Abala sa panonood ng basketball si Pepper ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin kung sino ang mga biglaan na lang pumasok sa kanyang kwarto ng walang paalam.
“Pepper Insan!sabi ni Zach na lumapit sa tabi niya sabay pulupot ng kamay nito sa may leeg niya. Habang patakbo namang lumapit si Isaiah sabay lundag sa kama niya.”
“Anong kailangan niyo?” ang aga-aga ginugulo niyo ang pananahimik ko?” Bagot na sabi niya.
“ ‘yan nga rin ang sinabi ko sa mga damuhong ‘yan eh!” sabi ni Pocholo na nakakunot-noo.
“Wala kasing magawang matino ang mga ‘yan kaya nag-aaya ng kalokohan.” Segunda naman ni Apolo na todo ang pagkakakunot ng noo.
“Oh! Chill lang kayo mga insan. Inaaya ko lang kayo na lumabas sa mga lungga niyo.” Sabi naman ni Isaiah.
“Sayang ang lahi natin kung lagi na lang kayong magkukulong dito sa mga silid niyo. Buti sana kung may mga chicks kayong kasama dito sa loob para magkulong a—".
Hindi na natapos ni Zach ang sasabihin ng binato niya ito ng unan. “Ungas ka talaga Zach! Anong kalokohan na naman ‘yang pumasok sa kukote mo? Gusto mo yatang putulin ko na ‘yang dila mo ah? Sabi niya habang nakataas ang kilay.
“Ang ibig sabihin ni Zach, After nating magsunog ng kilay sa Finals natin last week,kailangan din nating magrelax tutal summerbreak na natin. Ang daming Chikababes sa labas na super hot! Kaya tara na!” segunda ni Isaiah.
“Isa ka pa eh! Magkapareho talaga ang likaw ng bituka niyo ni Zach. Pareho kayong mahilig.”
“Naman insan! Alangan namang sayangin namin ang biyaya ng Diyos sa amin. Magwawala ang mga kababihan kapag hindi namin sila papansinin.” Sabi ni Zach ng nakangisi.
Hinampas niya ito ng unan sabay tingin kina Pocholo at Apolo na parehong tahimik na nakasandal sa may pintuan ng kwarto niya. “Bakit ang tahimik niyo?”
Tumingin lang sa kanya si Pocholo sabay kibit ng balikat, habang tinitigan lang siya ni Apolo.
“Anong problema ng dalawang ‘yan?” Baling niya kina Zach at Isaiah na nilalantakan na ang kinakain niyang junkfood kanina.
“Ewan ko sa mga ‘yan.Pagpunta namin kanina sa kanila, pareho ng tahimik ang mga ‘yan. At ng tinanong namin si tita Preciosa---lumapit si Zach sa kanya at bumulong--- sabi niya nag-away daw sila dahil sa babae. Sabay ngisi.
“Ano ‘yang binubulong mo Zach?” nakakunot-noong tanong ni Apolo.
“Huwag kung ano-ano ang sinasabi mo kay Pepper, Zach. Malilintikan ka talaga sa akin.” Sabi naman ni Pocholo sa seryosong tinig.
Bumaling siya sa mga ito. So, magkakaroon na ng lovelife ang mga pinsan niyang ipinaglihi ata sa yelo sa kaseryosohan at kalamigan. Marunong din naman palang magmahal ang mga ito. Hindi niya namalayang nakangisi na pala siya habang tinititigan ang mga ito.
“Kung ano man ‘yang naglalaro sa isipan mo Pepper tigilan mo na.” nakakunot-noong sabi ni Pocholo sa kanya.
Tinitigan lang niya ito at natawa siya ng bigla itong mag-iwas ng tingin. “Hay! Tara na nga. Lumabas na tayo bago pa ako mapatay sa tingin ng iba dito.” Parunggit niya pero nakangiti naman.
Bago sila umalis para pumunta sa may Court ng Village nila pinuntahan muna niya sina Pretzel at Piattos. Pihado tulog pa si Pretzel kasi madaling araw na naman ito nakarating dahil sa gimik, maging si Piattos puyat pero hindi katulad ni Pretzel. Puyat si Piattos dahil sa pagbabasa ng kung ano-anong libro nito.
“Oy, kambal! Alis muna ako.pasigaw na sabi niya. Umalis sina Mommy at Daddy baka hapon na ako makabalik.”
Habang nagkukulitan silang magpipinsan papunta ng Basket ball Court. Naririnig na nila ang ingay na galing doon. “Ano kayang meron at parang nagkakagulo sa court?” tanong ni Apolo.
“Aba! malay namin, alam mo na ngang magkakasama tayo ngayon. Sa amin ka pa nagtanong.” Pilosopong sabi ni Zach na nakatanggap ng batok kay Apolo.
“Sumagot ka pa kasi.” Sabi naman ni Isaiah ng nakangisi.
