ang isa't isa?

Sa bawat pagtatampo,
Sa bawat pagka-durog ng puso
Ay siyang pagkalito ng isip ko
Dapat ko bang maranasan lahat ng ito?

Tuwing makikitang may kasama kang iba
Nakikipag tawanan sa harap nila
Gusto kitang ilayo sa kanila
Pero ano'ng karapatan ko 'di ba?

Naaalala ko pa noon, sa harap ng tropa mo
Inakbayan mo't pinakilala mo ako
Sabi mo pa noon, "pre, jowa ko."
Aasa ba ako? Kakapit na ba ako?

Alam mo, sa bawat palitan natin ng matatamis na salita
Sa bawat bigkas ng mahal kita
Sa bawat pag-iingat sa isa't isa
Muli akong inaatake ng kaba

Gusto kita, gusto mo ako
Puso nati'y hindi magtagpo
Gusto natin ang isa't isa pareho
Pero ano bang meron tayo?

Ang tanging alam ko lang,

May ikaw at ako.
Pero walang tayo.
Kaya sa pagmamahal na hindi sigurado
Huwag isugal ang buong puso.

CHAINED HEARTACHES Where stories live. Discover now