Chapter 4

93 5 1
                                    

Lisa POV

Kanina pa ako nagkukuwento dito kay Jennie pero hindi ata siya nakikinig. Parang ang tamlay-tamlay niya ata tapos nangayayat at namumutla siya this past few days. Pauwi na kasi kami ngayon galing school at medyo ginabi na kami ng uwi.

"Nini, nakikinig ka ba?" Tumigil ako sa paglalakad at tuminga sa kanya.

"Ha? A-ano yun Lili?" Tanong niya.

"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig eh. May problema ba Nini?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"Lisa...." nakayuko niyang sabi.

"Bakit Nini?" Nag-aalala kong sabi

"Maghiwalay na tayo Lisa." Nakayuko pa rin niyang sabi.

"A-anong s-sinasabi mo?"

"Magbreak na tayo." Plain niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Nagbibiro ka lang diba?"

"Hindi ako nagbibiro, maghiwalay na tayo." Halata sa mga mata niya na naiiyak.

"P-pero Jen...."

"Please.." pagmamakaawa niya habang umiiyak.

"If that's what you want Jen. I'll let you go, kahit masakit." Sabi ko at tumalikod na at doon bumuhos ang luha kong kanina pa nagbabadyang lumabas.

Hindi paman ako nakakalayo, bigla siyang sumigaw.

"Lisa kahit anong mangyari, tandaan mo mahal na mahal kita." Sigaw niya.

Jennie POV

Pagkaalis ni Lisa, umiiyak ako habang pauwi sa bahay at napansin ko ang kamay ko na may dugo na naman. Shit! Buti hindi niya nakita, sa kalagitnaan ng paglalakad ko bigla akong nakaramdan ng hilo at lalong dumugo ang ilong ko at sakto namang pagdating ko sa bahay.

Pagpasok ko nadatnan kong naglukuto si kuya ng hapunan, si kuya Ethan. Siya ang nag-alaga sa akin simula nong namatay si mommy at daddy. Kahit ngayon ikakasal na siya.

"K-kuya...." nanghihina kong sabi sa kanya at hawak-hawak parin ang ilong ko.

"Jen kain n— teka, jen bakit dumurugo yang ilong mo? Anong nangyari sayo?!" Nag-aalala niyang tanong at nilapitan ako.

"K-kuya kunin mo." Sabi ko at inabot sa kanya ang resulta ng test ko galing sa hospital.

"A-ano to? Umupo ka nga, teka kukuha lang ak—"

"Kuya wag, dito ka lang sa tabi ko please." Sabi ko at pinigilan siya.

"Ano ba kasi yan?" Tanong niya at tiningnan ang laman ng envelope.

Habang binabasa ni kuya ang laman ng envelope nakita ko ang pagpatak ng luha niya at pagkagulat. Agad agad niya akong niyakap.

"Jen hindi totoo yon diba? Hindi ka mamamatay?" Umiiyak niyang sabi

"K-kuya...tanggapin nalang n-natin." Mahina kong sabi at umiyak na rin.

"Jennie, hindi totoo yan diba?" Tanong ulit ni kuya

"Kuya, nahihirapan akong...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako nahilo at nagdilim ang paningin ko at tanging pagsigaw nalang ni kuya ang narinig ko.

"Jeeeeen!" Sigaw niya and everything went black.

She's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon