Brianna's POV
Medyo nagtataka ako sa kinikilos ni celine since yesterday.Laging bukambibig niya ay si clark.Kung tatanga tanga talaga akong magisip baka inisip ko na baka may gusto siya doon sa lalaking iyon.
"Yanna,Are you really mad at Clark?Alam mo bakit hindi ka makipagclose sa kanya.He's nice like what cole's said."Here we go again.
"Hindi pa ako nasisiraan ng bait para ako ang makipagclose sa kanya.Alam nyo naman kung gaano ko siya kahate!"Asar na sagot ko
Masyado talagang mataas ang pride mo.Wala sa sariling anya ni Cole.
"Mataas agad ang pride?Pwede bang hindi lang talaga ako tanga na gusto makipaglapit sa taong iyon na dinaig pa ang hari?"Sarcastic na tanong ko."Wait,bakit hindi ikaw iyong gumawa ng pinagagawa ni celine sakin tutal mukhang gusto mo naman siya?"Balik na tanong ko sa kanya saka ko sila iniwanan.Mukhang walang mangyayare kung ang paguusapan lang namin ay si Clark.
Naglakad ako papunta sa canteen ng makasalubong ko si clark.
Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko.Wait.Anya niya.
"Why?Wag mong sabihing mangaasar ka na naman!"
No!May sasabihin lang talaga ako.Mukhang kinakabahan siya at yun ang pinagtaka ko.
"What?"
Can we meet later?May mahalaga lang talaga akong sasabihin.Promise hindi ito prank.Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.Ano na namang trip nito?
Please Yanna.Iintayin kita sa park mamayang 7pm.Bye.Anya nito saka mabilis na tumakbo palayo sa akin.Bastos din talaga.Hindi pa nga ako sumasagot kung pupunta ba ako o hindi .Bigla na lang akong iniwanan dito?Weird talaga ng lalaking iyon.Ghad!
Naglakad na ako pabalik at sa dinami dami ng babaeng pwede kong makasalubong eto pang bwisit na ito.
Hello Yanna.Nakangiting bati nito sa akin.Kamukha siya ni joker pag ngumingiti siya ng ganon.Hindi na nga kagandahan.Dinaig pa ang clown sa dami ng kolorete sa mukha.
"Hello Cathy."Balik na bati ko saka ko siya nilampasan.Pero hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko iyong usapan nila ng barkada niya about sa relationship niya kay William.
"So kamusta naman kayo ni william?"
"Balita ko nanliligaw na daw siya sayo?"
"Kayo na ba?Sinagot mo na ba?"
"Nako girl nakajackpot ka "
Napairap na lang ako ng marinig ko ang mga katagang iyon.Mukhang sinadya talaga nilang iparinig iyon sa akin kase mas nilakasan pa kase nila iyong mga boses nila.Hindi ko na inintay na sumagot si Cathy.Bagkus mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko papunta sa Canteen.Gutom ako at gusto ko ng kumain kesa sa makinig sa mga walang kwentang sinasabi ng mga tao sa paligid ko.Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa canteen sinalubong na agad ako ng ingay ng mga students na nandto,well wala namang bago.Pihadong may issue na naman kaya ganan sila kaingay.Nakita ko si des na kinakawayan ako kaya nagdiretso na ako sa pwesto nila.
Balita ko kinausap ka daw ni clark kanina?Anya ni mika ng makaupo ako.
"Oo."Tipid kong sagot saka kinuha ang spaghetti ni jas.Mukhang hindi pa naman niya nagagalaw iyon.