CHAPTER 8

424 33 2
                                    

“Kumain ka ng marami, para makarecover ka. Hindi biro ang panganganak, kinabahan kami sa ‘yo, ilang oras kang walang malay.” Sambit ni Natz habang sinusubuan siya, si Jackson naman ay karga ang sanggol na iniluwal niya. Katatapos niya lang itong i-breastfeed.

“Pagnakalabas tayo rito, ipahinga mo pa rin ang katawan mo. Nandito lang kami palagi ni Jackson sa tabi mo,” dagdag nito at hindi niya ma-imagine ang buhay kung wala ang mga ito sa tabi niya.

“Maraming salamat sa inyo, sobrang laki na ng utang na loob ko.” Seryoso niyang sabi.

“Naku, wala ‘yon! Saka tigil-tigilan mo nga ako ng kadramahan mo, Jamie.” Natatawang sabi ni Natz.

“Ang guwapong bata ni Raiden,” sambit naman ni Jackson habang natutuwa sa batang karga nito.

“Naku, ilapag mo na ang baby na ‘yan dito sa tabi ni Jamie. Baka mabalian pa ‘yan ng buto sa ‘yo e!” sermon ni Natz kay Jackson.

“Sige na, Jamie. Kumain ka pa para lumakas ka.” Pinagpatuloy ni Natz ang pagsubo sa kanya.

Ilang saglit pa ay pumasok ang nurse at tiningnan ang kalagayan niya.

“Kailangan na pong ibalik si baby sa nursery room,” sabi nito kaya nagpaalam si Jackson sa kanila habang nakasunod sa nurse palabas dala ang baby niya.

Matapos siyang pakainin ni Natz ay nagpaalam ito dahil kukuha pa raw ito ng ibang gagamitin sa hospital, ilang araw pa kasi siyang mananatili sa hospital dahil na-cesarian siya.

Naiwan siyang mag-isa sa silid at nakabibingi ang katahimikan.

Biglang nagbukas ang pinto at nagulat siya sa lalaking pumasok, hindi niya inaasahang makikita pa ito.

“Ano‘ng ginagawa mo rito?” nakasimangot niyang tanong kay Raizo, pero ngumiti lang ito at inabot sa kanya ang bulaklak na dala bago inilapag ang box ng cake.

Galit niyang itinapon ang bulaklak kaya nanabog ang mga iyon sa sahig bago matalim na tiningnan si Raizo.

“Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka na, Raizo!” taboy niya.

“Anak ko rin siya, Jamie. Huwag mo akong tanggalan ng karapatan sa bata,” seryosong sabi ni Raizo.

“Hindi siya kasama sa utang ko sa ‘yo, kaya tantanan mo kami!” giit niya.

“Hindi ito tungkol sa utang, dugo ko ang nananalaytay sa kanya, wala kang magagawa, Jamie.”

“Umalis ka na, Raizo!” taboy niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito, akala niya ay aalis na ito pero pinulot nito ang mga nakakalat na bulaklak sa sahig at pinaglalagay sa flower vase sa side table.

“Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko umalis ka na!” sigaw niya pero nagmistula lang itong bingi.

“Alam kong naging masama ako sa ‘yo pero nakahanda akong magbago, Jamie.” Pakiusap nito pero umiling siya.

“Hindi iyon ganoon kadali, Raizo.”

Nang makita nilang pumasok si Jackson ay napatiim ito kay Raizo.

SOLD 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon