Sa panahon ngayon
Hindi maiiwasan ang sumang-ayon
Sumang ayon sa desisyong panandalian
Kaysa sa kasiyahang pangmatagalan
Sa bawat taong ating nakikilala
Sa bawat ginawang mga ala-alang masasaya
Pero sa bawat biyaya,
Pagsubok ang siyang mangunguna
Tayo'y hinihila ng nakaraan
Nakaraang bumago sa ating katauhan.
Nakaraang binaon sa limot
Idadaan nalang sa pinagbabawal na gamot
Tiwalang binigay pero sinira
Sa kadahilanang hindi na sila masaya
Tiwalang aking ibinigay ng buong-puso
Pinagsawaan at tinapon na parang binasag na paso
Mahirap nga namang kalimutan
Realidad na sinapit at pinagdaanan
Mahirap nga namang tanggapin at isaulo
Ngunit isipin nating hindi laging pabor sa atin ang mundo
Matutong lumingon sa nakaraan
Ngunit huwag itong gawing batayan
Batayan ng mga desisyon sa kasalukuyan
Kasalukuyang masaya ka na at nagpapasalamat sa nakaraan
~by: Kurt *0*~
BINABASA MO ANG
Halimbawa Ng Mga Panitikang Filipino
Short Story~Alamat~Tula~Pabula~Mitolohiya~Maikling Kwento~