"K-Kasinungalingan!!" Si Yassie. Napataas naman ang kilay ko. "Pinaparatangan mo ang Ina ko! Hangal ka Roseien!"
Nang gagalaiti na Tumayo si Ama "Umayos ka Yassie! Huwag na huwag mo'ng pinagsasalitaan ng ganyan ang iyong kapatid!" Bakas ang autoridad sa boses ni Ama.
Napayuko si Yassie. "Mahal na kapatid, May mga patunay ako sa mga paratang ko sa iyo'ng ina" Pinitik ko ang mga daliri.
Biglang sumulpot si Ydrill, kasama ang ibang Shadow Guard hawak ang lalaki na naka gapos, bakas ang dugo sa kanyang damit.
"Roseien? " si Kuya Kashmir. "Kuya. Manood ka at matuto" Ngising ngisi na sabi ko.
Ng makita ni Emperial Concubine Yuna ang lalaki ay halos mawalan na ng kulay ang kanyang muka.
"Siya ang pinag utusan ng iyo'ng ina na lasunin ang mga tao dito, Ang lason na inilagay ni Emperial Concubine Yuna ay ang lason na kayang pumatay pagkatapos ng 1 minuto lama'ng, Dahil ayaw ni Yassie na ma ipakasal sa anak ng Punong Ministrado (Prime Minister ) ay binalak nilang lasunin ang mga tao dito, Dahil pag nawala Si Ama, Si Ina at kaming mga kapatid niya ay panigurado mapapasakanya ang buong imperyo!"Halos mahimatay na si Emperial Concubine Yuna.
"Kapahangasan!"
"Taksil!"
"Makasarili!""Umamin ka ginoo, Bakit mo ito ginawa?" Mahinhin na tano'ng ni Ina.
Nanginginig na nag angat ng tingin ang binata "D-dahil k-kapos po kami n-ng pera. N-natukso l-lamang ako. D-dahil 2 supot ng gi-ginto ang ibabayad sa akin n-ni Lady Yuna" Agad na nanlisik ang mga mata ni Yuna at Yassie.
"Taksil ka! Pagkatapos kitang bayaran ay isusuplong mo lang ako!!" Sigaw ni Emperial Concubine Yuna, ang dating Mapagmataas na Concubine ngayon ay tila isa'ng baliw na nakawala sa kulungan.
"Gwardya! Ipatapon niyo sa Cold Palace si Emperial Concubine Yuna.." Utos ni Ama. Nag wala lalo ang babae.
"PAKAWALAN NIYO AKO! HAYOP! MAMATAY KAYO!!"
Agad na binalingan ni Ama si Yassie "At ikaw Yassie, Hindi ko nagustuhan ang iyong kahibangan, Simula ngayon ay aalisin na ang titolo ng pagka prinsesa sa pangalan mo" Nanlaki ang mga mata ni Yassie
At tila Lantang gulay na napa upo "H-Hindi maari ama, P-pakiusap! Huwag!" Parang balde ng tubig ang kanyang luha.
Ngunit pusong bato si Ama at hindi pinakingan si Yassie. Tumayo siya at ang Ina
"Humihingi ako ng tawad sa pangyayari. Ngayon tapos na ang selebrasyon, walang kasal na magaganap" Agad na nag lakad palayo si Ama.
~~~
"Ano na'ng ganap kay Yassie Kuya?" Napabuntong hininga si Kuya Kashmir.
"Inalisan siya ng Titolo, at hindi na kinikilala'ng prinsesa, Pagkatapos ay ipinatapon sa labas ng bayan" Hindi gaano,Masaklap ang kanyang kapalaran
"Habang si Em- Yuna naman ay, Ikinulong sa Cold Palace, ng walang Ilaw at kung ano ano, at ang kanyang pagkain ay 2 beses lamang sa isang araw"
Kumuha ako ng Matamis na yema at kinain ito. "Masyado ba ako'ng masama?" Makokonsyensa ba ako? O, Matutuwa?
Oo, malaki ang gulat ko sa mga babae na iyon, Kay Yuna, Kay Lin, Kay Mika at Kay Vishka. Dahil sila ang dahilan ng pagka sira ng pamilya ko.
'Nag karoon ng away ang Emperador at Emperatriss, Anak na nila ang 1 taon na prinsipe Kashmir
"Mahal na hari, nandito ang mga mang sasayaw" Wala sa sarili na pinapasok ni Emperador Monroe ang mga dalaga, Ipinag patuloy nito ang pag inom ng alak.
Dahil sa lasing, Hindi na alam ng hari ang susunod na nangyari, nagising na lamang siya'ng tanging puting tela ang nakatakip sa katawan, katabi ang hindi kilala na binibini. Nalaman niya na nakatalik niya ang isang mananayaw na nag ngangalang Lin, ngunit wala talaga siyang maalala.
Ila'ng Linggo matapos iyon ay tahimik na nag uusap ang Emperatris at Emperador, ng biglang
"Mahal na hari may babae na gusto ka'ng makausap" Sa pagtataka ay nanguna ang Emperatris upang tingnan ang sinasabi ng nag utos."Mahal na hari! Dala ko ang inyong anak"
Dahil dun ay lalong tumindi ang galit ng Emperatris sa Emperador "Akala ko ako lang ang magiging ina ng mga anak mo! Ngunit nagkamali ako! Hindi kita mapapatawad"
Naglayas ang Emperatris, dahil naman sa panibugho ay halos wala na sa sarili ang Emperador.
Pero muling bumalik si Emperatris Hanalei para patawarin ang EmperadorAkala ni Monroe ayun ang una,.Ngunit naulit ito, sa isang babae na nag ngangalang Yuna, Pinainol siya nito ng aphrodisiac at ginawa ang pang gagahasa sa hari na siyang nag bunga ulit.
Dahil sa hinagpis ang dinadalang anak ng Reyna ay nalaglag. Dahil dun nagalit ang Prinsipe Kashmir .
Hangang sa nag bunga muli ito
Nauulit nanaman kay Lady Mika, Pero hindi ito nag bunga sa wakas, makalipas ng taon muli ay napikot nanaman ang Hari, Si Lady Vishka, Siya mismo ang pumasok sa kwarto ng hari at pinainom ito ng aphrodisiac at dun ginawa ang kapangahasan. Nagbunga rin ito. Matapos ang ilang buwan ay nabuntis din ang Emperatris.Dahil sa pagmamahal ng Emperador ay kinilamutan niya ang ibang babae at laging na kay Hanalei ang attensyon hangang sa nailabas na si Keil sumunod naman si Roseien.
"Kuya, naniniwala ka ba na anak ni Ama sila Yuna at Lianna?" Napatingin ako kay Kuya Kashmir. May pait ang kanyang mata.
"Hindi ko masabi, Dahil hindi nila ni minsan naging kamukha si Ama, maliban na lang kay Kiel na nakuha ang mga mata ni Ama" paano nga ba kung hindi talaga anak ni Ama ang 2 iyon. Una sa lahat dahil Mananayaw lang si Emperial Concubine Lin noon at may kasintatahan naman si Emperial Concubine Yuna?
"Kamukha ko ba si Ama Kuya?" Si Kuya Kashmir kasi ay nakuha ang itsura ni ama, para silang pinagbiyak na bato.
"Medyo, ngunit mas nahahawig ka kay Ina, Pero nakuha mo ang pulang nunal na iyan kay Ama, dahil ikaw merong pula'ng nunal sa ilalim ng mata, habang si ama naman ay may pulang nunal sa kanyang palad" Ganon ba?
"Wag ka ng mag isip ng kung ano ano Roseien, matulog ka na" Ngumiti lang ako kay Kuya.
"Magandang Gabi Kuya" Tumango siya "Magandang gabi rin. Rosie" Naglakad na siya palayo habang eto ako, nakatanaw pa rin sa bilog na buwan.
(Not Edited)
YOU ARE READING
Suddenly In love with a Stranger (TAGLISH)
Romance"A heavenly favored daughter of Emperor of the East" and "A Over Confident Crown Prince of The West" Meeting and Clashing at each other. I don't own the Photo (Credits to its rightful owner)