CHAPTER 7:

11 0 0
                                    

Dumating na ang araw ng Quiz Bee namin. Dito na napili ng mga ibang school na ganapin ang Quiz Bee. Kaya sobrang naging busy halos lahat ng officials dito sa school pati na rin ang mga students at sa totoo lang nakakapressured ito dahil sa sarili mismo naming school ito gaganapin.

"Goodluck Besh Kaizer kaya mo yan." sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang balikat nito mauuna kasi isalang ang mga geometry subject.

Nililigpit ko na ang mga reviewer ko kasi susunod na akong isasalang pagkatapos nila ay biology subject na ang next.

"Sayo din Besh Chloe goodluck din wag ka ng kabahan baka mamental block ka alam kong ikaw ang magiging winner sa biology quiz bee. Sa talino mong iyan baka maperfect mo pa nga hahahaha." Pagpapalakas ng loob ni sambit sa akin ni Kaizer.

"Salamat Besh hahaha grabe naman yung sa perfect mukhang mas magagaling sila sa akin kaya nakakapressure kasi dito sa pa sa school natin gaganapin."

"Asus pahumble ka pa besh hahaha. Tara na sa stadium dun pa kasi nila napili hahaha kalaki laki pa man din dun. Baka maflush sa screen yung name ko tapos mababa makuha ko kakahiya besh kapag nangyari yun hahahaha.

"Isa ka ding pahumble eh, ikaw pinakamagaling sa math kahit siguro nakapikit kaya mong sumagot hahaha."

"Hahahaha kaya magbestfriend tayo eh mga pahumble tayo."

Pumunta na kami ni Kaizer sa stadium para sa Quiz Bee. Umupo na ako malapit sa kung saan nakapwesto ang mga next na isasalang sa quiz bee. Nakikita ko na ang mga kalaban ko mamaya.

Pumunta na si Kaizer sa puwesto niya at hinawakan niya na ang gadget na gagamitin nila sa quiz bee. Doon kasi nila isusulat ang mga sagot nila at ikiclick lang nila iyon kapag sure na sila sa answer nila.

"Go Kaizer, Fighting!" Bulong ko sa kanya dahil bawal na magingay at ginaya ko ang pose sa mga kdrama habang sinasabi ang fighting.

Natawa pa ito sa akin dahil sa paggaya ko sa fighting pose ng kdrama. "Thank you." Sabi niya hindi ko na narinig yun pero nabasa ko naman sa bukas ng bibig niya.

Nagsimula na ang geometry quiz bee at nakakakaba dahil dikit ang score ni Kaizer at ng isang kalaban. Isa lang ang lamang ni Kaizer dun sa kalaban niya. Merong binigay na hardest question sa mga kasali equivalent yun for 10 points.

Hindi ko na natapos kung sino ang mananalo sa geometry dahil tinawag ako ng classmate ko ang sabi daw ay pinapatawag ako ng biology teacher namin.

"Bakit ako pinapatawag ni ma'am?" Tanong ko dito. Kasi next na akong isasalang at baka malate ako

"Hindi ko din alam eh basta punta ka na lang sa biology lab."

"Sige dadalian ko na lang ako na kasi ang next diyan." Umalis na ako at patakbong tinungo ko ang biology lab.

Pumasok ako sa biology lab pero nagtataka ako dahil parang wala namang tao dito. "Ms. Cruz nasaan po kayo." Sambit ko dahil baka nasa sulok lang ito. Pero nilibot ko na ang lab wala naman si Ms. Cruz dito.

"Tugshh." Nagulat ako dahil may narinig akong malakas na pagsara ng pinto. Dali dali akong lumapit dito at nang pipihitin ko na ang door knob hindi ko ito mabuksan nakalock na ito.

"May tao po ba diyan? Pwede po bang pakibukas nalock po ako dito sa lab." Sigaw ko nagbabakasakaling meron tao na magbubukas.

Kinakatok ko ang pinto para malaman nilang nalock ako dito. Baka siguro ay nalock ito ng guard dahil alam nitong nakabukas at hindi ata alam nito na may tao sa loob. Ang alam kasi nasa stadium silang lahat.

"Hahahaha dapat lang sa kanya yan."

"Wag kayo maingay baka marinig tayo."

"Tara na umalis na tayo baka mahuli pa tayo dito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Close as StrangerWhere stories live. Discover now