Chapter 3

2 0 0
                                    

Nakangiting inilibot ni Pepper ang tingin sa loob ng campus. First day of school at sa wakas 4th year college na sila ni Pretzel. Nakakamiss din ang panenermon ng mga professor at pagra rush niya ng mga requirements sa school.
Psychology ang course niya, habang si Pretzel naman ay Journalism. At graduating na rin si Piattos sa Medicine dahil genius ito, ilang beses itong na-accelerate noong elementary at highschool nila. Ang bilis talaga ng panahon, parang kalian lang noong mga maliit pa silang tatlo noon at laging nagtatalo dahil magkakaiba sila ng hilig. Napangiti siya, pero bigla rin siyang napakunot-noo ng mapansing nagkalat ang mga hawak niyang libro. May bumangga sa kaniya! And hudas he think he is para banggain ako? Nakakunot-noong binalingan niya ang nakabangga sa kaniya at ang nakangiting mukha ng taong isinusumpa niya ang nakita niya.
“Bakit mo ako binunggo ha?” asik niya.
“Hindi ka mabubunggo kung tumitingin ka sa dinadaanan mo.” Balik nito sa kaniya.
At talagang pinapainit nito ang ulo niya, first day na first day pa naman ng school ngayon. “Pakialam mo ba kung hindi ako tumitingin sa daan? Pag-aari mo ba ‘tong daanan ha?” nakataas noong asik niya ditto.
“Paki-alam ko? Ako lang naman ang nabangga mo! Pero may gana ka pa talagang magalit? Kung humingi ka na lang sana ng sorry di tapos ang usapan.”
“In your dreams na hihingi ako ng sorry sa’yo!” sigaw niya dito. “at pwede ba! Tumabi ka sa daraanan ko. Tsupi!” nilingon ang mga kasama nito at inirapan sabay alis ng bumubulong-bulong.

“Ibang klase talaga ang babaeng ‘yon! Parang tigre sa katarayan.” Saad ni Robi habang naglalakad sila papunta sa first class nila.
“Sinabi mo pa pare. Hindi ko nga alam kung saan ‘yon pinaglihi ni tita Nova eh ang bait-bait ng magulang pati ng mga kapatid, pero siya hindi ko alam kung kanino ‘yon nagmana.” Sabi niyang umiiling-iling pa.
Tinignan siya ng mataman ni Nate na huminto pa talaga sa paglalakad. “bakit ganyan ka makatingin bro? huwag mong sabihing ako na ang type mo? Sorry bro pero kahit kaibigan kita hindi kita papatulan.” Sabi niya ng nakangisi at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
“Ulol!” sabi nito. “pero seriously bro, bakit ang init ng dugo niyo sa isa’t-isa ni Pepper?”
“yeah! Sabad naman ni robi. “And don’t forget that she’s beautiful and Hot. Kahit maluluwang na damit ang suot niya.” Dagdag ni Robi.
Napahinto siya sa pagalalakad at binalingan ang mga ito habang naniningkit ang kanyang mga mata. “Come again? what did you just say? Back-off bro.” sabi niya while gritting his teeth.
Huminto rin ang mga ito at pareho ng nakangiti. Itinaas pa ng mga ito ang mga kamay. “For acquiring the enemy of Pepper, you’re quite possessive of her bro”. Tumatawang sabi ni Nate.
“And don’t forget to add nate, that he doesn’t want anyone to praise “her lovenemy”. Dagdag na buska ni Robi.
Nag high five pa ang mga ito habang tumatawa at ipanagpatuloiy na ang paglalakad. Habang siya ay natigilan. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniya kanina pero biglang uminit ang ulo niya ng sinabi ni Robi na hot si Pepper. Iniisip pa lang niyang ganoon na ang tingin ng mga ibang lalaki, nag-didilim na ang paningin niya. Naputol lang ang pag-iisip niya ng marinig ang sigaw nina Nate at Robi.

Asar talaga! Bubulong-bulong na nagpatuloy sa paglalakad si Pepper ng mabangga na naman siya. At dahil mainit ang ulo niya, hindi niya mapigilan ang magtaas ng boses.
