CHAPTER 6:

11 0 0
                                    

After three months naging masaya naman ang pagpasok ko dito sa Howard Academy dahil sa tulong ni Kaizer nabawasan ang mga estudyanteng bully siguro ay natatakot na masuspend or worse maexpelled sila.

Nandito kami ngayon ni Kaizer sa Library. Naghahanda kami sa Quiz Bee na sasalihan namin sa ibang school. Kami kasi ang napili ng school para lumaban sa Quiz Bee.

"Kumusta na ang pagrereview mo sa Biology?" Bulong sa akin ni Kaizer dahil syempre bawal ang maingay dito. Natatawa pa ako sa kanya pero pinilan ko yun dahil nakatapat pa talaga ang dalawa niyang kamay sa bibig nito para lang hindi talaga ito makagawa ng ingay.

"Medyo masakit na din ang ulo ko. Nakakapressure din pala kapag ikaw na ang ilalaban sa ibang school." Sabi ko din sa kanya at ginaya ang pagtapat ng dalawang kamay malapit sa bibig ko. "Ikaw kumusta yung sa Geometry mo?" Pangangamusta ko sa pagrereview niya sa Geometry.

Itinapat ni Kaizer sa akin ang notebook niya at nakita ko na nakasulat doon ang nirireview niya. "Tingnan mo ang dami ko na pa lang nasusulat na example para sa quiz bee. Di lang ulo ko ang masakit pati na din kamay ko." Pinakita nito ang kamay niya.

"Oo nga namumula na kakasulat mo. Ipahinga mo kaya muna at wag mong basain baka mapasma ka pa."

"Sige punta kaya muna tayo sa canteen para kumain at magpahinga kahit konti para marefresh lang saglit itong utak natin."

Inayos na namin ang aming mga ginamit sa pagrereview saka lumabas muna sa library.

"Besh finally ang hirap magsalita ng pabulong hahahaha." Tuwang tuwa na samibit ni Kaizer nang makalabas kami sa library.

"Kaya nga eh hahahaha buti na lang at naisipan mo na kumain muna tayo. Medyo sumakit din ang likod ko sa kakaupo natin dun ng matagal." Nagunat unat pa ako ng katawan.

Nang makarating kami sa canteen ay umorder na kami ng makakain namin at nagsimula ng kumain.

"Besh tikman mo to ang sarap." Inilapit ni Kaizer ang carbonara sa akin para ipatikim.

"Oo nga ang sarap next time tatry ko to." Nasasanay na din ako kumain dito sa canteen dahil kay Kaizer sa totoo lang meron pa rin naman mga matang mapanghusga o mga bulungan about sa akin pero kapag naririnig yun ni Kaizer ay sinasamaan niya ng tingin ang mga students.

Inilapit ni Kaizer ang mukha niya sa akin at tiningnan ang labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaiwas ako pero pinigilan niya akong gumalaw. "Wait lang besh wag ka gagalaw." Sambit nito ng nakatingin pa din sa mga labi ko.

"A-ano bang ginagawa mo Kaizer?" Nauutal na ako at yung puso ko parang sasabog na sa sobrang kaba sa ginagawang yun ni Kaizer.

"May amos ka Besh hahahaha." At saka dali daling pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang sariling kamay.

Kaagad ako kumuha ng tissue sa bag ko binigyan ko si Kaizer nito para maipunas niya dun ang sauce ng carbonara na tinanggal niya sa mga labi ko.

"Loko ka akala ko kung ano na ang gagawin mo kinabahan ako sayo." Napalo ko tuloy siya sa balikat sa sobrang pagkabigla ko. Andun pa din kasi yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Hahahaha bakit besh ano naiisip mong gagawin ko?" Nakakalokong ngiti ang binigay niya sa akin.

"Ewan ko sayo bahala ka dyan, magccr lang ako. Dalian mo diyan at magrereview pa ulit tayo. Lumabas na ako ng canteen at nagtungong cr.

Nang nakapasok na ako sa cr umihi muna ako at ng lumabas ako sa cubicle nakita ko sila Diana and Friends na nag aayos ng mukha nila.

"Hi Chloe it's been a long time." Sabi ni Alexa na kaibigan ni Diana.

Close as StrangerWhere stories live. Discover now