CHOVEL
Dahil sa laki ng damage na nangyari sa North Aptitude Academy ay kailangan namin lumipat ng paaralan. Malaki ang nasira ng pagsabog at mukhang mahihirapan pa iyong ibalik agad. It will almost take a year, I guess?
Until now, palaisipan parin sa akin kung paano ako nakaligtas sa pagsabog. It's like a code that I need to decode and decipher. I don't know. Even Alli has no idea about it. Sabi niya ng makaalis lahat ng estudyante sa Academy ay ilang minuto niya pa akong hinanap bago ang pagsabog then a nurse suddenly called her and said I am in a Hospital kaya nagmadali siyang pumunta at hanapin ako. Creepy and wierd, right? Pero ang importante ay mahalaga. I am safe now.
Sayang nga at hindi ko man lang nakita ang tumulong sa akin. Sinabi din kasi ng nurse na tumanggi itong ilagay ang pangalan sa log book ng Hospital kaya maging siya ay wala rin alam pero lalaki daw. Gusto ko sanang pasalamatan siya kaso I don't have any idea where to find him.
Walang nag bago sakin. Lagi parin
naka-yuko at takot tumingin, makipag-usap o dumikit sa iba. Hindi na nawala yung trust issues ko dahil lang sa isang kakayahan na meron ako na hindi ko alam kung para saan. May purpose ba ito? Kung meron, edi ano?"Huy, Vel nakikinig kaba?" Tanong ni Alli sakin na nag pabalik sa diwa ko na may kasama pang pag alog. Ano ba naman yan, mahilig niya akong alugin hindi naman ako salaan.
"Ah, o-oo... Oo naman, nakikinig ako." Palusot ko at bahagyang ngumiti pero pinanliitan niya lang ako ng mata, tila hindi kumbinsido sa aking sinasabi.
"Weh? Talaga?" may pagdududa sa boses na iyon kaya nag iwas ako ng tingin. "If you're really listening, what did I ask then?" Pahabol niya pang tanong sa akin, nanghahamon ang tono. Napalunok ako dahil wala naman talaga akong alam. Lutang ako dahil sa mga naglalaro na naman sa aking isipan.
"Kasi... Ano... Ahh" sabi ko ng kabado at nag iisip ng mas better na dahilan kaso tinaasan lang ako ng kilay. Wala akong ibang nagawa kung hindi bumuntong hininga nalang. Hindi talaga ako makakalusot kay Alli. Kilala ko siya, pag curious siya sa isang bagay at pag malakas ang kutob niya ay ipipilit niya talaga kaya hindi na ako makakalusot dito. Talo na, Surrender na ako.
"Nevermind, let's go. Pumasok na tayo." sinabi ni Alli bago ako hinila papasok ng school. Sa McArthur Napoleon Academy-MNA kami nag transfere dahil iyon ang natatanging school ang malapit, we're not that rich.
Habang naglalakad kami sa malawak at naluwag na hallway ay hindi ko maiwasang mapakapit ng mahigpit kay Alli dahil sa takot. Ang daming mata ang nakasunod sa amin na animo'y mukha silang mga ginto na nahahaluan namin na tanso. Hanggang sa mahanap namin ang aming classroom ay mas tumindi lang ang aking hiya, kaba at takot. Lalo na at kailangan pa namin na magpakilala dahil transferees kami.
Focus Chovel, Focus. Wag mo muna pansinin ang mga isipin na bumabagabag sa utak mo na hindi naman dapat na mag stay dyan. Kailangan mong ituon ang atensyon mo sa klase at hindi sa iba. Kailangan mong mag pokus. Sana nga ganon nalang kadali iyon. Lalo na kung hindi ka pinapatahimik ng mga naglalaro na kung ano sa isipan mo at kailangan mo ng piece of mind .
Pag pasok namin ni Alli sa classroom ay maraming mata agad ang sumalubong sa amin. Ang kaninang maingay na classroom ay ngayon tahimik na dahil pumasok kami. Tinignan kila kaming parang ngayon lang nila kami nagkita at nagtataka sila na nandito kami.
Huminto kami ni Alliana sa may pintuan dahil sa tatlong babaeng paplapit at nakataas ang kilay. Yumuko ako at mas humigpit ang hawak sa braso ni Alli.
"Wag kang mahiya o matakot. Let me handle this, Vel. Mukhang may bully pa ata na umaastang palakang reyna." bulong niya sa akin na ikinatango ko. Si Alliana yung tipong mahinhin, mabait, masipag pero iba din kung magalit. Sabi niya nga sa akin nangangain siya ng mga taong nangangamoy bulok na ang utak.
YOU ARE READING
Hyperthymesia Love
Fiksi PenggemarIsang babae ang nag nga-ngalang Chovel Santiago, hindi n'ya maintindihan ang mga nangyayari sa kanya. Madalas sa kaniyang panaginip ay makaka kita siya ng mga pangyayari na hindi niya alam, at kung minsan kahit gising siya ay may nakikita siyang iba...