“Hindi ka ba tumitingin sa daan ha?” sigaw niya habang pinupulot ang mga libro niya.
“Sorry miss. Nagmamadali kasi ako at hindi kita napansin.” Sabi nito habang tinutulungan siya sa pagpulot ng mga libro niya.
“Next time, kahit nagmamadali ka ‘pansinin’ mo na kung may makakasalubong ka o wala. Kasi baka hindi mo alam may naaabala ka.” Mainit pa rin ang ulong sermon niya habang inaayos ang mga librong hawak na niya. Alam niyang sobra na ang panenermon nia sa lalaki pero hindi niya mapigilan ang bunganga niya. Talagang Bad trip na siya. Hihingi na sana siya ng sorry ng magsalita na naman ito.
“Miss, sorry na talaga! Sige, para makabawi ako sa’yo ililibre na lang kita sa canteen?” malumanay na sabi nito.
Ngayon lang niya napansin na ang ganda pala ng boses nito pasok para maging Deejay sa radyo at hindi lang pala ang boses nito ang maganda pati ang mukha nito ‘magandang-maganda’.  Hindi tuloy niya napigilan ang pag-arangkada ng bibig niya.
“wow dude!ang ganda ng mukha mo! Daig mo pa ako sa kagandahan.” Humahangang saad niya na nakapagpatawa dito.
Pati tawa nito ang gandang pakinggan. Gawd! May lalaki pa palang nag-eexist na ganito.Nakangangang nakamata na lang siya dito ng bigla nitong hawakan ang baba niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. “You know what? I like you already. Can we go out?” sabi nito ng nakangiti.
Nakaka-akit ang ngiti nito kaya napangiti na rin tuloy siya. “Sure! Where to?” Pero bago sila pumuntang canteen hinila niya ang braso nito, “teka lang dude, gusto ko lang klaruhin sa’yo na kahit mas maganda ka pa sa akin at maganda ang boses mo, at naakit ako sa ngiti mo, hindi tayo talo. Intiendes?” nakataas ang kilay na saad niya.
Ginulo lang nito ang buhok niya saka siya hinila papuntang canteen. Nasa canteen na sila at kumakain ng hindi niya mapigilan ang magtanong, “transferee ka ba? Anong course mo? Ngayon lang kita nakita dito eh.” Sabi niya habang punong-puno ang bibig niya ng pagkain.
Natawa ito at sa pagkagulat niya hinawakan nito ang gilid ng labi niya. “makalat ka palang kumain.” Simpleng sabi lang nito.
“Yup, transferee ako at nasa 5th year na ako ng Engineering.” Sabi nitong nakangiti.
“Bakit ka nagtransfer? Ay wait! Bago ko makalimutan, ano palang pangalan mo?”
Tumawa na naman ito. Kanina pa niya napapansin na palatawa ito. “Akala ko hindi mo na tatanungin eh. I’m Sprite Sandoval.” Sabi nito sabay abot ng kamay.
“Nice to meet you Sprite. I’m Pepper Dela Cueva.” Sabay abot ng kamay nito. “Are you related in anyway related to our school President?” tanong niya habang ipinagpatuloy ang pagkain.
Tinitigan siya nito. “what?” tanong niya.
Umiling lang ito. “Yes! I’m his son.” Simpleng sabi nito.
Mulagat siyang napatingin dito. “You’re his son? How come?” bulong niya sa sarili, pero narinig pala nito.
“for the second time, Yes I’m his son. How come? Tumawa ito. Kasi ginawa nila ako ni mommy. Do you want me to demonstrate with you how they made me?” Sabi nito sabay kindat sa kanya.
“Funny!” sabi na lang niya. “Well it’s an honor for me to meet personally the son of our school president.” Sabi niya na nakangisi.
Tumawa naman ito. “you’re cute! Can we be friends?” tanong nito.
“sure!’ mabilis naman niyang sabi.
“Are you single?” simpleng tanong nito.
