“Stay here and wait for me,” bilin ng lalaki kay Jamie matapos nitong isuot sa kanya ang hinubad na coat at pumasok sa loob ng opisina ni Mr.Wang.
Nilingon niya ito at tinanaw dahil salamin ang dingding ng opisina ni Mr.Wang kaya pinagmasdan niya ang lalaking nagligtas sa kanya sa matandang manyakis sa VIP room kanina.
Ito ang pinakabata sa loob ng silid kanina, talagang napakaguwapo nito at matangkad pa. Mukha ring galing sa mayamang pamilya at mataas ang respeto sa mga babae.
Hindi akalain ni Jamie na may magliligtas pa sa kanya at nakahandang bayaran ang utang kay Mr.Wang kahit hindi sila magkakilala. Hindi lang ang pisikal na anyo nito ang maganda kung ‘di ang kalooban ang mas lalo niyang hinangaan sa lalaki.
Seryoso ito habang nakikipag-usap kay Mr.Wang at may inilabas sa attache case nitong dala, kung hindi nagkakamali si Jamie, ay cheque iyon. Nagsulat ito roon at pinirmahan bago pinunit at inabot sa matandang chinese, pagkatapos ay tumayo na at naglakad palabas kaya tumalikod na si Jamie at umayos na ng upo.
“Let’s go,” seryoso nitong sabi na hindi man lang ngumingiti, nauna na itong naglakad palabas ng club kaya sumunod siya sa lalaki.
Nang makarating sila sa parking area ay humarap ito sa kanya kaya agad na tumungo si Jamie.
“Maraming salamat, tatanawin kong utang na loob ang mga kabutihan mo sa akin.” Nahihiya niyang sabi bago nag-angat ng tingin sa lalaki.
“Saan ka na pupunta? Baka mamaya ipagkanulo ka na naman ng nanay mo,” na-ikuwento niya kasi kanina kung bakit siya napunta sa club at maari ngang mangyari ulit iyon kaya nakapagdesisyon na siya kanina pa lang.
“Nakakahiya man pero, gusto ko na lang sanang sumama sa iyo. Huwag kang mag-alala magta-trabaho ako kahit hindi mo na ako pasahurin. G-gusto ko kasing kahit papaano man lang makabayad ako sa iyo, at the same time ay makalayo rin sa nanay ko kung papayag ka.” Para siyang nabuhayan nang bahagya itong ngumiti.
“Sure ka na ba sa desisyon mo? Paano ang nanay mo?” tanong nito pero mapait siyang ngumiti.
“Isa siya sa dahilan kung bakit gusto ko na lang lumayo at sumama sa ‘yo,” nahihiya niyang paliwanag. “Tingin ko naman ay mabuti kang tao, kaya hayaan mong sumama ako sa iyo. Puwede mo akong gawing maid sa bahay niyo,” tumawa naman ito kaya napangiti na rin siya.
“Maid? Sa ganda mong 'yan? Nakakahiya, it’s a no Jamie. You can stay at my place whenever you want. You‘re my special guest,” sambit nito.
“Thank you, sir--”
“Raizo na lang, don't call me sir para hindi ako mailang. Paano? Let's go?” nauna na itong naglakad papunta sa kotse. Nahihiya man pero pinagbukas pa siya ni Raizo ng pinto.
“Siya nga pala, ano ba‘ng work mo?” tanong niya nang makasakay sila parehas.
“I'm the President of Kizaki group of company,” sagot nito nang buhayin ang makina. Napaawang naman ang labi ni Jamie sa nalaman at mas lalong nahiya sa lalaking kausap.
“Ikaw? How about you Jamie?” bigla'y tanong nito habang binabaybay na nila ang kalsada.
“S-supervisor lang ako sa maliit na factory..” sagot niya.
BINABASA MO ANG
SOLD 🔞
Romance"Alam mo Jamie, even if I use your body a thousand times, hindi mo pa rin mababayaran ang perang pinangtubos ko sa 'yo kay Mr.Wang. Bakit? Ano ba'ng tingin mo sa sarili mo? Pera lang din naman ang halaga mo sa sarili mong ina, kaya ka ipinagkanulo s...