Chapter 1

203 10 1
                                    

Lisa POV

Nandito ako ngayon sa tambayan ng aming magbabarkada, sa garden ng school. Mag-isa lang akong sumusulyap sa kanya ngayon dahil wala pa ang mga mukong kong mga kaibigan.

Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Lalisa Manoban "Lisa" for short eehee. Sa Crofton Academy nag-aaral, 16 years old and Grade 10th student.

"Bro, palihim ka na namang sumusulyap kay Jennie!" Sabi ni Seulgi sabay tapik sa balikat ko.

"Oo nga Lis, napakatorpe mo! Aanhin mo pa yang gandang mukha mo kong torpe ka?" Pahayag naman ni Bambam.

"Tumigil nga kayo. Napakaingay nyo baka marinig kayo ni Jennie." Sabi ko sa mahina na tuno.

"Tsk! Halika ka nga sumama ka sa amin." Sabi ng dalawa at hinigit ako.

"San ba tayo pupunta ha?" Tanong ko kasi naman ang sakit na ng balikat ko sa dalawang to. Kulang nalang kaladkarin ako eh.

"Kay Jennie bro, tutulungan ka namin sa kanya." Sabi ni Seulgi.

"Naku kay Jennie lang pa- WAIT WHAT?! Kay Je-Jennie?!" Sigaw kong sabi kaya napatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Lapit ka na Lis!" Sabi ni Bambam sabay tulak sa akin papunta kay Jennie. Nakatalikod kasi to habang naka upo sa may damo habang nagbabasa ng libro.(Little Genius kasi)

"Tsk! Ayoko nga!" Sabi ko at tatalikod na sana nang hinigit nila ulit ako at sabay tinulak kaya naman napaupo ako sa gilid ni Jennie. Paktay na

"A-anong kaylangan mo?" Gulat niyang tanong, tiningnan ko ulit yong dalawa sa likod kaya lang wala na sila. Lagot sa akin yong dalawang yon!

"A-ah e-eh wala naman sorry hehehe, ahm pwede makiupo?"

"Ahm nakaupo kana" sabi niya. Sheyt oo nga pala, pahiya ako don ah.

"A-ah oo nga hehehe" napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa hiya. Hays

"Ah Jen ano nga pala binabasa mo?" Pag oopen ko nalang ng topic para naman May conversation kami hihihi!

"Hmm? Love story, maganda kase kaya sinipag akong magbasa." Sabi niya habang nakangiti labas gilagid. Alam kong sounds gay but shit! Ang ganda ng ngiti niya, grabe nakakainlove talaga 😍.

"Ah, teka malapit na pala time natin para sa next subject. Sabay na tayo?" Yaya ko sa kanya sabay tayo at lahad ng kamay ko.

"Sige tara :)" nakangiti niyang sabi, hays ang kyut talaga niya. Sarap kurutin ng pisngi niya eehee.

"Tara, tutal friends na rin naman tayo, ako na magdadala niyang mga books mo." Sabi ko

"Talaga friends na tayo?" Masayang tanong niya. Loner kasi to, kasi naman mukhang strict yong mukha hihihi

"Oo naman" 😉

"Thank you Lis! May friend na rin ako. Yehey!" Masayang sabi niya at hinigit ako papuntang classroom. Ayh nga pala classmate ni Jennie kaya sabay na kami pumasok 😁

ONE MONTH LATER

Jennie POV

Hello! Ako nga pala si Jennie Kim, 16 years old and Grade 10th student. By the way 1 month na kaming friends ni Lisa, grabe no? Ang bilis ng panahon. Lage kaming sabay uuwi, sabay kumain ng lunch at breaktime. Dati napakatahimik ko at walang lumalapit sa akin, kasi akala ng iba masama daw ako, kasalan ko bang strikto na tong mukha ko? Pero simula nong naging kaibigan ko si Crush (Lisa) meron ng ibang kumakausap sa akin. Iwan ko ba naging komportable agad ako sa kanya.

"Uy! Jen, tara na umuwi na tayo at ihahatid na kita." Yaya ni Lisa at kinuha ang Bag ko sabay pinagtiklop ang mga kamay namin. Kilig naman ako! Eheee HHWW kasi kami, oh sino hindi kikiligin jan? Hahaha syempre wala!

"Sure ka?" Tanong ko

"Oo naman, friends naman tayo diba?" Nakangiti niyang sagot habang holding hands parin kami. Shems ang ganda ng ngiti niya ☺️

"A-ahm Lis?Y-yung k-kamay ko?" Sabi ko kaya naman mabilis na niya itong binitawan sabay hinto at tumingin sa ibang direksiyon.

"S-sorry Jen!" Nauutal niyang sagot.

"Teka Lisa, may sakit kaba? Bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ko ng dalawang kamay ang pisnge niya kaya lalo siyang namula. Weird?

"A-ah w-wala to, m-mainit lang seguro. Tara na nga!" Bulyaw niya at nauna ng maglakad.

"Teka Lis! Hintay naman! Ang laki kaya ng hakbang mo!" Sigaw ko sa kanya habang humahabol. Bat kasi nagmamadali yon?

"Tss bilis, bat kasi ang liit ng hakbang mo?" Sigaw niya. Hmp! Sungit.

She's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon