Si Ceceliang Mapangarapin

245 3 0
                                    

May isang magandang dalaga na nagngangalang Cecelia. Siya'y masipag, masigla isang napakatalino at masayahing dalaga at sobrang siyang mapangarapin. Umaga man o tanghali ay nangangarap siya. Isa na sa mga ito ang pagkakaroon ng malaking bahay, mga mamahaling sasakyan at napakaraming pera. Isang araw ay lagi lamang siyang nakikita ng kanilang mga kapitbahay na nakatingin sa malayo na parang may iniisip at nangangarap ng gising. Dahil dito siya ay nabansagan siyang Ceceliang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Cecelia sa tinatawag sa kanya bagkus ikinatuwa pa niya na ito't ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang inahing manok. Tuwang tuwa si Cecelia dahil alam niya na may gamit ang mga ito pagdating ng araw. Inalagaan niya ng mabuti ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang nag-iisang manliligaw. Nagpagawa siya sa kaniyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwan ang ginawang pag-aalaga ni Cecelia. Pinapakain at pinapainom nya ito sa maghapon at pinangarap ni Cecelia ang araw na magkakaroon siya ng inahing manok na magbibigay sakanya ng dose dosenang itlog.

Pagkalipas ng ilang buwan hanggang sa dumating ang araw sa nangitlog na lahat ng kaniyang inahing manok. Labintatlong itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok kada araw. Kinuwenta ni Cecelia ang bilang ng kabuuang itlog na ibibigay ng labintatlong alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang lingo. Kitang kita ang saya ni Cecelia sa kaniyang pangarap dahil kung ito nga naman ay tatanungin, sa isang linggo ay mayroon siyang siyamnapu't isang itlog na pupwede niyang ibenta ng limang piso isa. Malaki na rin ang makikita niya dahil aabot ito ng halos limang daan.

Inipon ni Cecelia ang mga itlog ng inahing manok sa araw-araw. Isang araw ay naisipan niya na itong ibenta sa palengke sa kanilang bayan. Bitbit niya ang halos limang dosenang itlog. Habang siya'y naglalakad ay nangangarap na naman ito ng gising. Na kapag raw ipagbibili nya ang lahat ng dosenang itlog ay makakabili siya ng napakamahal na tela. Ipapatahi niya ito upang magkaroon ng isang napakagandang bestida habang suot ito ay irarampa niya ito ng may pakendeng kendeng pa.

Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon ay nadali siya ng mamang may dalang kariton at nahulog lahat ng hawak niyang itlog. Hindi agad nakapagsalita si Cecelia, natutula siya sa pangyayari at para bang hindi matanggap na wala na ang limang dosenang itlog na hawak hawak niya kanikanina lamang. Nang kaniya itong mapagtanto ay umiyak siya ng umiyak. Gumuho bigla ang kaniyang pangarap at wala na siyang magagawa pa.

~~~~~~~~~~

ARAL: Hindi masama ang mangarap ngunit mas Mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyang at magpokus upang makamit ang pangarap na ninanais.

Huwag magbibilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang itlog.

~by: Pearl and Recca *0*~

Halimbawa Ng Mga Panitikang FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon