PROLOGUE

15 1 0
                                    

CHOVEL

Maaliwalas ang paligid, napakaganda ng mga halaman sa paligid. Maraming bulaklak at puno sa paligid. May mga nag liliparang paro-paro, iba't-ibang kulay ang meron sila. May dilaw, pula, puti, bughaw, berde at marami pa.

Kung ikukumpara ko 'to sa isang hardin? Para itong Abraham's Blossoms sa sobrang ganda rito. Actually this is not the first time I came here. I Already came here before but as always it's only in my dream. pero kung susuriin para itong totoong-totoo. Pero isa ang pinag tataka ko, bakit sobrang iba ng kasuotan ko sa panaginip kong ito. Yung tipong medyo mataba naman ako sa totoong buhay, ngunit dito napaka payat ko. Kung maaari lamang nga ay sasali ako sa Miss U. Sabagay panaginip nga diba? You can control it because this is your dream. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, I didn't realize may dumapo palang paro-paro sa kamay ko habang nakaupo ako dito sa kubo. Then I looked at the butterfly over my hand, ngunit bago ko pa mahawakan ang paru-paro na dumapo sa aking kamay ay bigla nalamang akong nagising.

Ilang beses na akong naglalakbay dito sa panaginip. Gabi gabi tuwing mahimbing na ang tulog ko pero bakit hanggang ngayon hindi ko alam ang lugar na ito? Saan bang parte ito? Nag e-exist ba ito? Anong lugar ba ito?

"Vel, c'mon gising ka na dyan. 1hour and 30 mins nalang malalate na tayo sa pag pasok." kaya pala ako nagising dahil sa nag i-isa kong kaibigan. Grabe naman kasi kung maka ugoy, akala mo hindi ako tao at salaan na kaylangan ng pwersa para uguyin. She's the only person who knows what I am dreaming, what I see, when I touch people. That's why I hate physical contact.

"Wait Alli, mag uunat na muna ako then may ike-kwento ako sayo dahil nanaginip na naman ako." nagsimula akong tumayo at ginawa ang daily routine—ang pag uunat. Humikab na ako para magising-gising na ang mga diwa sa katawan ko at para mabuhay din ang dugo ko para may enerhiya ako.

"Ano? Yung sa mala Garden na naman ba? Again Vel? Wala na bang bago? Nanaginip ka na naman about doon? Ilang beses mo na ba napapanaginipan yan? 3? 4? 5? Really?" She gave me a bored stare after she said those words. Like as if, she know what I feel. Bakit ganyan siya? It really creeping me out! Bakit ba kasi pabalik balik yon? Kasi lagi ko talaga napapanaginipan ang mala garden na yon. Hindi ko alam kung bakit napapanaginipan ko iyon, e wala naman iyong sense sa buhay ko. Hindi siya totally garden dahil nasa paligid lang ang mga nakakasilaw na bituin, halos nakapikit nalang ako. As in yung star talaga sa langit! Normal ba yon? And now I am starting to doubt myself if I am still normal.

"Oo nga Alli eh." tanging sagot ko lamang sa kanya dahil sa bumabagabag sa buong isipan ko at nag punta na sa banyo para gawin ang aking pagligo. Mumog muna bago toothbrush, maliligo ng malinis at mabilis at mag bibihis na. At habang nag aayos ako sa harap ng salamin tinawag na kami ni Mama.

"Chovel, Alliana, bumaba na kayo rito at mag almusal na para bago kayo pumasok may laman yung mga sikmura ninyo! Bilisan ninyo dyan at wag magbabad masyado sa salimin dahil wala naman kayong mga manliligaw! Masamang pinag aantay ang pagkain!" Sigaw ni mama na ikinangiwi namin parehas ni Alliana. Alam naman namin yon, pinaalala pa talaga. And yes, nasa kwarto ko si Alli. We're sharing the same room. Sa bathroom naman ako nagbibihis at sa labas ako nag aayos kaya hindi ko na siya pinapaalis. Para may kasama narin ako rito sa kwarto ko. And after ko mag ayos bumaba na kami ni Alli sa Kusina para mag agahan.

Humalik muna ako kay mama at papa sa kanilang pisngi para sa Good morning kiss.

"Magandang umaga mga anak, kumain na kayo ni Alliana at bilisan na ninyo para hindi kayo mahuli sa inyong klase." Saad ni papa na parehas naming ikinatango ni Alli.

"Yes po tito." sagot ni Alli at sinenyasan akong abutin ang ulam. Ngiti lamang ang naisagot ko sa aking ama.

Nag patuloy kami sa pag-kain
hanggang ng tahimik lang ang hapag. Walang nagbalak na basagin ang katahimikan. Nag toothbrush na uli ako kasama na si Alli. May toothbrush si Alli sa bahay namin. Parang dito na kasi siya nakatira, dahil sa sobrang tagal at siya lang ang nag iisa kong kaibigan. Ulila na siyang lubos. Ang kanyang ama ay namatay dahil sa malubhang sakit habang ang kanyang ina ay iniwan siya sa kanyang lola. Nakilala ko siya noong 4th year ako at lagi na kaming magkasama, noong namatay lang ang kanyang lola ay sa amin na siya tumutuloy. Pumayag naman sila mama dahil masipag din naman si Alli at mabait. Naging parte na siya ng aming pamilya at parang kapatid ko na siya kung ituring. Bukas na bukas ang pinto namin sa kanya.

Hyperthymesia LoveWhere stories live. Discover now