CHAPTER 4

6 1 0
                                    

ZINLORDRALLY LLAINE GODIÑEZ 's POV

Ipa-park ko na sana ang sasakyan ng may biglang nag-occupy nun na hindi ko naman alam kong saan nangggaling. Bwisit. Kaya umatras na lang ako at in-occupy ang isa pang pwesto sa tabi ng kotseng umagaw sa first choice ko. Badtrip.

Lumabas na ako ng kotse at siniguradong naka-lock ito bago ko tuluyang iwan. Lumabas na rin yung driver sa katabi kong kotse at di ko na pinansin kung sino man sya dahil maiinis lang ako.

Alam mo yung feeling na alam naman nya na ako na yung magpa-park duon tapos bigla nya lang aagawin like WHAT THE ARGH!

Naglakad na ako at sa tingin ko ay napakabilis kong maglakad dahil sa mga distansya na tinatahak ko. Kung sabagay malalaki kase ang biyas ko kaya ganoon.

Pumunta ako sa tapat ng elevator ng parking lot at pinibdot ang down button para mabilis na bumaba ang elevator. Nakakatamad maghintay.

Agad naman itong bumukas at may staffna naroon at nakaupo sa isang upuan sa gilid. Papasara na sana ang pinto ng may kama na humarang dito. Bumukas ulit ang elevator at pumasok ang lalaking mukhang pamilyar sa akin pero hindi ko na inabalang alalahanin pa ang pangalan nya at kung sino man sya. Sasakit lang ang ulo ko.

"Saang floor po Ma'am?" Tanong ni Manong staff.

"3rd floor." Saba'y naming sambit ng katabi ko.

"Ah- ok po." At pinindot nito ang number 3. Sumandal muna ako sa metal na parang railings like that basta yun ng elevator.

"Nandito na po." Sabi ni Manong at bumukas ang pinto. Agad akong lumabas at inilibot ang paningin ko.

Nasaan ba kase yung dalawang yun?

Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at dinial ang number ni April. Agad naman itong sumagot at sinabi na nasa National Bookstore na sila at kakarating lang nila duon. Kumain pa daw kase sila sa Mcdo na favorite fast food chain nya.

Nang matapos ang pag-uusap namin sa telepono ay agad akong naglakad at lumiko pakanan at naglakad pa ng konti at nandito na ako sa tapat ng NB.

Pumasok na ako dito at may nakabangga pa ako.

Ang laki laki na nga ng daanan nabangga pa ako ng kupal na 'to. Kainis!

"Sorry." Sabi nito at tumango lang ako at saka pinag-pagan ang sarili ko at dumiretso papasok sa loob.

"Wait! Zin!" Tawag sa akin ng isang tao. Like.. Zin? Zin? Zin? Pano naman nalaman nito pangalan ko. Hindi ako famous.

Hinawakan nito ang wrist ko at medyo napayuko at hinihingal. Nagpalabas muna ito ng malalim na buntong hininga bago tumingin mismo sa mga mata ko.

Nangubot lang ang noo ko dito at marahas na inalis ang kamay nya na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Wait!" Pahabol na ulit na sabi at hinila ang wrist ko kaya napaharan ako sa kanya.

Nagtatanong at nagtatakang mukha ang ibinigay ko sa kanya kaya naman nagsalita na ito.

"Sa'yo ito. Nahulog mo kanina." Sabi nya at inilahad sa akin ang isang plain blue na panyo. Tinignan ko muna ito at nasiguradong akin nga ng may nakita akong maliit na letrang Z sa gilid nito. Agad ko itong kinuha sa kamay nya.

"Thanks." Maikli kong sabi at tunabggal ulit ang kamay nya sa wrist ko.

"Welcome. By the way I am Lix. Xenlix." Pagpapakilala nito at nabgunot bigla nag noo ko. Xenlix?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between My Four Ex-CrushesWhere stories live. Discover now