Thylaine Eloisa P.O.V
Nagising ako na parang may gumagapang sa paa ko. Bumangon ako para silipin kong ano yun at nakita ko ang isang IPIS! Ba't merong ipis sa kwartong to?
Kinuha ko ang isang unan at tumakbo sa kabilang kwarto, sa kabilang guest room pero pag pasok ko roon ay nagkalat ang mga ipis kaya napasigaw ako sa takot.
Kahit ayokong pumunta roon ay pinuntahan ko parin ang kwartong iyon dahil hating gabi palang at kulang na kulang ang tulog ko.
Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni luxury, iyon nalang ang nag iisang kwartong pwede kong tulugan at puntahan. Kumatok ako ng ilang bese pero walang sumasagot kaya binuksan ko nalang tutal hindi naman naka lock.
Pagpasok ko lumapit agad ako sa kama niya at sobrang dilim talaga ng kwarto niya. Ginising ko siya.
"Lux gising!" Hindi siya gumising pero gumalaw lang siya at maya maya ay sumagot narin. "Hmmm?"
"Pwedeng maki tulog rito? May ipis sa kwarto ko" binigyan niya ako ng space at pumunta roon, nilagyan ko ng unan ang pagitan namin baka pag gising ko ano basta ano.
Ang sakit naman ata ng kama niya, hindi katulad ko na ang lambot pero binalewala ko na iyon at natulog nalang dahil antok na antok talaga ako.
****
Naramdaman ko na parang may gumagapang sa tiyan ko. Wag naman sana ipis pero iba tong gumagapang eh. Nag mulat ako ng mata at tinignan kung ano ang gumagapang.
Pababa pataas ito, kinuha ko iyon at hinampas ng malakas, kamay pala ni lux ang gumagapang sa tiyan ko. Ang manyak niya!
"Ouch!" Nagmulat ito at tinignan ako. "Ang manyak mo! Kahit ayaw kung matulog rito ay natulog parin ako tapos mamanyakin mo lang pala ako?" Inis na sigaw ko sakanya.
"Thylaine? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong niya sakin. Nanlaki talaga ang mata, para siyang tastier haha.
"Edi natutulog, nag paalam ako sayo kagabi na dito ako matutulog dahil may ipis sa kwarto ko" umirap ako sakanya at bigla nalang akong napahiga sa kama. Biglang gumalaw kasi yung inuupuan ko at ngayon lang ako naka ranas na kaya na pala ako ng kama pahigain?
"Hmmm lux?" Napa upo ako ng may marinig akong boses ng babae. Gulat na napatingin ako sa katawan niya, ba't siya naka hubad? At dito rin ba siya natulog? Kasambahay ba yan dito?
"Rowan!" Biglang napa sigaw si lux at tinakpan ng comforter Ang katawan ng babae. Ang hubad na katawan niya, napatakip rin ako sa mata ko ng makitang walang kahit anong suot si luxury.
"Ahh Putangina ba't kayo naka hubad?" Patakbong lumabas ako at pumasok sa kwarto ko. Ba't sila naka hubad? Don't tell me...may milagro silang ginawa?
Naligo agad ako at tamang tama pag labas ko ay nandyan ang isang katulong, si manang elsie.
"Mabuti at gising kana iha, ito pala ang uniporme mo" binigay niya sa akin ang pares ng uniporme kong naka plantsa at malinis na, pinalabhan siguro mi luxury at mabuti naalala niya kundi papatayin ko siya sa pag kikidnnap sakin kagabi.
"Salamat po" ngumiti lang ito at sinabihan akong bumaba na dahil nakahanda na ang breakfast.
Dibale, sa labas nalang ako kakain, hindi parin mawala sa isip ko ang hubad na katawan nilang dalawa. Nakakadiri!
Sinuot ko ang blouse at skirt tapos shoes at kuniha ko ang bag at cellphone ko at lumabas na ng kwarto ko pero bago yun nilock ko muna yung kwarto dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung pinapasok ang kwarto ko.
YOU ARE READING
Broken Pieces
AcţiuneI have felt so many kind of heart breaks, In every relationships have heart break and that's the reason why I hate love. Bakit hindi nalang pwedeng saya nalang ang mararamdaman natin sa tuwing pumapasok tayo sa isang relasyon? Maybe we are too young...