Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa habang naglalakad siya palapit dito at huminto ng ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha nito sabay haplos sa may dibdib nito. Naestatwa ito sa pagkagulat sa ginawa niya at pagtingin niya sa mga pinsan niya, pare-parehong nakanganga ang mga ito, maging ang mga nag-iingay at naglalaro sa court ay natigilan sa ginawa niya. Napangiti siya sabay dahan-dahang inilalapit ang mukha niya sa mukha ni Aleister na namutla, napasinghap naman ang mga tao sa loob dahil sa ginagawa niya.
Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya para gawin ang ganoon kay Aleister pero pagtingin niya sa mukha nitong nalilito at namumutla hindi na niya napigilan ang sarili at napabunghalit ng malakas.
Tinignan niya si Aleister na namumula at nananingkit ang mga mata. “Asa ka pa pangit! Inisip mo talaga na hahalikan kita?” sabi niyang nakaupo na sa kakatawa habang hawak-hawak pa ang tiyan niya. Naluluha na siya sa kakatawa ng biglang may humaklit sa braso niya.
Nagulat siya kaya nawalan siya ng balanse. Pero buti na lang mabilis ang taong may hawak sa kanya, kaya nahawakan nito ang bewang niya bago pa siya mapahiga sa court. Pero laking gulat niya ng pag-angat niya ng tingin ay mukha ni Aleister ang nakita niya at titig na titig ito sa kanya. Gawd! Ayaw na niyang huminga, feeling niya pag-hihinga siya maglalapat na ang mga labi nila sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya at para siyang kakapusin ng hininga sa ginagawang pagtitig ni Aleister sa kanya habang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kaniya. Oh my gas! What I am going to do? Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero unti-unting pumikit ang kanyang mga mata at hinintay ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Kanina pa siya nakapikit pero hindi niya maramdaman ang labi nito kaya iminulat niya ang mga mata at nabungaran niya ang nakangising mukha ni Aleister. Shit!Shit! Ano bang nangyayari sa’yo Pepper?
Bigla niya itong itinulak at iiwan sana pero hinila ulit nito ang braso niya. “Sino sa atin ngayon ang umasang hahalikan nino Pepper?” Sabi nito ng nakangisi.
Inilibot niya ang tingin sa loob ng court at nakita niya ang mga babaeng may gusto kay Aleister ng nakangisi at mapang-uyam na nakatingin sa kanya. Pagbaling naman niya sa mga pinsan niya, nakamata lang ang mga ito sa kanya pati ang mga tao doon.
Hindi niya matagalan ang tingin ng mga ito kaya nagtatatakbo siyang umalis doon. Isinusumpa niya, gaganti siya kay Alesiter habang pinupunasan ang mga luha.
Umiiyak siyang pumasok sa bahay nila ng makasalubong niya sa may hagdan si Piattos. Nakakunot noong tumingin ito sa kanya sabay harang sa dinaraan niya.
“Umiyak ka ba Pepper?”
“Ay, hindi! Bigla na lang umagos ang tubig sa mata ko kaya ganyan,” nakasimangot na sabi niya.
Natawa ito sa kanya at inakbayan siya. “Halika puntahan natin si Pretzel at isangguni natin ang problema mo. Para magising na ‘yon! Jusko! alas-tres na ng hapon pero nakahilata pa rin sa kama.”
“Pretzel! Pretzel! Gumising kana kung hindi isusumbong ka namin kina mommy.” Sabi ni Piattos na nagpabangon agad kay Pretzel sa kama.
“Ha? Kaya mo talagang gawin sa akin ‘yon Piattos? Bumaling ito sa kaniya, ikaw Pepper isusumbong niyo talaga ako? Akala ko ba triplets tayo?” sabi ni Pretzel na nagdrama na naman.
“Triplets nga tayo. Sino bang nagsabing hindi? At tigilan mo nga kami sa drama mo Pretzel, kung kina mommy at sa ibang tao gumagana ‘yang mga ganyan mo ibahin mo kami. Alam na namin ‘yang mga style mong bulok.” nakakunot noong sabi ni Pepper.
Napatunganga sina Pretzel at Piattos.” Oh, dear! What happen sister? Bad mood ka ata? anong problema at ganyan kasama ang timpla ng mukha mo?” bawi agad ni Pretzel.
Bad mood talaga ako ngayon at sinimulang ikwento ang nangyari kanina sa court ng village. At ang inaasahan niyang reaksiyon ng mga itong magagalit at mag-wawala dahil sa ginawa ng “pangit na gorilyang” ‘yon sa kaniya ay taliwas sa reaksiyon ng mga itong tumatawa ng malakas.
“Anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” masama ang tingin na tanong niya.
“Chill lang sister!” sabii ni Piattos. “ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan eh. Bakit mo ba kasi ginawa ang ganon? nakakalokong sabi nito.
Hindi siya nakasagot sa tanong ni Piattos kasi pati sa sarili niya hindi rin niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Kaya nakatingin lang siya rito. Hanggang sa nagsalita si Pretzel.
“Never heard of the word “karma’ dear?” amused na sabi ni Pretzel.
Tinignan niya ito ng masama na ikinatawa lang nito ng malakas. “Kapatid ko ba talaga kayo?” patanong na sabi niya sa sarili na narinig ni Pretzel.
“Hindi ba halata?” pilosopong ganti nito.
Napabuntong-hininga na lang siya. At pumunta sa may terrace ng kwarto ni Pretzel. Sinundan pala siya ng dalawa at inakbayan.
“Anong balak mo ngayon? Tanong ni Piattos.
“Ano pa eh di gaganti. Humanda ang gorilyang ‘yon sa akin. Mata lang niya ang walang ganti.” Sabi niya ng tumatawa.
“Baka ang ibig mong sabihin diyan sis eh, mata lang niya ang walang latay? Siyaka huwag ka ngang tumawa ng ganyan. You sound like a bad witch.” Nakasimangot na sita sa kanya ni Pretzel.
“Walang basagan ng trip.”
“Basta mag-ingat ka lang Pepper. Baka bumalik sa’yo ‘yang mga gagawin mo.” Babala ni Piattos.
Binalingan niya ang mga ito at sabay na niyakap. “I know whati’m doing sis, don’t worry! Maitatayo ko na rin ang bandila kong winasak ng gorilyang ‘yon. Hahaha!”
Sabay na nagkatinginan sina Piattos at Pretze at ngumiti ng sabay.
BINABASA MO ANG
Si Ms. Tomboy at Mr. Playboy
Teen FictionPosible nga bang mahalin mo ang taong kinaiinisan mo? This sounds so cliche pero ito ang nangyari sa kanila ng taong akala niya ay hindi niya mamahalin kahit siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo.
