SCENE 8

23 0 0
                                    

OFFICE

LOUISE MORIONDO, MAVERICK MORIONDO.

................

Setting: OFFICE
Characters:LOUISE MORIONDO, MAVERICK MORIONDO.
____________
(Camera focuses sa callendar na nakalagay Dec 27 Friday)
( tapos nakatayo si MAVERICK saka palakad lakad sa office niya )
( pagbukas ng pinto—)
MAVERICK : LOUISE ! ( yayakapin yung anak niya kasi namiss niya ) kamusta ka?
(Mag eend ung hug )
LOUISE : Ok lang dad. Dad gusto sana kita makausap about SM161117.
MAVERICK: ( magiging dull yung face ) Nandito ka ba para i-convince ako na  tanggalin ang SM161117?
LOUISE :( mapapakagat ng labi)
MAVERICK : Anak, (mapapailing )di mo parin ba na rerealize na makakabuti ito sayo?
LOUISE : ( maiinis ) Dad can you please stop ? You always act like alam mo kung ano mas makakabuti para sa ibang tao. Bakit? Have you ever been in their shoes?
Yes, I know you're the smartest person here in Agape kaya ikaw yung naging presidente. Pero anong silbe nyang IQ mo kung wala ka naman nito ( po-point niya puso ng dad niya ).
You're heartless.
Tinanggalan mo kami ng karapatang magmahal!
MAVERICK :( uupo sa upuan niya tas serious face ) Anak,  noong wala pa ang SM161117, 3 years ago, magulo ang Agape. Maraming patayan. Crime of passion kung tawagin dahil ang rason ng mga krimen na iyon ay pagmamahal.
Noong mga panahon na iyon malaking populasyon ng Agape ang may Obsessive disorder. 20 years old palang ako nun, napressure ako na malutas agad ang problema kaya itinayo ko ang SM161117. Maganda ang naging resulta ng SM161117 kaya wala na akong balak na tanggalin ang sistemang iyon.
I am not heartless. I just did what's best para sa bansang to.
LOUISE:( about to cry like ung magkakaroon na ng emotional Breakdown) Pero Dad.... tinanggal mo yung totoong meaning ng love. Love is not obligatory. Nagmamahal ka hindi dahil obligated ka or yun ang pinapagawa ng sistema. Ang pagmamahal hindi dapat pilit, it should come naturally. Ang pagmamahal dapat totoo... hindi yung nagkukunwari ka lang dahil wala ka nang choice.
MAVERICK : LOUISE stop.. you know nothing about love.
LOUISE :(crying )Hindi dad. Mali ka. I know what love is like.
Kasi nakita ko sainyo yun ni Mom. Yung mga lambingan at genuine na ngiti niyo tuwing nakikita niyo ang isa't isa. Kumikinang ang mga mata niyo pag nagkakatitigan kayo.
Tuwing nagkwekwento si Mom tungkol sa love story niyo napapasabi ako ng " sana ako rin" na sana in the future maramdaman ko rin yung kilig na naramdaman ni mommy nung niligawan mo siya. Yung warmth na naramdaman niya tuwing niyayakap mo siya. Yung reassurance na ikaw lang yung mamahalin ng taong mahal mo.
( tatayo si dad )
Nung bata ako araw araw kong hinihiling na sana pag 16 na ako wala na yung SM161117 kasi gusto ko maranasan lahat ng naranasan niyo!
MAVERICK :bakit nagmahal ka na ba?
LOUISE : ang bobo ( frustrated louise is still young si let's say may pagka immature pa. Attitude si girl)
Ang bobo bobo mo Dad!
( lalabas ng office )
MAVERICK : I know.... Thank you for making me realize that...

..............

END OF SCENE 8

Aba aba na raid ang ng putang nagngangalang haha... di ko na nga gagayahin base ni xavier :<

Update : jk ang ganda pala ng layout nya nvm

DIKTA NG SANSINUKOB SCRIPTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon