CHAPTER TWO

17 3 0
                                    

Enjoy reading!

---☆---

Victoria's

"Nakakahiya ka." natatawang sabi ni Yhuki sa akin.

Ilang oras na nakalipas nang makabalik kami galing sa cafe pero hindi ko parin makalimutan yung kahihiyang nagawa ko kanina at itong si Yhuki ay dina-down ako lalo.

"Lutang ako that time! Hindi ko alam pinagsasabi ko." dipensa ko.

"Fine!" itinaas nya ang dalawang kamay habang natawa, inirapan ko nalang siya.

Hindi na ako babalik sa cafe na iyon!

"Anong oras na?" tanong ko kay Yhuki.

Agad naman niyang binuksan ang phone at tinignan ang oras.

"It's 6:45 pm." aniya at humiga.

"I need to go home now." dali dali kong kinuha ang aking wallet, agad na tumayo si Yhuki.

"Papahatid nalang kita kay manong." offer niya, umiling ako.

"Ayokong makaistorbo, I can go home by myself." tumango na lamang si Yhuki at hinatid ako sa labas ng kanilang bahay.

"Take care, i-text mo ako pag nakauwi kana." niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ok." kinawayan ko siya at naglakad palabas ng subdivision nila, wala na kasing nadaan na taxi.

While walking I felt someone is behind me, it really creep me out. My heart started to beat fast, kahit na malamig ay pawis na pawis ako.

Sinubukan kong ibahin ang daan ngunit ramdam ko parin ang pagsunod niya. I started to run as fast as I can.

Bakit parang hindi natatapos ito? Hindi ko pa rin makita ang kalsada? Asan na ba ako?

"Victoria!" I heard a manly voice behind me, calling my name.

I stopped, I'm so tired, I touched my wrist to hold my bracelet but it's not there. It's missing! It's really important to me.

Bakit ba ang malas ko?

May humawak sa aking balikat, I took the hand and twist it.

"Aray! Miss ako to yung waiter sa cafe!" the handsome man?

"Ikaw!?" binitawan ko ang kanyang kamay at hinawakan niya iyon.

"I'm so sorry! Bakit mo kasi ako sinusundan?" napakamot siya sa ulo at may dinukot sa kanyang bulsa.

"Nakita ko kasi ito sa table niyo habang naglilinis ako kaya tinago ko muna, buti nalang nakita kita ngayon." binigay niya sa akin ang bracelet na hinahanap ko.

"Thank you! Akala ko hindi ko na ito makikita." nginitian niya ako.

"Pauwi ka na ba?" tumango ako.

"Sumabay ka na sa akin palabas, mukang naliligaw ka." he took my hand and started to walk, hindi ko siya dapat hayaang hawakan niya ang aking kamay dahil hindi ko siya kilala pero ngayon tinitignan ko lamang ang magkahawak naming kamay.

Mabilis kaming nakalabas sa subdivision at nakita ko ang mga nadaang sasakyan. Binitawan niya ang aking kamay at pumara ng taxi.

"Dito kana sumakay." binuksan niya ang pinto at agad akong pumasok doon.

"Thank you Kairo." nginitian niya ako at kumaway habang ako'y papalayo.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon