PROLOGUE:

25 0 0
                                    

"Chloe ano ba yan ang lampa lampa mo naman."

"Chloe ang baduy mo talaga."

"Chloe ang pangit pangit mo."

"Chloe ayaw ka naming kaibigan you're a freak."

"Chloe umalis ka na dito sa school hindi ka naman belong dito."

Ilan lang yan sa mga natatanggap kong panlalait o pambubully nila sa akin.

I'm Chloe Aisha Mendoza a victim of bullying in our school. Parati ko naririnig ang mga salitang yan mula sa aking mga classmates na parang isa akong virus na kailangan nilang layuan.

Lampa man tingin nila sa akin pagdating sa sports but when it comes to academic may panglaban naman ako.

Simple ako manamit, hindi ko kasi trip ang maging fashionista katulad ng mga classmates ko. Simpleng t-shirt at pants lang ang sinusuot ko. Siguro kaya nasasabi nilang baduy ako, dahil hindi pasok sa standard nila ang mga pormahan ko.

Pangit/Freak ang tawag nila sa akin dahil sa buhaghag kong buhok at may pagkamaitim kong kulay.

At dahil diyan parang kinasusuklaman na nila ako sa school namin.

Pero nang dumating ang isang transferee na nagngangalang Kaizer Kyle Hernandez nagkaroon ako ng kakampi. Nagbago lahat dahil tinulungan niya akong maging confident sa sarili ko. Siya yung naging sandalan ko kapag inaapi ako. Nagiging takbuhan ko kapag may problema ako. Sabihan ko ng mga secrets ko at siya ang nagiisang tumanggap sa akin sa school kahit na ganito ako na maraming imperfections. Siya ang naging BESTFRIEND ko.

But the day came that I did not expect. Isang Kaizer Kyle Hernandez biglang nagtapat sa akin na mahal niya ako.

Anong mas pipiliin ko ang LOVE o ang FRIENDSHIP namin?

And if I make a mistake in choosing between LOVE and FRIENDSHIP we may end up as CLOSE as STRANGER.

Close as StrangerWhere stories live. Discover now