“Ay, hindi!dobol ako, nakikita mo?” pilosopong sabi niya. Pero tumango din siya pagkaraan.
“whoa! If that’s the case, do you know the guy near the door? Kanina pa kasi masama ang tingin sa atin eh.” Sabi nito na nakapagpakunot ng noo niya.
Tinignan naman iya ang itinuro nito at mas lalong kumunot ang noo niya ng makitang masama ang tingin sa kanila ni Aleister. Anong problema nito? “Hindi! Hindi ko kilala ang pangit na ‘yan. Huwang mo na lang siyang pansinin. Ganyan talaga ‘yan papansin.” Nakasimangot na sabi niya. Tumawa na naman ito.
Kanina pa masama ang tingin ni Aleister sa table nina Pepper at sa lalaking kasama nito. Hindi pumasok ang Professor nila sa first subject nila kaya sa canteen sila pumunta nina Robi at Nate pero biglang dumilim ang panignin niya sa dinatnan nila. Nagtatawanan at malagkit ang tinginan nina Pepper at ng lalaking kasama nito. Simpleng siniko niya si Nate at tinanong ito kung kilala nito ang lalaking kasama ni Pepper.
Tinignan nito ang lalaking itinuro niya at umiling. Sinundan din pala ni Robi ang tinitignan nila ni Nate. “I know him. He’s the youngest son of our School President Sprite Sandoval. Ang alam ko transferee siya from other school nakick-out daw ayon sa chismis.”
“How did you know?” tanong ni Nate.
“Narinig ko sa kapatid kong chismosa.” Simpleng sabi nito.
Napatayo siya ng tuwid ng biglang tumingin sa kanila ang dalawang pinag-uusapan nila. Pero mas lalong sumama ang timpla niya ng simangutan siya ni Pepper at may sinabi ito sa kasama nito na ikintawa ng lalaking ‘yon. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya lumapit siya sa table ng mga ito, hindi pinansin ang pagpigil ng mga kasama niya.
“Hey! Sabi niya sa mga ito at biglang umupo sa tabi ni Pepper sabay akbay dito at tinignan ng masama ang kasama nito. Napangiti siya ng mapansing nagulat pareho ang dalawa sa ginawa niya.
Bumulong siya kay Pepper “why don’t you introduce me to your new best bud babe?”
Nagulat na bumaling si Pepper sa kanya at nakanganga pa talaga ito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling hipan ang nakabukang bunganga nito. At laking gulat niya ng bigla itong magblush at tumingin sa kanya ng nalilito.
“You’re really beautiful babe!”sabi niya sabay halik sa noo nito na nagpasinghap sa mga tao.
Hindi alam ni Pepper kung paano magrreact sa mga ginawa ni Aleister sa kanya. Pero katulad noong magkalapit ang mga katawan nila. Biglang kumabog ang dibdib niya at bigla rin siyang pinangapusan ng hininga. Sana lang hindi nito marinig ang lakas ng tibok ng dibdib niya. Pakiramdam niya hinahabol siya ng mga kabayo. At ng bumulong at hipan nito ang mga labi niya. Gawd! Nanayo talaga ang balahibo niya at bigla ring uminit ang pakiramdam niya! Ano ba ‘tong ginagawa ng lalaking ito sa kanya? At mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito kaya hindi niya napigilan ang pamulahaan at para pagtakpan ang reaksiyon ng katawan niya. Bigla niya itong sinapak sa mukha.
“Hoy gorilya! Anong akala mo sa akin? babaeng patay na patay sa’yo?  Na makukuha mo sa mga ‘da moves’ mo? Itatak mo ‘to sa kukote mo! Hindi ako magkakagusto sa’yo at huwag na huwag mo na akong hahawakan.” Sabi niya sabay talikod paalis sa canteen.
“Pepper, wait!” sabi ni Sprite na hinabol pala siya pero hindi niya ito pinansin tuloy-tuloy parin siya sa paglakad. Litong-lito kung bakit ganoon ang reaksiyon ng katawan niya sa mga ginawa ni Aleister. At sa mga sinabi niya kanina dito, pakiramdam niya sa sarili niya sinasabi kanina iyon at hindi dito. Holy crap! Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Kaya nagulat siya ng bigla siyang hablutin ni Sprite.