“Bilisan na lang natin para malaman natin kung anong nangyayari doon at parang magugunaw na ang mundo kung makasigaw ang mga tao roon”. Sabi naman ni Pocholo.
Tumango na lang siya at patakbo silang pumunta sa may court ng village nila. At ganoon na lang ang pagkakakunot ng noo niya ng malaman kung bakit ganoon na lang makasigaw ang mga “babae” sa village nila. As usual, nandoon kasi ang pabidang lalaki na sagad hanggang langit ang kayabangan.And speaking of the devil, here he comes.
“Uy mga pare! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa nagsimula ang laro. Sabi ni Aleister palapit sa kanila habang pinupunasan nito ang pawisan nitong mukha gamit ang face towel na bigay ng isang babae galing sa mga benches doon.
“Eh sa ngayon lang kami nakarating eh, obvious na obvious na nga tinanong pa.” Hindi niya napigilang sabihin.
“May parrot ata akong narinig na nagsalita mga bro, narinig niyo ba?” painosenteng sabi ni Aleister.
Napangiti na napailing na lang ang mga pinsan niya sa sinabi ni Aleister. Sanay na ang mga ito sa kanila pati na ang mga tao sa village nila sa paraan ng “paglalambingan” nilang dalawa.
Nakakunot noong binalingan niya ito, “Ako ba ang sinabihan mo ng parrot?”
“Kailangan ko na talagang ipacheck itong mga tenga ko. Whoa! May narinig na naman kasi akong parrot na nagsalita.”
“Hoy, pangit! Sabi niya rito sabay turo sa mukha nito. Huwag na huwag mo akong matatawag na parrot kasi hindi ako parrot. ‘tong gorilya na ‘to.”
Binalingan siya nito, “May narinig ka bang pangalan mo na nabanggit nung sinabi ko ang parrot? Sa’yo kaya naggaling ‘yon at hindi sa akin. At bakit ka ba nakikisawsaw sa usapan namin ng mga pinsan mo, eh hindi naman kita kinakausap ah.” Sabi nito.
Walanghiya talaga itong lalaki na ‘to nakakagigil. Siya pa ngayon ang may kasalanan? Nakasimangot na binalingan niya ito. “pakialam ko sayo!kausapin mo tong kamay ko! Sabay lingon sa mga pinsan niyang tahimik pa mula kanina.
“Kayo! Baling niya sa mga ito na nakatanga sa harap nila ni Aleister. Bakit ang tahimik niyo? Himala ata! Wala kayong sinasabi. Nakakunot-noong sabi niya sa mga ito.
Nakangising tumingin sa kanya si Zach. “Pepper, bakit ang init ng dugo mo kay Aleister?”
“At kung hindi mo napapnsin insan, bakit kay Aleister ka lang ganyan kataray?” inosenteng tanong ni Isaiah.
Magsasalita rin sana sina Apolo at Pocholo ng tignan niya ang mga ito ng masama. Nagkibit-balikat na lang ang mga ito at tumingin sa mga naglalaro sa court.
“Heh! Tigilan niyo ako Zach at Isaiah.” Sabi niya sabay tingin sa mga babaeng nasa benches. Nagkibit-balikat lang ang mga ito.
Hinarap ni Aleister si Zach at Isaiah, “Nagpapapansin lang ‘yan sa akin dude. Miss na miss na kasi niya ako. Last month pa kasi kami huling nagkita. At lumingon sa kanya, “huwag ka ng magalit sa akin babe kung ngayon lang tayo nagkita, busy kasi ako sa school. Promise! Hindi ako nambabae.” Sabi nito na kumikislap sa katuwaan ang mata at ang luwang ng pagkakakngisi.
“Gago! Asa ka pa pangit, in your dreams na mamimiss kita. Makaalis na nga, biglang lumakas ang hangin dito baka magkakaroon ng bagyo.” Sabi niya sabay talikod. Pero napalingon din siya sa likod niya ng mapansing hindi sumunod ang mga pinsan niya sa kanya at nakipagkwentuhan pa kay Aleister. Binalikan niya tuloy ang mga ito.
“Oh! Akala ko ba aalis kana?tanong sa kanya ni Isaiah.
“At talagang hahayaan niyo akong mag-isang aalis? Pagkatapos niyo akong kaladkarin sa bahay? Nakataas ang noong tanong niya.
“Aminin mo na kasi babe na hindi mo ako kayang iwan dito after ng matagal nating hindi pagkikita.” Sabi ni Alesiter sabay kindat.
BINABASA MO ANG
Si Ms. Tomboy at Mr. Playboy
Novela JuvenilPosible nga bang mahalin mo ang taong kinaiinisan mo? This sounds so cliche pero ito ang nangyari sa kanila ng taong akala niya ay hindi niya mamahalin kahit siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo.