YLMS 4

2 0 0
                                    

Buhat ng matapos ang panghuli kong klase ay ang siyang pagbalik ng kabang aking nararamdaman at ang paghigpit kong hawak sa dalawang aklat na aking dala.

Ano itong aking pinasok? Ano itong nangyari sa akin? Ni hindi pumasok sa aking isipan at akala na may ganitong mamgyari sa akin.

Ang malamang ang lalaking misteryoso na aking ka chat at ang lalaking nakasalubong ko araw-araw sa skwelahan ay iisa.

Para akong tangang iniisip kong sino nga ba ang siyang aking nakaka-chat araw-araw at nag alala sa akin ay ang lalaki palang kumukuha sa aking ng lakas sa tuwing siya y aking nakikita ay ... iisa lamang.


Kung gulong gulo ako sa aking natuklasan kanina. Ay mas lalong gulong gulo ako ngayon kung pupunta ba ako o hindi.


Lemon Time. Isa yong Milk Tea-han na mga dalawang kanto ang layo sa aming skwelahan.

Tiningnan ko ang aking pambisig na orasan.

5:12Pm

Pupunta ba ako o hindi?

Lutang akong naglalakad palabas at hindi ko namalayan na nasa gate na pala ako.

"O ganda! Mukhang malayo ang iniisip natin ahh? Tingin tingin sa daan at baka ika'y mabundol."

"Eh Sir Chef! Kayo po pala yan. Opo. Una na po ako."

"O siya. Deretso uwi. Wag na gagala pa."

Tipid akong napangiti at unti-unting naglalakad sa tabi ng kalsada.

Tinanaw ko ang daan hanggang dalawang kanto.

Medyo nagsisimula ng dumilim kaya kita ko ang Lemon Time mula rito at ang buhay na buhay nitong ilaw dahil sa papalapit na kapaskuhan.










SA nanginging kong mga kamay ay dahan dahan kung tinulak ang pintuan ng Lemon Time at mas nadagdagan ang aking kaba sa lamig ng nakaapak na ang aking paa sa loob.

Pagkatapos nito, wala na. Gusto ko lang siyang kausapin at tanungin kung bakit at linawin ang lahat dahil pakiramdam ko kung hindi ko gagawin ito at kausapin siya ay mababaliw ako sa dami ng aking iisipin.


Sa kabila ng nanginginig kong kalamnan ay nagawa kung lumapit sa isang mesang di kalayuan at nakita ko siyang kalmadong naghihintay.


Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

Ayoko nang magtagal pa. Dahil pakiramdam ko mahihimatay na ako sa klase-klaseng bigat ng aking narardaman.


"Dumating ka."

Sa kalmado niyang pustora kanina ay unti-unti kong nakikita sa kaniyang mga mata ang pagka balisa at kaba.

Napansin ko ang dalawang milk tea niyang inorder at ang cake na nakita ko sa post niya kanina na may 'You like my Status'.

Nanatili akong nakatayo.

"May mga bagay lang akong itatanong sayo at di na magtatagal. Aalis rin ako. Hinahanap na ako ni Mama."


Pilit kong pinatatag ang aking boses sa kabila ng kaba na aking nararamdaman at panginingig ng aking mga kamay. Namamawis na rin ito.

Sa pagpungay nang kanyang mga mata ay pinakita niya sa akin ang halo halong emosyon na sa tingin ko'y kanyang dala-dala.

Unti-unti siyang lumapit sa akin na siyang nagpapigil sa aking hininga at pagpako ng aking mga paa.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib ng umawang ang kaniyang labi at ginulo niya ang kanyang buhok.


"I don't know what to do first. This is... this is... so"

Nakikita ko ang kaba sa kaniyang mga mata habang lumabas sa kaniyang bibig ang mga salita.

Dahil di na ako mapakali sa sitwasyon naming dalawa ay sa wakas parang bumalik na ang lakas sa aking katawan.

Inayos ko ang bag sa aking balikat.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mata.

Napabuntong hininga ako at tumalikod.

Aalis na ako. Hindi lang pala ako ang hindi handa at kinakabahan sa tagpuang ito. Pati siya. Kaya mas mabuting ipagpaliban muna.

Sa aking paghakbang patalikod at desididong pang alis ay narinig ko ang nangingig niya boses.


"June 10, 2015."

Napatigil ako sa pag hakbang at nangunot ang noong napatingin sa labasan ng Lemon Time.

Ano?

"I saw this girl. Filling up the form with teary  eyes. I saw the sadness cover her face and almost crying when she's done and pass it to the registrar. She caught my attention. Pagkatapos, sinundan ko siyang pumunta sa likod ng building at umupo sa isang sirang bench at humahagulhol sa iyak. She's crying for 2hour 7minutes and 5seconds."


Sa pagkakataong yon, nakuha niya ang atensyon ko at napalingon sa kanya.

Gulat akong tiningnan siya.

"A-nong....."

"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na kausapin ka. So, please...."

Nakita ko ang pagmamakaawa at lungkot sa kaniyang mata.


At sa pagkakataong yon, ay nakuha niya ang loob ko.

You Like My Status Where stories live. Discover now