CHAPTER 3:

10 0 0
                                    

Nang mahatid na ako ni Mang Buboy sa bahay ay agad na dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit ko at nahiga sa kama ko. Nagiisip pa rin ako hanggang ngayon, masaya ako dahil sa tulong sa akin ni Kaizer kung hindi dahil sa kanya ay paniguradong mas malala pa ang abot ko nito. Meron pa rin pa lang tao na ituturing akong kaibigan kahit na ganito ang aking pananamit at hitsura.

"Chloe anak maghahapunan na tayo, gumising ka na diyan." Naririnig kong sigaw ni mommy. Nakatulog pala ako nang di ko namamalayan.

"Opo mommy papunta na po." Lalabas na sana ako kaso nakita ko ang sarili ko sa salamin. Kitang kita pa rin pala ang mga gasgas ko.

"Anak anong nangyari diyan sa mukha mo?" Nagaalalang tanong ni mommy. Habang itinataas niya ang mukha ko dahil nakatungo ako para hindi niya sana mapansin.

"A-ano po mommy kasi nadapa ako kanina habang papunta kami sa field hindi ko napansin na may nakaharang palang bato sa daraanan ko." Pagsisinungaling ko kay mommy kasi ayaw kong magalala siya sa akin. Dahil stress din siya sa work at ayaw ko naman dagdagan pa yun.

"Ganun ba anak sa susunod magiingat ka. Pinagaalala mo ang mommy." May pagaalalang sabi nito. "Pagkatapos nating kumain ay gagamutin natin yan."

"Sige po mommy." Ani ko at sinimulan nang kumain ng hapunan.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinggan. May kasambahay din kami pero thrice a week lang kung pumunta dahil konti lang naman ang gawain sapagkat kami lang naman dalawa ni mommy sa bahay. Nang matapos ay dumiretso na sa kwarto ko para maglinis ng aking katawan. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo na si mommy at dala dala ang first aid kit namin.

"Chloe halika na gagamutin ko na yang sugat mo at nang makatulog ka na." Sinenyasan ako ni mommy na umupo na sa kama ko na sinimulan niya nang gamutin ang sugat ko sa mukha.

"Mommy thank you. Matutulog na po ako Good Night." Hinalikan ko na siya sa pisnge ng matapos siyang gamutin ang sugat ko.

"Good Night din anak." At lumabas na si mommy sa kwarto ko.

Sobrang thankful ako dahil may mababait akong magulang. Ang daddy ko ay nasa America nagtatrabaho kaya hindi namin siya kasama dito sa Pilipinas. Nandun kasi nakatayo ang ibang business namin at umuuwi lang siya dito kapag aasikasuhin niya din ang iba naming business dito sa Pilipinas. Nagtutulungan sila ni mommy kaya naiwan kami dito kasi si mommy ang namamahala kaya medyo stress din ito.

Kinaumagahan ay nagpaalam na ako kay mommy para pumasok sa paaralan.

"Bye Mommy, I love you! Ingat ka po sa work." Paalam ko sa aking ina. Sumakay na ako sa kotse at nang maihatid na ako ni Mang Buboy sa school ay dumiretso na ako sa aming room.

"Good Morning my friend Chloe, kamusta na ang pakiramdam mo. Patingin nga ako ng mga gasgas mo?" Bati sa akin ni Kaizer at sinusuri ang mga gasgas ko sa mukha.

"Okay naman na Kaizer nagamot na din naman to ni mommy. Medyo mahapdi pa kasi sariwa pa ang sugat pero kaya ko naman hahaha." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Salamat talaga kahapon Kaizer."

"Wala yun ano ka ba, hindi nila dapat ginagawa yun sayo o sa iba pang mga students."

"Tama ka sana ay tumigil na sila." Pagsang ayon ko kay Kaizer.

"Chloe simula ngayon bestfriend na kita at ipagtatanggol kita kung sino man ang umapi sayo." Nagulat ako sa sinabing iyan ni Kaizer for the first time magkakaroon ako ng bestfriend dito sa school.

"Talaga ba Kaizer gusto mo ako maging bestfriend? Ikaw pa lang ata ang nagsasabi niyan simula kasi nang tumapak ako dito sa school na to walang may gustong makipag kaibigan sa akin." At bigla akong nalungkot nang maalala ko na naman ang pang aapi sa akin at ang mga matang mapanghusga ng mga students dito sa school.

Close as StrangerWhere stories live. Discover now