II. ALWAYS AT THE CLINIC?

10 0 0
                                    

CHOVEL

Clear Lights, white ceiling, white curtains, color white everywhere. Why I always end up in our school clinic? Wala ba akong matinong araw? Bakit lagi akong nandito? Parang clinic na nga ang pangatlong bahay ko dahil labas pasok nalang ako dito. Paulit-ulit na lang.

"Vel! Gising ka na! OMG! papatayin mo ko sa kaba, alam mo ba?! Ba't ba laging dito ka nalang napapatapon? Ikadena na kaya kita dito? Wala na bang bago sayo?!" Sigaw ni Alli na nag pabalik sa sarili ko mula sa pagkakatulala. Bakas ang pinaghalong kaba at pag aalala sa kanyang mukha. Tinignan ko lang siya at hindi pinansin.

Yung nakita ko kanina... Para saan iyon? Ano na naman ba ito? Para san ba talaga lahat ng nakikita ko? Hindi na kasi ako komportable, hindi ako masanay-sanay sa mga ganitong pangyayari.

"I am now fine, Alli. Don't worry too much about me, I can handle myself. Okay?" sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Okay na naman talaga ako at wala naman nang masakit sa aking katawan, actually kaya ko na ngang gumawa ng mga Physical Activities pero ang ekspresyon sa mukha ni Alliana ay hindi parin kumbinsido.

Tumitig ako pabalik sa kanya to assure her that I'm really fine. Nung una ay ayaw niya pang bumitaw sa pagkakatitig pero kalaunan ay bumuntong siya ng hininga at pinutol ang titigan namin.

"Fine! As what you said, pero masama ba mag alala?" Kumalma rin si Alli. Salamat naman. Ngumiti ako sa kanya at hinila ang kamay kamay niya.

"Salamat Alli sa concern mo, I really appreciate it. Pati na rin sa pag-dala mo sakin dito sa clinic. Sumakit ba yung katawan mo sa pag-buhat sakin?" tanong ko at nag iwas ng tingin at bahagya pang natawa. Nag iinit ang aking pisngi sa hiya. This is embarrassing, oh my. I can't imagine Alli embracing me with her both hands while walking in our hallway! Argh!

"Huh? Hindi ako ang nag buhat sayo papunta dito Vel. Tinawagan lang ako ng school nurse." nagtatakang sagot niya sakin na nagpakunot ng aking noo at nagpawala ng saya sa aking mukha.

Wait, what? Kung hindi si Alli ang nag buhat sa akin edi sino?

Bigla akong kinabahan sa di malaman na dahilan. Ipinag-sawalang bahala ko ang aking nararamdaman at ngumiti kay Alli ng tipid.

"Kung hindi ikaw ang nag dala sakin dito... S-sino ang nag buhat sa akin?" I asked her with a fearful look. My voice is already shaking, pero pinilit kong kumalma. I don't want to freak out infront of Alliana.

"Si—Good to see you fine, miss Santiago. Are you okay now?" napatigil si Alli sa pagsasalita dahil sa biglang pumasok na lalaki. Ng tignan ko ito ay nakita ko si kuya George? Kuya George? Bakit nandito si kuya George? Nakangiti ito sa akin at halos ibandera na ang kanyang kumpleto at mapuputing ngipin.

Kuya George is one of our school varsity player. Actually college na yan at mas matanda sa akin ng 3 years kaya kuya ang tawag ko. Sa NAC siya nag graduate kaya nakapagtatakang nandito siya. Kinuha ba siya ng school na to para sa varsity? Kasi he's so amazing and dazzling when he's playing basketball! He's height is 6'9! He is super talI!

I really didn't expect that he will come here just to greet and ask me if I'm already okay because we're not that close enough to chitchats with each others.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hyperthymesia LoveWhere stories live. Discover now