“Hey! Are you alright?” tanong nito.
Tinignan niya lang ito at tumango. Sabay talikod at ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala siyang ganang pumasok ngayon kaya uuwi na lang siya total first day of school naman. Pero nagulat na naman siya ng hablutin ni Sprite ang braso niya.
“Ano ba Sprite! Gusto mo ba akong mabalian ng buto sa kakahablot mo?” pasigaw na sabi niya.
“Of course not! It’s just that…you don’t look okey to me.” Mabilis na explain nito. “You said earlier that you don’t know the guy, but he acts like he’s you boyfriend. Actually a ‘very jealous boyfriend’. “ sabi nitong tumatawa.
“What?kanino mo naman nakuha yang mga sinasabi mo? Anong selos? Nagseslos ba ‘yon eh ang sama ng tingin?” nakasimangot na sabi niya habang patuloy sa paglalakad.
Umagapay naman ito sa kanya.  “Oo nga masama ang tingin sa akin. Akala ko nga kanina babalatan na niya ako ng buhay noong lumapit siya sa table natin. And I can tell just by looking at his face, he’s really mad.” Saeryosong sabi nito.
Nakatulalang tumingin lang siya rito. Si Aleister magseselos? BAKIT? Mangtrip pwede pa pero ang magselos? Hindi kapani-paniwala. “Okey.sabi mo eh.” Sabi na lang niya para matapos na ang usapan. Pero sa loob-loob niya hindi niya alam pero natuwa siya sa mga sinabi ni Sprite.

“What the hell?” Mura ni Aleister habang hawak ang panga niya na sinuntok ni Pepper kasama niya sina Nate at Robi at ang iba pa niyang ka-team.Hahabulin sana niya si Pepper kanina pero pinigilan siya ni Nate at Robi. Nasa gym sila ngayon para magpractice. Siya ang Captain ng basketball team nilang the Archers.
“Kalma ka lang kasi bro.” sabi ni Nate sa kanya.
“Ano ba kasing nangyari?” curious na tanong nina Axel at Vrix.
“Pangit ba ako bro?” tanong niya na nagpatigil sa mga ginagawa ng mga ito.
“What the hell?” Gaya ni Damon sa sinabi niya kanina. “Ano bang pinagsasabi mo dude?” gulat na tanong nito sa kanya.
Tinapik naman siya sa balikat ni Alden. “Kung pangit ka sa tingin hahabul-habulin ka ng mga chikababes dito sa loob at labas ng campus dude?”
“At hindi dahil sinabihan ka ng pangit ni Pepper, bro, Pangit ka na talaga.” Sabi naman ni Robi na nagpamulagat sa mga kasamahan niya.
“Pepper? As in Pepper Dela Cueva?” chorus na tanong ng mga ito.
“Yep! No other than ‘his lovenemy’.” Sabi ni Nate.
“Bro, sabi nga ng kanta ni Daniel Padilla na sa’yo na ang lahat; pera, mukha, ugali, titulo at talino. Kaya ano pa ang hahanapin ni Pepper sa iba na wala sa’yo?” amused na sabi ni Axel sa kanya.
“Ano bang nangyari at bigla-bigla na lang na ganyan ang taong mo? Di ba galit ka kay Pepper dahil sa ginawa niya sa’yo dati kaya bakit ngayon iba na ang ihip ng hangin?” confused naman na tanong ni Vrix.
“Kasi may mucho gwapito kanina na kasama si Pepper at na-insecure ata ‘tong kapitan natin.” Nakangiting sabi ni Robi.
Tahimik lang siya. Hinayaan niyang magdiskusyon ang mga ito. Wala rin siyang gana na mag-practice. Hindi niya alam pero bigla nga siyang na-insecure sa kasamang lalaki ni Pepper kanina.

Si Ms. Tomboy at Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon