CHAPTER 5

392 36 0
                                    

“Huwag kang mali-late sa shift mo bukas, good luck Ms.Rodriguez.” Nakangiting sabi ng HR.

“Maraming salamat po,” masaya niyang sabi habang bibit ang paper bag na may lamang uniform na gagamitin niya. Isang linggo pa siyang magti-training bago isalang mag-isa sa information desk at ngayon pa lang ay excited na siyang umuwi para ibalita kay Raizo.

Nagpaalam na siya sa HR at lumabas ng opisina, malapit din iyon sa opisina ni Raizo kaya naisip niyang daanan ito pero natigilan siya nang matanaw si Raizo sa glass wall habang masayang kausap si Cindy sa loob ng opisina nito.

Agad na tumalikod si Jamie at lumabas na, dumeretso siya sa isang bar malapit sa tabi ng beach at umorder ng maiinom.

“Hey!” napatingin siya sa lalaking katabi dahil inagaw nito ang boteng hawak niya.

“Why are you drinking alone here?” tanong nito, agad niya namang namukhaan ang lalaki.

“Oh? Ikaw iyong owner ng makulit na aso hindi ba?” tanong niya.

“Buti naman naalala mo pa, ako nga pala si Jackson.” Pakilala nito.

“Your dog's name is better than yours,” pabiro niyang sabi.

“Ay grabe ka!” nagtatampo nitong sabi.

“Just kidding, I'm Jamie.” Pakilala niya rin.

“So bakit ka mag-isa rito? May problema ka ba?”

“Handa mo bang pakinggan ang kuwento ng buhay ko?” tanong niya, tumawa naman si Jackson.

“Oo naman, chismoso kaya ako!”

“Seryoso ako kaya huwag mo akong tawanan!” nakasimangot niyang sabi but at the same time ay parang nakahanap nang kakampi sa lugar dahil tingin niya naman ay mabait si Jackson.

“Sige na, huwag ka nang mahiya.” Napabuntong hininga naman si Jamie bago mapait na ngumiti.

“May gusto akong lalaki, at tingin ko noong una gusto niya rin ako dahil hindi maikakaila ‘yong pag-aalala niya sa akin. Palagi niya rin akong nireregaluhan pero nitong mga nakaraang araw, ang weird na ng mga kinikilos niya. Tinanong niya ako kung magagalit daw ba ako kung may ibang babae siyang nagugustohan, hindi ko inaasahan iyon.” Kuwento niya.

“E ano ba kayo?” biglang singit ni Jackson.

“Walang kami pero ramdam kong mayroong kami, Jackson. Sa unit niya ako nakatira, magkatabi kaming matulog pero may ibang babae naman pala siyang pinapantasya.”

“Ang gulo ng sitwasyon niyo huh, pero mahal mo?”

“Hindi ko itatanggi iyon pero ano pa‘ng silbi ng pagmamahal ko kung iba naman pala ang mahal niya?”

“Alam mo, sobrang complicated nang ginagawa mo sa sarili mo. Ba’t kasi hinayaan mong wala kayong label? Baka naman kasi ibinahay ka lang para maibsan ang init na nararamdaman niya sa babaeng gusto niya talaga!” walang prenong sabi ni Jackson. “Kung totoo man, e ‘di ang sakit n’on pero okay lang ‘yan Jamie, kayang-kaya mo ‘yan!”

“Wala rin naman akong choice, siguro iyon din ang dahilan kung bakit niya ako tinulongan. Ito talaga siguro ang kapalit,” malungkot niyang sagot.

SOLD 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon