Kabilang Mundo

289 2 0
                                    

Noong unang panahon hindi ako naniniwala sa mga tradisyon/paniniwala na nakagisnan ng aking mga lolo at lola. Na kapag may namatay ay mapupunta sila sa kabilang mundo na kahit mismo tayo ay hindi natin malalaman kung saan nga ba iyon. Kaya't bilang pagrespeto ay kailangan natin na ipagdiriwang ang araw ng mga patay para na rin alalahanin ang mga naiwang alaala ng ating mga yumao. 

Araw ng undas at nandito kami sa sementeryo upang bisitahin ang aming yumaong lolo at lola. Sa totoo lamang ay kami lamang ng kapatid ko ang bumisita sakanila dahil hindi nakapag "day off" ang aming mga magulang. Pangalawang beses na itong nangyari ngunit hindi naman namin sila mapipilit.

Nilingon ko ang lapida nina lolo at lola bago ko nilapag ang mga dala naming halaman bago sinindihan ang dalang kandila. Bigla na lamang akong naluha dahil miss na miss ko na sila.

"Ate Yvette ba't ka umiiyak?" tanong ng nakababata kong kapatid na si Yves

"Namimiss ko na kasi sina lolo't lola eh." sagot ko naman sabay punas ng takas na luha sa aking pisngi

"Diba po sabi mo sa akin na masaya na sila at nakakapagpahinga na ng habang buhay, pero ba't po ang sad sad mo?" nagmamaktol na sagot niya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Namimiss ko lang naman yung pag-aalaga nila sa atin". 

"Lolo, lola oh si Ate Yvette umiiyak nanaman. Nagpaka-iyakin niya talaga. Ang unfair nga sa akin eh kasi po baby pa lang ako nung nawala kayo." malungkot namang pahayag ni Yves.

"Alam mo ba na sabay ka nila tayong binabantayan noon? Na kapag may trabaho sina mama at papa, si lola magbabantay sa atin tas si lolo naman tong magpapatulog."

"Ang cute cute mo din noon kasi ang taba taba mo, kaya tuwang tuwa rin sila kasi kada Linggo pinapasyal ka namin. Tapos alam ko ba-"

Natigilan ako sa pagsasalita at niliingon ko ang kapatid ko, nakatulog na pala siya sa tabi ko. Napatingin ako sa ibang tao sa sementeryo ngunit napansin ko rin na iilan lamang ang mga bumibisita doon.

Limang taong gulang pa lamang ako noon pero naaalala ko pa lahat ng kinukwento ng aking lola. Na kapag ang tao ay natulog na ng payapa habang buhay ay may lugar na kung saan maiiwan ang kanilang mga kaluluwa. May nabanggit rin si lolo na taga-sundo ng mga kaluluwa at siya'y kilala bilang si kamatayan. Upang siya'y iyong makausap ay kailangan mong mag-alay ng bagay na napakahalaga sayo.

Nakwento niya na rin na napaniginipan niya na may isang babae daw na inialay ang kaluluwa niya para lamang mailigtas ang kaniyang mahal sa buhay. Marami pang naikwento si lola ngunit hindi ko na masyadong maalala dahil bata pa lamang ako noon.

"Ate hindi pa ba tayo uuwi? Maggagabi na." sabay hila sa akin ng kapatid ko patungo sa aming sasakyan ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Teka lang Yves may hinahanap lang si ate mauna ka na sa sasakyan susunod ako." sagot ko naman sakanya.

Nawawala kasi yung pinaka-iniingatan kong bracelet na pinamana pa nila saakin, suot suot ko lang naman kanina pero nahulog ko ata, alam ko na andito lang iyon kasi hindi pa naman kami nakakalayo.

Habang busy ako sa pag-hahanap ay nakarinig ako ng malakas na sigaw, doon ko lamang napagtanto na nasa kabilang daan ko pala pinarada ang sasakyan namin. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko at nang nilingon ko kung saan nanggaling ang iyon ay nakita ko na lamang ang kapatid ko na duguan sa kalsada.

"YVES!!!" malakas na sigaw ko.

Nanginginig ako, hindi ko alam ang gagawin. Nilingon ko ang sasakyan na sumagasa sa kapatid ko pero nakalayo na ito at tuluyan ng nilamon ng dilim. Agad akong tumakbo papalapit sakanya at dahang dahan siyang inalog. Nagsilapit naman ang iilang tao at ang iba ay hindi rin alam ang gagawin.

Halimbawa Ng Mga Panitikang FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon