“You look absolutely stunning!” palatak ni Raizo habang pinagmamasdan siya nito suot ang black silk dress at nakatayo sa harap ng salamin.
“Thank you, Raizo”
“Shall we?” malambing nitong tanong at in-offer ang braso sa kanya, kumapit naman siya kay Raizo bago sila lumabas ng unit.
Pagdating sa venue ay naroroon na ang mga kapatid at pinsan ni Raizo. Agad na ngumiti sa kanya si Ryusei nang makita sila pero naagaw ang atensyon ni Jamie sa isang magandang babaeng kausap ni Tadaaki. Glowing ang kutis nito, medyo maliit ang mukha at talagang malakas ang karisma. Kahit sino naman yatang lalaki ang makakasalubong nito ay paniguradong mapapalingon sa babae. Maganda rin ang hubog ng katawan nito na parang ang babaeng iyon ang naging center of attraction sa venue.
Napatingin ang mga ito sa gawi nila at agad kumaway, iginaya naman siya ni Raizo papalapit sa mga ito.
“Cindy, I want you to meet my friend, Jamie.” Agad naman itong ngumiti, nakipagbeso ito sa kanya at naamoy ang mamahaling perfume na ginagamit nito.
“Hello Jamie, nice meeting you!” masaya nitong bati, at napakaganda talaga nito lalo na sa malapitan.
“N-nice meeting you Cindy,” nahihiya niyang ganti at naramdaman niyang ipinulupot ni Raizo ang braso sa bewang niya kaya hindi niya maiwasang mailang.
“Si Jamie kasi, medyo mahiyain siya,” sabat sa kanila ni Raizo.
Ilang saglit pa ay maingay na ang paligid dahil sa masasayang usapan at tawanan habang siya, parang na-out of place na. Madalas niya ring mahuli si Raizo na palaging nakatingin kay Cindy at ang tingin na iyon ay parang may kakaibang ibig sabihin.
Na sa mahaba silang mesa nang dumating ang birthday celebrant kaya nagsitayo sila para salubongin nang palakpak ang lolo nina Raizo.
“Hi, what's your name?” tanong ng cute na batang lalaki na sumulpot sa gilid niya, siguro ay mga pitong taon na ito.
“Hi Kane, she's your tita Jamie.” Sabat ni Ryusei habang busy si Raizo sa pakikipag-usap sa ibang mga pinsan at kapatid nito.
“Oh hi tita Jamie, I'm Kane.” Pakilala ng bata kaya hindi niya na namalayan ang sariling nakangiti dahil bata pa lang ay sobrang lakas na ng appeal ni Kane.
“Ang pogi mo namang bata,” natutuwa niyang sabi at hindi mapagkit ang tingin sa mukha ni Kane.
“Maraming producer at direktor ang kumukuha sa batang ‘yan para maging child star pero ayaw ni Cindy. Gusto niyang mamuhay bilang normal na bata si Kane,” kuwento ni Ryusei.
“Tama naman sila, at alam kong magiging maganda ang pagpapalaki niya sa mga anak niya oh by the way nasaan pala ang husband niya?” natutuwa niyang tanong pero bahagyang inilapit ni Ryusei ang mukha nito sa tainga niya.
“Nakakulong,” bulong ni Ryusei sa kanya pero tumango na lang si Jamie at hindi na nag-usisa pa dahil baka marinig pa ni Kane ang usapan nila.
“I heard na mahilig ka raw magpaint?” pagbabago ni Ryusei.
“Kaunti lang, hindi pa naman ako pro, gusto ko lang talagang may napaglilibangan.” Sagot niya.
“You can visit Tadaaki’s gallery para makita mo rin ang mga gawa niya,” suggest ni Ryusei.
“Sa totoo lang, excited na rin talaga akong makita ang mga obra niya.” Itinaas naman ni Ryusei ang wine glass kaya nakipagtoast siya rito.
BINABASA MO ANG
SOLD 🔞
Romance"Alam mo Jamie, even if I use your body a thousand times, hindi mo pa rin mababayaran ang perang pinangtubos ko sa 'yo kay Mr.Wang. Bakit? Ano ba'ng tingin mo sa sarili mo? Pera lang din naman ang halaga mo sa sarili mong ina, kaya ka ipinagkanulo s...