CHAPTER 4:

9 0 0
                                    

Natagalan ang aming pagbiyahe dahil medyo trapik pa Cubao. Nangmaituro ko na kay Mang Jun ang Shop ay nagpaalam ito sa amin para maghanap ng parking.

"Maghahanap muna ako kung saan pwede magparking. Tawagan niyo na lang ako para mabalikan ko kayo dito." Ani ni Mang Jun at naghanap na ng parking.

"Sige po Mang Jun, salamat po." Sabi ni Kaizer at saka pumasok na kami sa shop.

Naglilibot na kami sa shop para maghanap ng halaman na assignment namin sa biology. Napako ang tingin ko sa yellow rose plant.

"Kaizer ito nalang kaya ang kunin natin." Lumapit siya sa kinaroroonan ko at hinawakan ang yellow rose.

"Oo nga maganda ito at alam mo ba ang meaning ng yellow rose?" Tanong sa akin ni Kaizer.

"Hindi eh ang alam ko lang ay ang sa red rose na ang meaning ay love. Ano ba ang meaning ng yellow rose?" Nagbaling ako sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

"Hindi ko din alam eh hahaha kaya nga kita tinatanong." Sinamaan ko siya ng tingin akala ko naman ay alam niya.

"Bwisit ka akala ko naman ay alam mo hahaha." Tumigil kami sa pagtawa ng may biglang lumapit na staff sa amin.

"Hi Ma'am and Sir ang meaning po ng yellow rose ay friendship." Narinig siguro niya ang paguusap namin ni Kaizer.

"Talaga po." Manghang sagot ko sa staff at napangiti ako dahil ayun pala ang meaning nun.

"Ayan na lang ang kunin natin Chloe." Habang tinuturo ni Kaizer ang yellow rose na nasa paso. "Tamang tama dahil tayo ay magkaibigan." Dagdag pa nito.

"Sige ito na lang po ang kukunin namin miss." Binigay na ito sa amin ng staff pagkatapos namin bayaran at lumabas na kami sa shop.

Tatawagan na sana namin si Mang Jun para magpasundo kaya lang itong si Kaizer ay nag aya munang mag meryenda.

"Chloe maaga pa naman mag meryenda muna tayo."

"Okay sabagay gutom na rin naman ako." Pumasok kami sa mall para maghanap ng kakainan.

"Dito na lang tayo sa coffee shop." Aya sa akin ni Kaizer at sumang ayon naman ako. Pumila na kami para umorder.

Naghahanap na kami ng mauupuan at ng may makita na kaming bakante ay umupo na kami. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapalingon sa paligid at sa paglingon kong yun ay nakita ko na meron na naman mga matang mapanghusga at mga bulungan. Ewan ko ba kung bulong yun o sinasadya talaga nilang iparinig sa akin.

"Girl ang gwapo naman nung guy."

"Oo nga girl kaso yung kasama niya mukhang katulong."

"Baka nga katulong niya hahahaha."

Gusto ko nang lamunin ng lupa at ibaon ng buhay dahil sa narinig kong yun. Marami din kasi nakarinig habang naguusap ang dalawang babae.

Nagulat ako nang tumayo si Kaizer sa upuan niya at nilapitan ang dalawang babae.

"Excuse mga miss." Nakita kong kinikilig pa ang dalawang babae na nagbubulungan kanina na halatang pinaparinig naman sa akin.

"Bakit handsome anong maitutulong namin sayo." Hahawakan na sana ng isang babae si Kaizer sa balikat ng bigla niyang iniwas ang balikat niya bago pa mahawakan ng babae.

"Alam niyo tigil tigilan niyo na ang pagbubulungan niyo na halata namang pinaparinig niyo pa sa amin. Para sabihin ko sa inyo hindi katulong yang kasama ko bestfriend ko yan at wala kayong karapatan para laitin siya sa harap ng maraming tao." Nagtitiim bagang na si Kaizer habang kausap ang dalawa. "FYI lang ah ayusin niyo muna ang sarili niyong mukha bago kayo manglait mga mukha naman kayong payaso sa kapal ng mga make up niyo." Hinila na ako palabas ni Kaizer sa coffee shop na yun.

Close as StrangerWhere stories live. Discover now