SALA
LOUISE , NIKKI at CHLOE
..............................( habang nag uusap yung tatlo nasa background yung bodyguards doing random things. )
CHLOE : Louise bat ka naman biglang naglayas?
NIKKI : Oo nga, ang ganda ganda ng bahay niyo pero mas pinili mo mag stay sa ganito kaliit na apartment.
LOUISE : Mas pipiliin ko mag-stay dito kaysa makasama yung Tatay ko.
NIKKI : Bat ba ang laki ng galit mo sa tatay mo?
LOUISE : Galit ako sa kanya dahil ginawa niya yung SM161117. Tinanggalan niya ng karapatan yung mga tao na pumili kung sino yung mamahalin nila. They made us believe na yung soulmate na ibibigay nila, ay yung taong nakatadhana para saatin.
CHLOE : Pero look on the bright side. Di ka na mahihirapang hanapin yung magiging forever mo. Saka yung ate ko pati yung soulmate niya naging ok naman ang relasyon.
NIKKI : Matututunan mo nalang na mahalin yung soulmate mo. Para naman yan sa ikabubuti ng lahat. Saka sabi nga ng government diba, " we know what's best for you".
LOUISE : alam niyo...na brainwash na kayo ng sistema...
NIKKI : Louise, subukan mo na muna kasi. Reklamo ka nang reklamo di mo pa nga nasusubukan.
CHLOE : Nikki!
NIKKI : Bakit?
CHLOE : alas-dos na! Makikipag meet up pa tayo mamaya sa assigned soulmates natin.
Sige louise iiwan ka muna namin. May date kami mamaya eh.
( aalis yung dalawa at maiiwan sa sala si LOUISE na frustrated.)
LOUISE : Di ko kaya... if others can adjust sa ganitong bagay, ako hindi.
........................
END OF SCENE 3
BINABASA MO ANG
DIKTA NG SANSINUKOB SCRIPT
RandomBy momol productions Hi scriptwriters Kathleen and Sachi