"Magkakaroon ng Celebration" ani ni Prinsesa Lian, Sabay kuha ng Pamaypay niya at takip nito sa muka niya.
"Para saan naman?" Tanong ko, Umangat naman ang kilay niya "Para sa ATING kapatid na si Yassie." Napahalukip ako at umirap.
"Ayaw ko'ng pumunta" Nanliit ang mga mata niya at bumilis ang pag pa-paypay niya.
"Pinapapunta tayo ni Ama, at wala ka'ng magagawa HNP!" Tumalikod na siya at naglakad palabas ng the Juliet Rose Pavillion.
Kumuha ako ng buttered cookie at kinain ito. Haist...
~~~
"Sue, Bakit kailangan ko pa'ng mag ayos? Hindi naman ako ang Engaged" Irita na sabi ko. Ngumiti naman si Sue.
Ipinagpatuloy niya ang pag tatali ng Roba ko na kulay Dilaw, May tahi itong maliliit na bulaklak, Pagkatapos nun, Nilagyan niya ng Maliliit na gintong bulaklak ang gilid ng buhok ko.
"Lalagyan kita ng pampakulay sa muka" Agad ako'ng umiling "Hindi ko gusto na pinipinturahan ang aki'ng muka at...Naka balbal naman ako" Napanguso naman si Sue
"O sige po. Aayusin ko na lang ang palumuti ng iyong buhok Binibini" Tumango ako at pinanood ang pag aayos niya ng buhok ko. Isinuot ko rin ang gintong choker na napanaluhan ko.
"Binibini. Napakaganda mo talaga, Kaya ayaw ka'ng ipakita ng mahal na Emperador sa buong mundo. Dahil ang ganda mo ay kaya'ng magpabagsak ng isang imperyo" Napaka bulaklak mag salita ng aki'ng kaibigan na si Sue.
"Wag ka ng mambola." Nakangiti na saad ko. Sabay hawi sa buhok ko na natatabunan ng manipis na gintong balbal.
~~~
"Kuya, ang dami'ng nag gagandahan na dilag, hindi ka ba mamimili?" Nangangasar na sabi ko.
Napakamot namam siya "Gusto'ng gusto mo na ata na ipakasal ako munti ko'ng kapatid" Napanguso ako.
"Tumatanda ka na kasi" Pangasar ko ulit. Natawa naman siya "Hindi pa naman nag bibitaw si ama." Saad niya. Sabagay.
Napatingin ulit ako sa ibaba ng balkonahe, maraming dilag at ginoo, Makukulay at Magagarbo ang mga kasuotan.
"Tara, makihalubilo tayo sa ibaba" aya ni Kuya, Tumango ako at hawak kamay kami'ng bamaba ng hagdanan.
May nakakilala sa amin na bumati at may mga hindi kami namukaan, este hindi namukaam si Kuya. Wala nama'ng nakakakita sa akin.
"Kuya, magliliwaliw muna ako" pagpapaalam ko. Tinitigan niya ako ng matagal "Oh siya, mag ingat ka" Ngumiti ako at naglakad palayo sa kaniya.
~~~
Napunta ako sa pinaka dulo ng pasilyo, Wala na'ng mga tao dito kung tutuusin. Kaya taimtim ako'ng naglalakad. Dinadama amg malamig na hangin na dumadaan mula sa bukas na bintana.
"Nalagyan na ng lason ang mga alak, Master"
Bigla ako'ng napatigil at napatago. May nagtataksil sa buong imperyo?
"Magaling, Walang sino man ang dapat maka alam nito. Naiintindihan mo?"
Sino siya? Maiingat at tahimik na pinanood ko sila.
YOU ARE READING
Suddenly In love with a Stranger (TAGLISH)
Romance"A heavenly favored daughter of Emperor of the East" and "A Over Confident Crown Prince of The West" Meeting and Clashing at each other. I don't own the Photo (Credits to its rightful owner)