Do's and Don'ts
Sa relasyong nais makamtan
Dapat alam mo ang mga patakaran
Kung gusto magtagal ang samahan
Huwag gagawa ng ano mang kasinungalinganBago ka magmahal ng iba
Sarili mo dapat ang unahin muna,Mahalin mo ang sarili mo
Bago ka mahalin ng ibang tao,Sa relasyon, dapat alam mo kung ano ang dapat
Pati na rin ang hindi naman dapat
Kung gusto mong ika'y maging sapat
Dapat kang maging tapat.Kung gusto mong magtagal kayo
'Yun bang pang hanggang dulo
Huwag mo ibuhos at ibigay lahat ng kaya mo
Magtira ka para sa sarili moHindi porket sinabi na mahal ka,
Ay mahal ka talaga
Malay mo mahalaga ka lang pala
Huwag ka muna masiyadong umasaSubukan mo mang kumapit,
Kahit pa puro nalang sakit
Kung pagod ka na dahil paulit ulit,
Matuto kang bumitaw, at luwagan ang kapitMagkaiba ang salitang 'mahal kita'
Sa mahalaga ka
Maaaring mahal ka, pero hindi ka mahalaga
Dapat alam mo kung paano magpahalagaBakit kahit durog durog na 'yung puso
Patuloy pa rin itong tumitibok sa maling tao
Kaya paalala lang sa mga tao
Huwag mandurog ng puso para sayo'y mabuoSa bawat gabing panalangin
Paulit ulit ka mang manalangin
Kung hindi talaga kayo pagtatagpuin
Dapat tadhana na'y kayo ay pagbanggainHuwag manloko,
Miski sa maliit na bagay na kaya mo
Ingatan niyo ang inyong puso
Huwag magpakatanga sa maling taoIlan lang iyan sa mga patakaran
Na dapat isalang alang
Kung gusto ng pang habang buhay na pag-iibigan
Maging tapat sa inyong pagmamahalan.
YOU ARE READING
CHAINED HEARTACHES
ПоэзияA written piece containing a compilation of poems about love, pain, heartbreak.