Chapter 2

108 5 0
                                    

Lisa POV

Nakakainis yong mokong na yun! Lage nalang niyang pinapatawa si Jennie! Dapat ako lang eh! Ako lang dapat yung nagpapatawa kay Jennie eh! Ito namang si Jennie tawa ng tawa tsk!

Sa sobrang inis ko, hindi na ako nagdalawang isip at hinigit si Jennie.

"Ahaha— t-teka uy, Lis san tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa pupuntahan. Huwag ka nang magtanong Jen." Walang gana kong sagot habang hinigit parin siya kaya naman hindi na siya nagsalita pa.

Pumasok kaming dalawa sa storage room para makapag usap ng masinsinan.

"Ano bang gagawin natin dito Lis?" Tanong niya habang nakahawak sa balikat ko.

"Bakit ba lagi mong kasama yung Kai na yun ha?! Nanliligaw ba yun sayo?!" Tanong ko

"Ha? Anong sinasabi mo Lis?"

"Huwag mo kong sagutin ng patanong Jen. Naiirita ako lalo." Mata sa mata kong sabi sa kanya.

"Magkaibigan lang kami Lisa." Sagot niya at yumuko. Halatang natatakot siya ikinikilos ko ngayon.

"Eh bakit lagi kayong magkasama? Hindi ko alam kong sadyang manhid ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang Jen! Di pa ba halata na naiinis at naiirita ako sa mokong na yun? Lalo't lagi kayong magkasama?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa galit na talaga ako.

"B-bakit ka b-ba nagagalit Lis?" Tanong niya habang nakayuko na naman. Sasabihin ko na ba? Okay maybe this is the right time. Inhale exhale

"Nagseselos ako Jen! Nagseselos ako dahil may kasama kang ibang lalaki, nagseselos ako dahil ayaw kong maagaw ka sa akin ng iba, at higit sa lahat nagseselos ako dahil MAHAL KITA Jen!" Medyo pasigaw kong sabi sa kanya.

"A-anong sabi mo Lis?" Gulat niyang sabi dahil sa hindi inaasahan kong pagconfessed sa kanya.

"Kaylangan paba ulit-ulitin ko para malaman mo Jen? MAHAL KITA Jennie, matagal na!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis!

Kita mo talaga sa kanya ang gulat at takot. Medyo paluha narin ang mga malapusa niyang mga mata. 'Oh shit! Wag ka umiyak please' sabi ko sa sarili ko.

Hindi parin siya nagsasalita, kaya naman kinakabahan ako baka kasi ireject ako. Ang kaninang galit ko ay napalitan na ng takot, takot na baka hindi niya rin ako mahal, takot na baka pagkatapos neto layuan niya na ako.

Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita siya.

"Lisa, m-mahal din kita." Mahina niyang sabi na sapat na para marinig ko. Gulat akong napatitig sa kanya, hindi ko inaasahang mahal din pala niya ako.

"A-anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya ulit, narinig ko naman yon gusto ko lang talaga marinig ulit. Shhhh eehee

"Ang sabi ko Mahal din kita" malakas na niyang sabi kaya naman tuluyan ko na siyang niyakap ng napakahigpit. Yumakap na rin siya, shit! May isasaya pa ba sa araw nato?

Jennie POV

Magkasama kami ngayon ni Lili, may date kami. Opo kami na hihihi

"Say ahhh Nini" sabi niya at sinubuan ako ng Ice cream, grabe sweet niya no? Inggit kayo bleeh!

"Hmmm ang sarap naman. Ikaw naman, say ahhh Lili." Sabi ko at sinubuan din siya ng ice cream.

"Sana no lagi tayong ganito, masaya" nakangiti niyang sabi. Nasabi ko na ba sa inyo na ang ganda ng ngiti niya? Hihihi nakakainlove

"Oo naman, basta walang iwanan." Nakangiti ko ding sabi sa kanya.

"Yeah! Walang iwanan!" Sabi niya at hinalikan ako pero smack lang.

"I love you" mahinang sabi niya at niyakap ako.

"I love you too" sagot ko at niyakap din siya ng mahigpit.


————————————-

How's the update? Plss let me know, thanks!

She's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon