CHAPTER THREE

12 3 0
                                    

Enjoy reading!

---☆---

Victoria's

Ngayon ay ang araw na matagal ko nang hinihintay. It's my first day of school at WRA! It might sound really childish pero mas gusto ko sa campus kesa sa bahay. Because this is the place where I find new friends, this is the place where I can show the really me, where I can show my passion and the try new things.

I checked my phone and I saw a message from Yhuki.

From Yhuki:

Are you ready for school? Gusto mo sabay tayong pumasok?

Agad akong nagreply.

To Yhuki:

Hindi pa ako nakakapag ready kaya mauna ka nalang, see you at school!

From Yhuki:

Ok, see yah!

Tumayo at naligo. Masyado atang maaga si Yhuki 9 am pa naman ang pasok namin at 7 am palang ngayon. Tapos na naman kami mag enroll, ano kayang gagawin nu'n?

Mabilis akong natapos maligo at pinatuyo ko ang aking buhok.

Bumaba na ako para kumain, nakita ko si Mom at Mika na nagtatawanan habang nakain.

Pumunta ako roon at tahimik na umupo, biglang nawala ang kanilang tawanan noong nakita ako.

"What's wrong?" tanong ko at nagsimula nang kumain.

"Nothing." Mom said, pinagpatuloy na rin nila ang pagkain.

"Mom, ihahatid mo ba ako?" tanong ni Mika kay Mom.

"Kung iyan ang gusto mo, sige." nakangiting sabi ni Mom.

"Pwede po ba akong sumabay?" tanong ko, tinignan nila akong dalawa.

"Ate hindi pwede, dadaanan pa namin ang friends ko dahil sasabay sila." tumango ako. Mabilis akong kumain at iniwan sila doon.

Baka hindi pa nakakaalis si Yhuki. So I texted her.

To Yhuki:

Asan ka na?

Pagtingin ko sa orasan ay 8:45 na, malalate na ako kung aantayin ko siya at lalo na kung mag co-commute ako.

I waited for Yhuki's reply but I ended up wasting my time. Mabilis akong lumabas ng subdivision at humanap ng taxi. It's first day of school, mahirap humanap ng masasakyan at traffic din.

Why I am so unlucky? Ngayong araw pa ng unang pasukan.

Iwinagayway ko ang aking kamay sa tuwing may dadaan na pwedeng masakyan ngunit hindi manlang ito tumigil at nilagpasan lamang ako.

Unexpectedly, a car stopped in front of me. It looked really familiar. Bumukas ang bintana nito at nakita ko si Kairus, I'm sure it's him because of his mole beside his eye.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon